Chapter 6

4.4K 95 0
                                    

Alyssa POV

Nandito ako sa Thailand. Dito ako nagstay for 5 years. I played volleyball here for almost 3 years and I decided to retire. Nakaipon din naman ako so I tried to put up some business sa Pilipinas at ang Kuya Paulo ang pinaghandle ko. Pinapadala niya sa akin yung mga report and we are communicating through skype. Ayoko pa kasi bumalik. Ayoko pang umuwi. 

"Hey bunso." sabi ni kuya Paulo. Kausap ko kasi siya ngayon syempre through skype.

"Yow kuya napatawag ka?"

"Masama na bang kamustahin ang bunso namin?" nagtatampong sabi ni kuya. 

"Kuya, we are always 'video calling' each other so how come did you miss me?" pabiro ko namang sagot sa kanya.

"No bunso, what I mean is namimiss ka na namin dito. Namimiss ka na namin ka bonding. Namimiss ko na yung mga dramatic conversations natin. Pati sila mama at papa namimiss ka na."

"Sabihin mo sa kanila magpapadala na lang ulit ako ng tickets para makapunta kayo dito."

"Nako bunso sawang sawa na kami diyan."

"Edi sa Singpapore naman tayo magpunta or Hong Kong pwede din sa Japan. Doon na lang tayo magkita-kita." sagot ko habang nakangiti at pataas taas pa ang dalawang kilay ko. Alam ko namang kukulitin na naman kasi ako nito para umuwi eh.

"Hey baby!" biglang singit ni Mama.

"Hi Ma! Kamusta na po?"

"Hello my princess!" Si papa naman.

"Hi bunso!/Hi Ate!" singit ulit ng dalawa ko pang kapatid. Kumpleto sila ngayon ah. 

"Kuya Paulo? Nasaan ka ba ngayon at kumpleto kayo?" tanong ko dito.

"Nasa Batangas. It's Sunday bunso. Remember family day?" sagot naman ni Kuya Nicko. Sunday nga pala ngayon. I just lost the track of time sa dami ng iniisip.

"Ay oo nga pla. Sunday pala ngayon. Anong luto ni mama?" 

"It's binagoongan darling." sabi naman ni Papa.

"Ang daya! Bakit nung nandito kayo hindi niyo ako pinagluto niyan?"

"Kasi sabi ni mama ate na pang Pilipinas na recipe lang daw niya yun. Hindi daw niya ilalabas yun sa ibang bansa." pangaasar ni Kian.

"Mama! Bakit ang daya mo?" pagpo-protesta ko.

"Umuwi ka na kasi dito baby." yan lang ang tanging sagot ni Mama. 

"Eh ma hindi pa pwede."

"At bakit naman?" si papa naman. Nako combo ako ngayon ah. 

"Eh basta po pa."

"Nako papa hindi pa kasi naghihilom ang sugatang puso ni Baldo." sabi naman ni Kuya Nicko. Tuwang tuwa pa ang damulag na to. Sila lang kasi ni Kuya Paulo ang nakakaalam ng totong dahilan ng pagpunta ko dito.

"Kuya! Shut up!" Inirapan ko na lang ito.

"Kayo talaga, 'wag niyo masyadong asarin yang si Baldo. Anyway anak, pwede bang umuwi ka na?" naiiyak na sabi ni mama. Nako dinramahan na ako ng nanay ko. What should do?

"Ma naman, di ba po napagusapan na natin to?" 

"Alyssa, ano pa bang dahilan ng pamamalagi mo diyan? You have your business here and it is way beyond successful. Stable ka na din." sabi naman ni papa. Nako na-combo talaga ako. Nabuo pa pangalan ko kaya alam kong seryoso na si papa.

"Oo nga bunso umuwi ka na! Ikaw na mamalakad ng mga business mo. Gusto ko rin mag-asawa aba!" sabi naman ni kuya Paulo. 

"Huwag ka ng mag-asawa kuya. 'di ba baby mo naman ako?" pangaasar ko. Akala mo ah. Pahamak ka kasi eh.

"Baldo naman. Mauunahan na ako ni Nicko." nakasimangot na sabi ni kuya.

"Ay oo pala may nagkagusto pala diyan sa pangit na yan. Mali pala, may nagayuma pala ang pangit na yan." yan ang bagay sa inyo. Mga pahamak kayo.

"Maka-pangit ka Baldo. Ang gwapo ko kaya." sabi ni kuya Nicko at nagpacute pa.

"Alyssa, anak, 'wag mong ibahin ang usapan. Umuwi ka na dito okay? Tandaan mo hindi kami bumabata ng papa mo." yun lang ang sinabi ni mama at umalis na kasama ni papa. Bigla naman nagseryoso ang mukha ng Kuya Paulo.

"Umuwi ka na kasi Ly. Hanggang kelan ka ba magtatago? Hanggang kelan mo tatakbuhan ang problema mo?" 

"Kuya naman. Alam mo naman lahat eh. Masakit pa. Parang hindi ko pa kayang marinig ang mga pwedeng balita tungkol sa kanya."

"Alam mo Baldo walang mangyayari sa ginagawa mo. You have to face everything. It's been 5 years! It is freakin' 5 years!" sabi naman ni Kuya Nicko.

"Eh paano mga kuya kung-" hindi na pinatapos ni Kuya Paulo ang sasabihin ko.

"Wag ka kasi mag overthink. Just go with the flow. You are not a god to predict anything that can happen. At hindi ka din naman manghuhula para mahulaan ang mga nangyayari at mangyayari dito." 

"Malay mo kasi Ly kung lumaban ka noon masaya ka ngayon. Napaka pessimistic mo kasi. Alam natin na marami kang 'what if' questions. And you are answering those in a pessimistic way. Maging optimistic ka naman kasi." litanya naman ng Kuya Nicko. Itong mga to kapag nagseryoso talaga maayos kausap eh. Well sila din naman ang tumutulong sa akin pagdating sa usapang puso. 

"Eh kuya alam mo naman na ayoko ng disappointment kaya I am looking for the outcome in a worst possible way."

"That is what pulling you down Ly. Change that attitude of yours. Tanggalin mo ang pagiging pessimistic mo. Also isa lang sinisigurado ko sayo ngayon. Hindi pa siya K-A-S-A-L." yun lang ang sagot ni Kuya Nicko at umalis na. Naiwan na lang kami ni Kuya Paulo na magkausap.

"Kuya, anong ibig sabihin ni Kuya Nicko?"

"Why don't you come and see it yourself Ly."

"Kuya naman sige na sabihin mo na sa akin."  pagmamakaawa ko dito.

"Nope." iiling iling na sagot nito sa akin.

"Fine! You guys win! Uuwi na ako. Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko dito. Magpapabook na din ako mamaya. Tuesday night ang kukunin kong flight para hindi masyadong maraming tao paguwi ko. Sunduin mo ako. 'Wag mo na silang isama para walang makahalata. Ilang taon din akong nagtago sa mga tao."

"Haha! Finally! babalik na si Alyssa Valdez! Ang taong hindi basta basta sumusuko sa kahit anong laban! I need to tell this news to them. Magpapahanda ba ako ng party Ly?" tuwang tuwa naman ang kuya ko. 

"Tigilan mo nga ako sa party na yan kuya! Basta sunduin mo ko! Sasabihin ko na lang sayo flight details-"  

Hindi na naman niya pinatapos ang sinasabi ko. He ended our video call. Uuwi na ako. Kaya ko na ba? Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at huminga ng malalim. Pilipinas kong mahal magkikita na tayo ulit!



Maybe This Time (AlyDen) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon