Dennise POV
Nagising ako ng 7 ng umaga. Syempre duty ko na naman. Isang 24 hours shift ulit na nakakapagod pero masaya. Naghanda na ako para pumunta ng ospital. Paalis na ako ng condo ng tumawag na naman si Ella.
*phone conversation*
"Good morning besh." Pambungad nito sa akin.
"Aga mo naman yata tumawag aling maliit." sagot ko dito.
"Pwede ba besh. Don't me. Haha. Makamaliit ka kala ko kay tangkad mo."
"Oo na maliit na din ako. Bakit ka ulit napatawag?"
"Edi tungkol sa swimming slash outing slash bonding ng team slash barkada slash siblings. Haha. Napagusapan na kasi namin nila Ate Fille kung saan at kailan eh."
"Oh saan naman daw? Tell me everything so that I can process my papers later. Iwas hassle na din."
"Yeah right Dra. Lazaro." pagmamataray na sagot nito. Feeling ko umiirap na naman tong babaeng to. Ganyan yan kapag naiirita na eh.
"So? May duty pa ako besh. Paalis na ako oh." pangaasar ko pa dito.
"Demanding talaga tong babaeng to eh. Pektusan kita pagdumaan ako sa ospital tignan mo. Anyway, we are going to spend a week sa isang island sa Olongapo. Suggestion din ni Ate Fille yun kasi nandoon yung bagong tayong villa nila. Regalo daw ni Senator Pia sa kanila ni kuya Lino."
"Oh edi sila Ate Fille na ang niregaluhan ng villa." natatawang sabi ko.
"Sila na talaga. Haha. So ayun na nga. Aalis daw tayo sa Sunday."
"Besh hindi ba pwedeng Monday tayo umalis? I am still on duty by Sunday eh."
"Hmm. Ganito na lang. Sunduin ka na lang namin sa ospital para diretso na tayo. Bakasyon din naman ang pupuntahan natin si sulitin mo na lang ang pahinga mo doon."
"Fine. Sa ospital na lang din ako maliligo bago niyo ako sunduin."
"Okay besh. Ingat pagpasok. Happy duty. Bye."
"Thank you besh. Bye." we ended our conversation at pumunta na rin ako sa ospital.
___________________
Today is already Sunday and it is the day when my week-long vacation officially starts.
"Bye mga doc! See you next week!" sabi ko sa mga kasamahan ko na nasa loob din ng resident's lounge. Nakapag ayos na din ako. Hinihintay ko na lang ang mga sundo ko.
"Enjoy your vacation Den!" sabi naman ni Shiloh.
"Pasalubong ko ah!" sigaw ni Lyra.
"Hindi! Ganyan ka talaga Lazaro. Hindi nagyayaya." sabi naman ni Prime.
"You had your vacations before no. Today is mine!" sabi ko then I stick my tongue out kay Prime. Nagvibrate naman ang phone ko. Nagtext si Beadel.
From: Bea De Leon
Ate Den! We're here waiting for you. :D
To: Bea De Leon
On my way out. :D
"Got to go guys! See you next week!" sabi ko sa kapwa ko residente at patakbong lumabas ng ospital.
Paglabas ko naman ng ospital ay nakita ko na agad yung sasakyan na gagamitin namin. Lumabas naman agad yung team para salubungin ako. Lahat ng tao sa ospital ay pinagtitinginan kami. Sino na naman kasi hindi makakakilala sa mga to di ba. The fab 5 is here with the team that gave the back to back championship in women's volleyball for Ateneo. Pero may isang kulang. Yes, siya nga. The one and only phenom. Alyssa Valdez.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...