Chapter 8

4.3K 93 0
                                    

Alyssa POV

"Kuya Nicko!" nakakainis talaga yun. Kahit kailan naman talago oh. Tumawag ako bahay para kausapin ang magaling kong kuya. 

*phone convo*

"Hell-"

"Nandyan ba si Kuya Nicko?" sabi ko. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng kung sino man ang sumagot sa bahay.

"Ly? Init ng ulo bunso ah." si kuya Paulo pala ang sumagot.

"Apparently, yes, kuya nasaan po yung magaling at chismoso nating kapatid?"

"Wala siya dito ngayon bunso. Maagang umalis may gagawin daw siya. Siguro gagabihin pa ng dating yun. Bakit?"

"Technically, he just announced the whole country that I am back." I sighed. 

"Hayaan mo na yun. Na-excite lang din siguro yun noong tinanong siya or baka naman naipit siya sa mga nagtatanong. Give him the benefit of the doubt." pagpapaliwanag naman ni Kuya Paulo.

"Fine kuya. Anyway pakibatukan na lang para sa akin yun mamaya paguwi niya ah. Thank you in advance. Haha." sabi ko na lang at naiiling.

"I'm glad to do that for you bunso. Haha. Ingat ka diyan okay? Bye."

"Yes kuya. Bye."

We ended the call. Ano pa nga ba ang magagawa ko di ba? I stopped reading and immediately went to my room. Nakahiga na lang ako sa kama ko habang nakatakip ang aking kanang braso sa mata ko nang may magdoorbell. Wala naman akong bisita at walang nakakaalam nitong bagong condo ko bukod sa mga kuya ko. Lumabas na lang ako ng kwarto para buksan ang pinto. 

"What-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang tumalon si Ella sa akin at lumambitin pa. Akala mo naman magaan.

"Ly! We missed you!" sabi ni Ella habang nakalambitin pa sa akin.

"Teka nga. What are you guys doing here?" tanong ko habang humihiwalay sa pagkakayakap ni Ella. 

"Well, nung nakita namin sa social media yung stolen picture mo tinawagan namin agad si Nicko." sabi naman ni ate Gretch.

"Baldo hindi mo man lang ba kami papapasukin muna bago ka maghysterical diyan?" singit naman ni ate Dzi.

Nagpunta nga ang teammates ko. Kasama nila Ella, ate Gretch at ate Dzi sila ate A, ate Jem, Marge, Bea Tan, Jia at Mich. Hindi man sila kumpleto pero alam kong magugulo ang condo sa mga 'to. Nagpatingin-tingin pa ako sa likod ng mga ito baka kasi may hindi ako nakita na kasama din pala nila.

"Uy, may hinahanap." pangaasar ni ate Jem.

"Hinahanap? Wala no. Pumasok na nga kayo baka sabihin ng mga tao dito may bisita ako na nakakawala sa zoo." 

"Besh, wala siya okay? Hindi niya alam na pupunta kami dito. At syempre naka duty yun." tinapik naman ni Ella ang balikat ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng condo. Sinara ko naman na ang pinto at sumunod sa kanila. 

"Baldo! Kamusta ka naman?" tanong ni ate A.

"Oo nga. It's been what? 5 years?" segunda naman ni ate Gretch.

"I'm o-okay?" sabi ko sa kanila.

"Hindi pa sigurado ate Ly?" sabi naman ni Jia na naghahanap sa DVD compilations ko ng pwedeng mapanuod. 

"Hoy bata, sigurado akong okay ako no." sabi ko. Napatingin na lang si Jia sa akin and she stick her tongue out.

"Nga pala Baldo since nandito ka na ulit at makukumpleto na ang team at ang barkada we have to go to a vacation." sabi naman ni ate A in a serious tone.

Maybe This Time (AlyDen) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon