Alyssa POV
Naandito ako ngayon sa isang coffee shop sa BGC. Hinhintay kong dumating sila Kim. Sila ang nag-set nitong pagkikita namin. Gusto daw muna nila akong kausapin bago ko gawin yung naging desisyon ko.
Nauna naman dumating si madame Ella.
"Aly." Napatingin naman ako dito.
"Kanina ka pa?" Dugtong pa nito.
"Hindi naman. Aga mo ah. Ano nakain mo?"
"Kapag maaga may nakain agad? Hindi ba pwedeng maaga lang talaga ako?"
"Sa totoo lang besh? Hindi! Haha. Kilala kita. Para kang si Den paminsan noh."
"Huwag mo nga ako ikumpara sa pagkilos nang mahal mo. Mas mabagal sa akin yun noh. Buti nga ngayon medyo nagbago na eh."
"Ellang maliit! May makarinig sayo. Itapon kita palabas eh."
"Haha. Scared Ly? Dito scared ka na paano pa mamaya?"
"It is a two different situation Ells. Nga pala kamusta na yun?"
"Secret. Bakit hindi ikaw ang tumawag?"
"Eh basta. Kamustahin ko naman yun para sa akin oh."
"Hindi mo pa nasasabi nagawa ko na Baldo. Haha."
"Kaya love love kita besh eh. Oh ano nang sabi niya?"
"Hmmm. Libre mo muna ako."
"Kailangan may bayad talaga?"
"Aba syempre noh masakit kaya sa tenga yung pagtataray nun."
"Fine! Pero sabihin mo muna sa akin."
"Sige. Ito yung exact words niya. Ahem. Ahem. 'Sabihin mo sa kaibigan mo okay lang ako. okay na okay. At sabihin mo din na kung kakamustahin niya ako siya ang tumawag sakin hindi yung kung kani kanino niya pa padadaanin!'"
"Wow intense!"
"Sinabi mo pa. Haha. Sa araw-araw na pagtawag at pagpunta ko sa kanya yan lang ang laging bungad niya sa akin noh. Kaya ilibre mo na ako."
"Oo na." Inabot ko naman yung wallet ko para siya na lang kumuha ng pera pambili ng gusto niya. Maya maya pa at dumating na sila Kim at Ara.
"Baldo!" Ingay talaga nitong si kimay eh.
"Kahit kailan ang ingay mo noh? Hindi ka pa din nagbabago. Haha."
"'To naman. Namiss lang kita." Sabay yakap sa akin.
"Tol, ang bading ah." Singit ni Ara.
"Dapat pala kami na lang ni Aly ang nagkita. Pagkakaisahan niyo na naman ako eh."
"Sosolohin mo si Ly? Nako Kim ah. Sinasabi ko na nga ba eh."
"Kimay, alam kong crush mo ako, pero alam mo naman na si Den lang nandito di ba?" I said while pointing to my chest.
"Maghunos-dili nga kayong dalawa. Nakakadiri ah. Alam kong si Den lang ang laman ng puso mo kahit na asgdjfhskfkg-"
"May sinasabi ka kimay?" Taas kilay kong tanong dito.
"Wala. Haha."
"Baldo, hindi ka man lang ba manlilibre? Nagugutom na ako oh." Si Ara.
"Oo nga. Ikaw tong hindi nagpakita ng mahabang panahon eh."
"Kapag talaga kauuwi lang yun yung laging nanlilibre ano? Sundan niyo na dun si Ella. May pera sa kanya bumili na kayo ng kakainin niyo."
Sumunod naman agad yung dalawa kay Ella. Infairness ang tagal nilang bumili. Maya maya pa bumalik na yung tatlo ang saya saya ng mga ngiti nila ah. Mukhang may kalokohang ginawa na naman tong nga unggoy na 'to.
"Oh besh wallet mo. Salamat nang marami." Ngumiti pa ng sobrang laki.
"So, Baldo. What's your plan?" Si Ara.
Sinabi ko naman sa kanila yung mga plano ko. Tumango tango lang naman sila. Mukhang sang-ayon naman sila sa lahat ng gagawin ko eh.
"Basta Ly, you know yourself more than anyone. Okay?" Si Kim.
"I know. You don't have to worry guys. Basta yung mga sinabi ko ah."
"Sige kami na ang bahala dun." Si Ara.
"Goodluck besh."
Naunang umalis si Ella dahil may pupuntahan pa daw siya. Hindi din naman nagtagal, nagdecide na kami nila Kim umuwi kailangan ko pa daw magpahinga para paghandaan yung gagawin ko mamaya. Whoa! Kinakabahan na ako ngayon pa lang.
Nakasakay na ako sa sasakyan. May nagtutulak naman sa akin na i-check yung wallet ko.
"Teka, sa pagkakaalam ko may natira pa akong 5k dito. Bakit 2k na lang to?" tinignan tignan ko pa bawat pocket ng wallet ko baka kasi naipit ko lang kung saan dito.
Si Ella! Naisahan na naman ako nung babaeng yun! I immediately grabbed my cellphone and dialed her number. Naka ilang ring din bago niya sagutin. Alam niya kasing may kalokohan siyang ginawa eh.
*Phone conversation*
"Hel-" hindi ko naman na pinatapos yung sasabihin niya.
"Ikaw Jorella. Ang sabi ko kumuha ka lang ng pangkain niyo. Hindi ko sinabing sagarin mo yung laman ng wallet ko!" Hindi pa tapos yung sasabihin nung magsalita siya.
"Besh masarap ba yung pasalubong ko?"
"Teka Jorella hind-" naputol yung sasabihin ko nang may magsalita sa kabilang linya.
"Oo naman besh. Thank you." Yung boses na yun. God! Boses pa lang pero biglang kumabog ng mabilis yung puso ko. Iba talaga ang epekto ni Den sa akin.
"Dumaan ka pala dun sa cafe hindi mo ako sinabihan sana nagkita na lang tayo dun." Dugtong pa nito.
"Eh nagmamadali din kasi ako besh alam ko naman na hindi ka pa kumakain." Si Ella. Akala mo hindi niya ako kausap sa kabilang linya eh.
"Kumain ako noh. Nga pala sino ba yang kausap mo?"
"Ay may kausap pala ako sa phone. Teka besh. Oh hello. May sinasabi ka po ba?" Sa tono ng boses nitong babaeng to halatang naka smirk habang nagsasalita eh.
"Magpsalamat ka Jorella. Ginawa mo na namang shield si Den laban sa akin."
"Huh? Ano ulit may sinasabi ka ba? Wala akong maintindihan eh. Besh Den ikaw nga kumau-"
"Umayos ka Ella! Lagot ka sa akin kapag nagkita ulit tayo!"
*End of Phone conversation*
Binaba ko agad yung tawag. Naisahan na naman ako! Paalis na sana ako nang may magtext sa akin.
From: Besh Ella
Ano Ly may sinasabi ka? Haha. Tiklop ka pala kay Den eh. 😝Wag kang magalala mayaman ka naman kaya okay lang yung 3k na ginastos namin nila Ara. 😄 Di ba binigyan ko pa ng pasalubong si Den.😉 Ano may sasabihin ka pa ba ulit? 😂 Pakiexplain mo na din Labyou!
To: Besh Ella
Pasalamat ka talagang babae ka. Hindi pa tayo tapos. Haha. Gaganti ako sayo 😈. Anyway take care of her for me ah.
Umuwi na ako para makapagpahinga. Ito na talaga. Mamaya magkakausap na ulit kami. Whoa! Kaya ko to. Para sa kanya. It is now or never. Gagawin ko lahat para kay Dennise. Goodluck sa akin!
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...