Dennise POV
"Stop!" sigaw ni Aly habang nakayuko. Unti unti ko naman tinaas yung coin na napahinto sa akin. Talagang kailangan magkasunod kami eh no?
Kumuha naman ako ng papel sa box. Iaabot ko na sana kay Aly yung nakuha ko.
"Besh! Ako na magbabasa." sabi naman ni Ella at kinuha yung papel sa kamay ko.
"Talagang nangunguna donya ah." sabi ko naman dito. Please please sana madali lang yung dare. Kinakabahan na ako. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.
"Okay." sabi ni Ella na ngayon ay ngiting ngiti habang nkatitig dun sa nabunot ko.
"Wag kang kabahan besh. Ikaw ang bumunot nito." dugtong pa nito.
"Umayos ko besh ah. Kinakabahan ako sa itsura mong yan eh." sabi ko naman.
"Besh, ikaw ang bumunot nito. Haha. Here it goes." tuwang tuwa naman na sabi ni Ella. Kinakabahan talaga ako ano ba yan.
"The people around you will have the opportunity to choose someone and you have to sit on the lap of this person until the game is done." natatawang basa ni Ella. Sabi ko na nga ba at kinakabahan ako eh. Alam ko ang takbo ng utak ng mga kasama ko. Nagsisimula nang tumambol yung dibdib ko.
"It is our choice Den ha." excited na sabi naman ni ate Jem. What now?!
"Besh sigurado ka diyan sa binasa mo? Baka naman pinagtitripan niyo na naman ako." kinkabahang sabi ko naman kay Ella.
"Eto besh oh ikaw pa magbasa." sabi nito. Itinapat naman nito yung papel sa mukha ko at nagtaas baba na naman yung kilay niya.
"We choose Alyssa!" sigaw naman agad ni ate Gretch. Sumang-ayon naman agad ang mga kasama namin. Napatingin naman ako kay ate Gretch with the wala-na-bang-bawian look. Nakangiting umiling naman ito sa akin.
"Wala naman problem kay ate Aly yun, ate Den." sabi pa ni Beadel. Itong batang ko gatong talaga eh. Nahihiyang tinignan ko naman yung pwesto ni Ly.
Nakangiti lang ito sa akin. Aba parang gustong gusto pa niya. Tumayo naman ako sa pwesto ko at naglakad papalapit sa kanya. Sinusundan naman ako ng tingin ng mga kasama namin. Pagkatapat ko sa kanya ay umayos siya ng upo.
"Dito ka na lang umupo. Mukhang mahaba habang session pa to eh. Para hindi ako mangalay at para maging komportable ka din." nakangiting sabi nito at tinuturo ung pwesto sa pagitan ng mga binti niya. Hindi naman ako sumagot at umupo na lang ng nakatalikod sa kanya.
"Whoa!" sabi ng mga kasama namin. Nangantyaw pa eh.
"Ano Ly hindi ka pa ba nage-enjoy?" nakangiting tanong naman ni ate A. Hindi naman nagsalita yung nasa likod ko. Nilingon ko naman ito. Nakangiti lang naman ito na kulang na lang mapunit yung mukha.
Magsisimula na ulit pagpasa-pasahan yung coin nang itiklop ni Ly yung tuhod niya at pinatong dalawang kamay niya dito. Unti unti kong nararamdaman sa likod ko yung mainit na hangin galing sa kanya. Ito na naman po yung pagtatambol ng aking puso. Nararamdaman ko din na unti unting lumalapit yung ulo niya sa balikat ko.
"God! I really miss this." mahinang bulong nito sa akin. Lahat yata ng dugo ko ngayon eh napunta sa ulo ko. Nararamdaman ko ang paginit ng mukha ko.
Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko alam pero para may sariling pagiisip ung katawan ko at umayos para mas ma-accomodate si Aly. Kulang na lang ipalibot niya yung kamay niya sa bewang ko para masabing nakayakap siya sa akin.
Hindi naman na ako nakafocus sa laro namin dahil sa pwesto namin ngayon ni Ly. Napansin ko naman na parang wala ng maiingay. Inilibot ko paningin ko. Wala na pala yung mga kasama namin. Naturuan yata ni ate Fille ng ninja moves niya eh. Hindi naman nag bago yung pwesto namin ni Alyssa.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...