Dennise POV
"Good save doctor Lazaro."
Napalingon naman ako sa pinaggalingan ng boses. Nakita kong nakatayo sa may pintuan si Dra. Ramos. Isa siya sa respetadong doktor ngayon. She is also the head of the cardio-thoracic surgery department at hawak niya din ang residency program.
"Thank you doc. It is my job to save lives so technically I have to give everything for the patient." nahihiyang sagot ko dito.
"Hmm, I like the way you respond." sabi nito sabay smirk. "Anyway, please contact Dra. Nabua. We have to check first if there is a neurological damage before we can do our own procedures also order for a full thoracic ct-scan so we can check how extensive his injuries are."
"Yes doc." pagsang-ayon ko sa inuutos nito.
Ginawa ko agad lahat ng utos nito habang abala siya sa pagtingin sa pasyente. Dumating din naman agad si doktora Nabua at sinabing wala naman damage sa utak ng pasyente pero syempre kailangan siyang obserbahan.
Inaayos ko naman na ang chart nung pasyente nung lumapit sa akin si Dra. Ramos.
"Dr. Lazaro, since you saved this patient, I want you to assist me during his surgery." sabi nito sa akin.
"Doc? A-ako po?" medyo kinakabahang tanong ko dito.
"Yes doktora. Bakit may iba pa bang doktor na bumuhay sa kanya?" striktong sagot nito.
Napailing na lang ako bilang sagot dito. Nakakatakot kaya siya. Bihira lang din kasi siyang nagpapapasok sa operating room ng residente kapag siya ang head surgeon. Nasa gallery lang kami ng o.r kapag may inooperahan siya.
"Good. Just check the O.R board for the schedule." sabi nito sa akin at naglakad papalabas ng emergency room. Bago pa man siya tuluyang makalabas ay huminto ito.
"And doktora. Take a break. Alam kong nanginginig ka pa ngayon. Mamaya mo na ituloy yang mga chart na yan. I know the feeling." pahabol na sabi niya sa akin bago siya ulit mag lakad papalabas ng E.R.
Totoo naman ang sinabi ni doktora. Nanginginig pa nga ako hanggang ngayon. Nakakilos lang ako ng mabilis at maayos kanina dahil na din siguro sa Adrenaline rush. First time ko kasi makaencounter ng ganung kaso ng pasyente. Ang madalas ko kasing nakukuha dito ay yung mga pasyente na nahulog, pumutok ang ulo at kung ano ano pa na alam nating mababaw na kaso.
Papunta na ako sa resident lounge ng magvibrate ang cellphone ko.
*bzzzzt bzzzt bzzzt*
Tumatawag pala si Ella at sinagot ko naman yun.
*phone convo*
"Yow doktora!" bungad nito sa akin.
"Ingay besh." natatawang sabi ko dito.
"Eh bakit ba? Haha. Nasaan ka ngayon?" tanong nito.
"Besh naman. Parang may bago? Malamang nasa ospital. Duty kaya ako."
"Ay oo nga pala. Pasensya naman. Haha"
"Anyway napatawag ka?"
"Eh yayain sana kita mag coffee. Hindi ka na kasi masyadong nagpapakita sa amin. Pero kung busy ka naman oks lang." parang nagtatampo pa ang lola mo.
"Nako besh wag mo kong artehan. Haha. Kita na lang tayo sa shop tutal free time ko ngayon."
"Talaga?! Yehey! Sige besh 15 mins nandoon na ako. See you!"
"Sige papunta na din ako. See you!"
Tinanggal ko na ang white coat ko pagkatapos namin magusap. Hindi kasi ako lumalabas ng naka white coat dahil na rin sa ayokong maglaganap ng bacteria at virus na nakadikit doon.
Pumunta naman na ako sa parking lot ng ospital para kunin ang sasakyan ko. Pagpasok ko ng sasakyan ay may nakita akong lagayan ng contact lens at kinuha ito. Pagkabukas ko ng lagayan ay nakita ko ang isang pares ng blue contact lens.
"Hayy namimiss na kita. Ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam ah. Actually hindi lang pala matagal kundi sobrang tagal!" nagbabadya na naman ang pagtulo ng luha ko kaya agad kong tinago yung bagay na nakita ko at umalis papunta sa coffee shop.
_______________________________________
A/N:
Whoopsss 😁 stay put guys. Haha
Sana magustuhan niyo itong story ko.
Thank you sa mga nagbabasa na at sa mga magbabasa pa lang thank you in advance na din 😁😁
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanficMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...