Dennise POV
"She's back!" yan lang ang nasabi ko pagkasagot ni Ella. Nandito na ulit siya! Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil sa nabalitaan ko. My heart starts to pump faster than normal. I can feel that my system is not working fine. Hindi ko pa siya nakikita pero ganito na ang epekto niya sa akin.
"Who is SHE?" tanong naman nito sa akin. Naka emphasize pa talaga yung she.
"Hindi mo pa ba nacheck ang social media accounts mo?" balik na tanong ko dito. Hindi naman ito nakasagot agad.
"Bilisan niyong bumaba. Baka makaalis pa yon." mahinang sabi naman ni Ella. Bakas naman sa boses nito ang pagmamadali.
"Besh? Nasaan ka? Sinong aalis?" takhang tanong ko dito.
"Ah eh. Wala besh inuutusan ko lang yung mga kapatid ko baka kasi makaalis yung pusa. Ang ganda pa naman nung kulay." pagpapaliwanang naman nito sa akin.
"Bakit parang hindi ka sigurado?" tanong ko ulit dito. May kakaiba kasi akong narramdaman. Parang may tinatago 'to sa akin.
"Ha? Wag ka nga diyan besh. Tapos na duty mo di ba? Ingat ka paguwi. Bye." Nagmamadaling sabi nito sa akin. Hindi na ako nakapagsalita dahil tinapos na niya agad yung tawag. Weird ni Ella ngayon ah. May kakaiba talaga sa kanya.
Pumunta naman ako sa resident's lounge ng ospital para kunin ang mga gamit ko. Nagaayos naman ako ng gamit nang biglang may nahulog mula sa loob ng bag ko. Hinanap ko yon at nakita ko na yung lalagyan ng contact lens yung nakita ko. Kinuha ko ito at muling binuksan. Tinitigan ko lang ito, hindi ko naman maisuot syempre kasi matagal na siya at baka ikabulag ko pa pagsinuot ko yun no. I remembered the day when I got this simple yet sentimental gift.
*Flashback*
Today is our first game this season against our rival school, La Salle. Papunta dug out kami para magayos ng mga gamit at magbihis na din. Hindi pa naman kasi tapos yung game before ours. Malapit na kami sa dug out nang may sumigaw.
"Baldo!" Sigaw nito at tumakbo papalapit kay Alyssa. It was Kim Fajardo. Setter ng La Salle. Teammates sila ni Ly before sa UST kaya sobrang close sila sa isa't isa.
"Kimay! Anong ginagawa mo dito? Are you spying on us?" sabi ni Aly. Kita mo naman sa reaksyon nito na masaya siya at nagkita nga ulit sila.
"Unggoy!" sabi naman ni Kim at binatukan si Aly. "Oh, yung pinabili mo." dugtong pa nito sabay abot ng maliit na paper bag.
"Salamat ng maraming marami Kimay." Tuwang tuwa naman tong isa.
"Pasalamat ka talaga noh. Kung walang kapalit yan hindi ko bibilhin yan noh." sabi ulit ni Kim.
"Anong kapalit?" sabat naman ni Ella.
"Sabi ni Baldo ipapatalo niya daw tong game." nakangising sagot naman ni Kim. Lahat naman kami napatingin kay Aly.
"Damn you Kim! Wala akong sinasabing ganun." inis na inis na sagot naman ni Aly.
"Joke lang kayo naman hindi mabiro. Ililibre daw niya ako ng kahit anong gusto kapag binili ko yan eh. Haha. Anyway, kita na lang tayo sa court guys. Good luck." nakangiting sabi naman ni Kim at tumakbo papunta sa dug out nila.
"Anong ipapatalo Baldo ha?" sabi ni ate Dzi at binatukan na naman si Baldo.
"Hindi po totoo yun ate. Nang-aasar lang talaga yung si Kim. Hindi ko naman kayang ipatalo tong game natin no. Hindi kaya ng konsensya ko yun." pagpapaliwanag ni Alyssa. Tinawanan na lang namin si Aly. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito. Alam naman din namin kasi na hindi niya gagawin yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/100117672-288-k480629.jpg)
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...