Dennise POV
Natapos ko na ang night rounds ko at papunta na ako sa resident's lounge para kumain ng dinner. Malapit na ko sa lounge nang mapansin kong parang ang daming tao na nagkakagulo. nagmadali akong maglakad para makita din kung ano ang pinagkakaguluhan ng tao.
"Ate Alyssa pwede po bang magpapicture?" Ha? Ano daw? Alyssa? Nandito si Ly? Mas lalo akong nagmadaling maglakad papuntang lounge.
"Excuse me." Sabi ko nang makarating ako. Nagulat ako sa nakita ko. Isang nakangiting Alyssa Valdez nga ang bumungad sa akin. Hindi pa siya mapakali kung sino ang lilingunin. Pero paano siya nakapasok dito. Paano niya nalaman kung nasaan ang lounge namin?
"Pasensya na po pero doctor's area po ito. Excuse us po." sabi ko sa mga bantay ng pasyente na nagkumpulan sa labas. Sinarado ko na din ang pinto at hinila si Ly papasok.
"Valdez, anong ginagawa mo dito?"
"Relax your heart princess. Surprise?"
"'Wag mo akong masurprise surprise diyan. Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan yung area namin?"
"Chill lang doc. Haha. Paano ko nalaman? Ahm, connections. Anong ginagawa ko dito? ahm, pwede na ba yung binibisita kasi kita?Also, I brought you some food. Alam ko kasing hindi ka pa nagdi-dinner." nakangiting sagot nito sa akin at itinuro pa yung mga pagkain na dala niya. Yan! Yang mga ngiting yan yung nagpapakalma sa akin eh.
"Ly, you don't have to do this. Galing ka pa ng office di ba? Pagod ka din. You also need to take a rest. In fact, magkasama lang din tayo kaninang umaga."
"A hug from you is enough to refuel me. Also in fact, I can't get enough of you." She said while opening her arms widely waiting for me to give her the hug she needs. Ano ba yan Ly, masyadong makeso.
"Pwede naman po kasi pumunta sa condo bukas after mo sa office." malambing na sabi ko habang nakayakap sa kanya.
"Ahem, excuse me lang po naandito kami." Singit ni Dr. Chan. Oo nga pala naandito kami sa resident's lounge.
"Mamaya niyo na po ituloy yang paglalambingan niyo. By the way thank you dito sa food Ms. Alyssa." sabi naman ni Dr. Vito.
"Dr. Lazaro sabihan mo si Ms. Alyssa na palagi kang dalhan ng pagkain ah. Haha. Masarap ang libre eh." Si Dr. Primavera.
"Prime parang hindi doctor ah. Haha." Sagot naman ni Dr. Pua kay Dr. Primavera. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap ko kay Ly.
"Ikaw naman babae, let's eat para makauwi ka na at makapagpahinga ka na." sabi ko kay Ly habang pinanggigigilan ang pisngi niya. Hinila ko na din siya papunta sa dining area. Habang kumakain kami naandyan yung susubuan niya ako. Papahiran niya yung gilid ng labi ko. Ly's gestures are too sweet for me to handle. I can't help it but feel giddy. Yung spark kasi hindi nagpapatalo. Hindi ko na din napigilan ang pamumula ng mukha ko sa ginagawa niya.
"Ly, you have to go and take a rest." Sabi ko noong natapos kaming kumain.
"Who told you that I am going home?" sabi nito nang pataas taas pa ng kilay.
"What? Don't tell me that you are going to wait for me until the end of my duty?"
"Ahm, bawal po ba yun?"
"It's not that bawal but you have your work tomorrow."
"Why so conyo doktora? Haha. Pertaining to my work, wait."
Pagkasabi niya ay kinuha agad niya ang cellphone niya at nagdial.
"Kuya, hindi ako papasok bukas... Basta... Tigilan mo ko kuya Paulo haha... Send those file na lang po para mareview ko... Okay kuya... Thank you.. Bawi ako lakad kita kay ate Gretch Haha... Love you bye!" She ended the call and faced me.
"So I guess that settles my work." sabi nito at kinindatan pa ko.
"How about my car Ms. Valdez? Alangan iwanan ko na naman dito yon?"
"That is already settled Dr. Lazaro. Nagpahatid ako kay tatay Edgar kanina." sabi nito habang pinanggigigilan ang ilong ko.
"At talagang planado mo na to Valdez."
"Of course mi'lady. Para wala ka nang kawala." Ngiting-ngiti nitong sagot sa akin.
"Alright you won Ms. Valdez. Planado mo na ang lahat eh."
"Ganon talaga doc. Miss agad kita eh." Sabi pa nito at kinindatan ako.
"Den, kayo na ba?" Biglang tanong ni Dr. Primavera. Napatingin naman kami ni Ly sa kanya. Nakakagulat talaga yung mga ganyang tanong eh.
Pero kami na ba ni Ly? Hindi pa naman di ba. Hindi naman siya nagtatanong at isa pa, I allowed her to court me recently. It was not even a week yet. Well, knowing Ly kasi, she is really sweet and clingy. Anyone could easily fall for her. But! There is a big BUT! Alyssa Valdez is mine. Only mine. So, back off.
I was about to answer the question when Ly butt in.
"Prime right? To answer that question, hindi pa." She said. May quoting gesture pa noong sinabi niya yung word na "pa".
"Kakapayag pa lang niya na ligawan siya." Dagdag pa ni Ly while wearing her signature smile. Tinitignan ko lang naman si Ly at Prime habang nag-uusap.
"Oh. When are you going to ask doc Lazaro to be your girl?" Sagot ni Prime na may pataas taas pa ng kilay.
"Prime, you are asking too much." Sabi ko na lang. Masyado na niya kasing pine-pressure si Ly.
"Hind-" sasagot pa sana si Ly nang may mag page.
"Code blue at room 132. Doctors and nurses are immediately needed at room 132. Patient is in code blue.I repeat code blue."
"I'll get that. Pahinga muna kayo guys." Buti na lang nagvolunteer si Prime. Agad naman siyang tumayo at tumakbo papunta sa room ng pasyente.
"May dumi ba sa mukha ko my princess?" Sabi ni Ly. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Ha? Ah eh. Wala naman." I said with a huge smile on my face.
"I know you too well doctora Lazaro. Haha. You can't hide anything from me. Now spill."
"What are you talking about? I'm fine. I'm not bothered by anything."
"Look, I was away for 5 years but that does not mean that I forgot every little detail about you Den. Tignan mo sabi ko lang spill kung ano ano na sinagot mo. Haha. Hindi ko naman sinabi na bothered ka or kung okay ka lang." Sabi ni Ly habang inaakbayan ako. Kinabig din niya ako papalapit sa kanya. At syempre yung hindi matahimik tahimik na mga insekto sa sikmura ko nagsisigalawan na naman. Alyssa Valdez what are you doing to me?
"Alam mo my princess, if you are bothered about the question earlier, 'wag kang mag-alala darating din tayo don. Sa ngayon let me prove myself first. I don't want to rush things. Let me treat you the way a princess should be treated." Dugtong pa nito habang hinahawi ng kanang kamay niya yung buhok ko na humarang sa mukha ko. She lifted my chin to make an eye contact with me. "And I guess kanina ka pa tinatawag para sa consult doctora." sabi pa ulit nito at hinalikan ang ilong ko.
"You really know me too well Valdez." Sagot ko na lang at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Aray! Den! Masakit! Tama na. Magconsult ka na don. Pero pwede bang sumama?"
"Tumigil ka dyan Alyssa. Hintayin mo ako dito."
"Ay. Okay po. Hintayin na lang kita dito my princess."
Lumabas naman na ako ng lounge para sa consult. Pero, bothered ba ako sa tanong ni Prime? Parang hindi naman. Kasi yung malagyan ng label yung relationship namin ni Alyssa means everything. Making the person you really love officially yours is betond imagination.
Hindi talaga ako nagsisi na binigyan ko ng chance si Ly. This is one of the decisions that I will never ever regret. And yes. I love her. I love Alyssa beyond everyone's knowledge. Parang ayoko na nha patagalin yung panliligaw niya. Haha.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanficMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...