Alyssa POV
Mabilis lumipas ang ilang araw. Nakalipat na din si Den sa condo ko. Now, I'm driving with Den sitting next to me. We are heading to Mall of Asia Arena since this is the place where our exhibition match will be held. I hold her hand while I am driving. She will just look at me and smile. Hinahaplos din niya yung pisngi ko paminsan minsan.
"Love, naalala ko lang noong college tayo." Sabi ko. Napatingin naman siya sa akin. "Yung ganito, lagi tayong sabay na pumupunta ng venue. Naghaharutan sa loob ng sasakyan kahit nasa byahe lalo na kapag traffic." Natatawang sabi ko habang inaalala yung nakagawian namin ni Dennise.
"You were such a kid back there love. Para kang bata na nasa loob ng katawan ng isang teenager e. Sobrang kulit." Sabi nito at pinisil yung pisngi ko. Natahimik naman kaming dalawa after those words.
"Love, since when did you realize that you love me?" Pambasag ko sa katahimikang namamayani sa amin.
"Why do you ask?" Balik na tanong niya sa akin.
I just shrugged my shoulders. "Hindi ko alam. Naitanong ko lang." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Di ba nasabi ko naman sayo before na I realized that I love you when you left? A peice of me was missing. I felt so incomplete. But then you come back and everything change." Masuyong sabi niya. "Pero if you are going to ask when did my feelings for you started, siguro ang sagot, after ng first year residency mo sa team."
"Wow! Ganon na katagal?" Sabi ko at bahagyang napatingin sa kanya.
"Maybe?" She answered and shrugged her shoulders.
"Then why didn't you tell me?" Sabi ko habang nakatingin sa daan na tinatahak namin.
"Why should I?" Nakataas ang kilay niyang sagot sa akin. "I don't make the first move Ly." She said and stick her tongue out. "I do also believe that I am straight as a ruler no. Tsaka malay ko bang hindi pala bestfriend ang tingin mo sa akin." Pagpapatuloy pa niya.
"Pero ngayon kaya mo nang aminin sa harap ng iba tao?" Sabi ko at tumingin sa kanya dahil naka stop naman ang traffic light.
"Na ano? Na mahal kita?" Tinignan ako nito ng diretso sa mata at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Hindi ako natatakot ipagsigawan sa harap ng kung sino na ikaw ang pinili ko. Na ikaw ang mahal ko. Let them say whatever they want. As long as you with me, the hell I care with those people." Sabi nito at masuyong hinalikan ako sa labi. Akala ko uupo na ulit siya ng maayos pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binuksan niya yung bintana ng sasakyan at sumigaw. "Mahal ko si Alyssa Valdez!" She slightly let her head out of the window. "Kuya! Ate! Mahal ko po si Alyssa Valdez!" Sabi nito sa dumadaang tao sa sidewalk.
Natatawa na napapailing na lang ako sa ginagawa ni Dennise. Syempre tuwang tuwa naman ako. Ngayon ko lang din kasi siyang nakitang ganyan. Noong sila ni Mico hindi naman siya ganyan e. Kaya tumaas ang self confidence ko. And I know that I am one hell of a lucky person having her.
"Still want to prove that I am not afraid of showing everyone that I love you?" Sabi ni Den pagkasara niya ng bintana.
"You don't need to prove anything my queen. Letting me feel how much you love me is more than enough. I, thank you for that." Sabi ko at hinawakan ang tungki ng ilong niya gamit ang hintuturo ko. Kinuha ko naman ang isang kamay niya at hinalikan ang likod nito. "I love you Dennise Michelle Garcia Lazaro. Ikaw lang wala ng iba. Always remember that." Buong puso kong sabi sa kanya. Halata naman sa mukha niya ang pamumula. Maputi kasi siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/100117672-288-k480629.jpg)
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...