Chapter 25

4.5K 102 7
                                    

Dennise POV

Magdamag kaming magkasama ni Alyssa. Hinatid niya ako dito sa condo after ng duty ko. Nagpaalam siya na uuwi daw siya ng Batangas. Pero anong petsa hindi pa siya nagtetext or tumatawag. Ano na kaya ang nangyari sa bakulaw na yon?

"Mahal ka non."

"Ha? Anong pinagsasabi mo Jorella?" Kasama ko palang umuwi dito sa condo tong maliit na to. Haha. Ayaw daw muna nuyang umuwi sa condo niya e. If I know makikipag kwentuhan lang to.

"Ang lalim kasi masyado na naman ng iniisip mo besh. Hindi ko ma-reach o. Kung si besh Ly yang iniisip mo, sabi ko nga sayo mahal ka non. Haha." Nang-aasar pa si Ella ng magvibrate yung phone ko.

"Marie. Pakitignan naman kung sino nagtext. Baka sa network provider lang yan e."

"Wow tayo sa Marie, Michelle ah. Bahala ka dyan. Kapag si Baldo tong nagtext hindi ko ipapabasa sayo."

"'Wag ganon besh. Haha. Love you. Akin na yung phone ko. Ako na magbabasa."

"Pasalamat ka mabait ako." Sabi ni Ella at iniabot sa akin yung phone ko. I read the message and it was from my phenom. Haha. Kinikilig ako iniisip ko pa lang yung "my". Bakit kasi iba talaga yung kilig kapag siya yung pinaguusapan.

From: Phenom <3

Hi princess. Sorry I forgot to update you. I am already home. Here in Batangas. See you when I got back to Manila. Do not skip meals okay? I miss you already. 😘

After reading her text, I immediately replied to her. Magagalit na sana ako pero nag-sorry naman agad siya. It means that she knew her fault.

To: Phenom <3

Apology accepted. Glad that you are safe. Next time please update me as soon as possible. Mahirap kaya ang nagaalala no. I miss you too. 😘

Hindi ko pa naibababa yung phone ko nang may magtext ulit. Ang bilis naman magreply non. Haha.

From: Justine

Ate, skip your duty tomorrow. Daddy is asking you to come home.

Huh? Bakit naman kaya ako pinapauwi ni daddy? Anyway, minsan lang naman din ako umuwi so, magpapasalo muna ako ng duty bukas. I'll ask one of my colleagues na lang.

To: Justine

Why is dad asking for me? But anyway, I'll come home. I'll ask Catrine to cover my duty na lang.

Hindi naman na nagreply si Ly. Baka pagod at nakatulog na din.

"Besh pinapauwi ako ni daddy."

"Ha? Bakit daw?" Gulat na sabi ni Ella. Bakit kaya nagulat to at parang kabado. Di ba dapat ako ang kabahan? Ngayon lang kasi ako pinauwi ni daddy ng ganon. Ako yung kusang umuuwi lang sa bahay.

"Hindi ko din alam. Si Justine din kasi yung nagtext sa akin."

"Ah eh. Ganon ba? Gusto mo samahan kita?"

"Bakit parang mas kabado ka pa sa akin besh? Haha. Relax ka nga lang dyan."

"Ayoko lang kasi na umalis na naman si Ly." Sabi ni Ella pero hindi ko naman narinig.

"Ha? Anong sinabi mo besh?"

"Wala. Sabi ko kung ayaw mong samahan kita bukas, syempre, ikwento mo na lang sa akin yung sasabihin ni tito sayo."

"Nako Jorella, basta kwento ang bilis mo talaga. Matulog na nga tayo. Mamaya paggising natin uuwi na ako. At sumama ka na sa akin mamaya."

Maybe This Time (AlyDen) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon