Dennise POV
"Beem?" Sabi ni Alyssa pagkaangat niya ng tingin doon sa taong pumasok sa gym.
"Alyssa!" Sigaw noong tinutukoy na Beem ni Aly. Tumakbo uto papalapit kay Ly at niyakap ito ng mahigpit.
Nakita ko naman ang pagganti ng yakap ni Ly. My brow formed an arch automatically.
"How are you? I don't have any news from you after you left." Sabi pa ni Beem. Nilayo pa niya ng bahagya si Aly para tignan at niyakap ulit. Parang tuwang tuwa naman tong isa. Psh.
"Why are you here? You did not tell me that you are coming." Tuwang-tuwa pang tanong ni Ly. Nawala ang pagtaas ng kilay ko pero nagsalubong na ang mga ito. Hindi ko naman na masyadong nadinig yung usapan nila. Nagiinit na kasi yung ulo ko.
"Kilay mo ate Den." Jia said while poking my right cheek.
"Uy. Nagseselos." Panga-asar naman sa akin ni Gizelle.
"Wag kang magselos dyan Den." Sabi ni Ara at inakbayan ako.
"Hindi ako nagseselos no." Pataray na sabi ko.
"Hindi nga halata. Haha. Pati si Ara natarayan mo na e." Sabi naman ni Kim. Tinaasan ko lang naman ito ng kilay kaya napataas na lang siya ng dalawang kamay.
Tumalikod ako at mabilis na pumunta sa shower area. I need to wash my face. Hindi ko alam pero nagiinit yung ulo ko. Natakot ako ng hindi ko alam ang dahilan. Mukha siyang galing ng Thailand. Yung accent niya, kaparehas ng accent ni coach Tai, coach namin from Thailand noong collegiate days. Feeling ko kasi, siya yung kasama ni Alyssa for 5 years na wala siya sa tabi ko.
Napahilamos ulit ako ng mukha. After doing so, I decided to go back thinking that she's already gone. Naglalakad na ako pabalik at nakita ko na parang pinagkakaguluhan na nila yung Beem na yon. "Great. I thought she's already gone." Mahinang sabi ko. I just walked towards their place with my hands over my chest.
"Love!" Sigaw ni Aly ng makitang papalapit ako.
"Love love-in mo yang mukha mo psh." Mahinang sabi ko para hindi nila marinig. Tumakbo naman siya papalapit sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Halata mo naman sa kanya yung pagtataka.
"Saan ka galing?" Sabi niya ng mapalapit sa akin.
"Pake mo?" Yan lang ang naging sagot ko.
"Ahm, love, may problema ba tayo?" Sabi niya at napakamot sa may bandang kilay.
"Nagseselos lang yan ate Ly!" Sigaw naman ni Mich. Tinignan ko lang siya ng masama kaya nagtago siya sa likod ni Jia. Tinawanan din naman ako ng buong team.
"Nagseselos ka?" Baling sa akin ni Ly, nagpataas-taas pa siya ng kilay.
"Selos mo mukha mo." Sabi ko at tinulak yung mukha niya. "Umalis ka nga sa harap ko. Naiinis ako sayo." Dagdag ko pa.
Tinawanan lang ako nito at kinuha yung dalawang kamay ko. Hinalikan niya ang likod nito. "Alam mo love, wala kang dapat ikaselos. Kaibigan ko lang si Beem." Sabi niya at hinaplos ang pisngi ko. "Tignan mo oh, pawis na pawis yang tungki ng ilong mo." Dagdag pa nito at pinunasan ang ilong ko.
Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. Tinaasan ko lang din siya ng kilay. "Selosa mo pa din talaga love no? Haha. Halika nga nang maipakilala kita sa kanya." Sabi niya at hinila ako papalapit sa pwesto ng team.
Nakarating kami kung nasaan si Beem. "Beem, I want you to meet my fiancè. Dennise Michelle Lazaro." Sabi nito. "Love, this Pimpichaya Kokram, we call her Beem." Baling naman sa akin ni Aly.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...