Dennise POV
Pagdating ko sa coffee shop ay nakita ko din agad si Ella na naghihintay. Agad ko siyang pununtahan mahirap na baka magtampo na naman ang lola niyo.
"Besh! Kanina ka pa?" masiglang bati ko dito at niyakap.
"Hindi naman masyado. Kadarating ko lang din." nakangiting sagot nito sa akin.
"So what do you want? Treat ko na nakakahiya naman kasi sayo at pumunta ka dito." natatawang tanong ni Ella.
"Himala besh! Nilalagnat ka ba? Halika dalhin kita sa ospital." tumawa naman ako at kinapa kapa ko pa ang noo niya.
"Hoy Lazaro huwag mo akong mabully bully diyan ah. Pasalamat ka matagal ka ding hindi nagpakita kundi hindi kita ililibre." sabi ni Ella na may halong pagtatampo.
"Namiss mo talaga ako besh eh noh? Haha. Anything for me na lang. Alam mo naman na 70% na yata ng fluids sa katawan ko ay kape."
"Sabagay. Kulang na nga lang papakin mo yung instant coffee eh." tinawanan niya lang ako at pumunta ng counter para mag order.
Habang umoorder si Ella ay may biglang pumasok sa shop.
"Denden!!" sigaw nito kaya lahat ng tao sa shop ay napatingin sa kanya.
"Hoy Ho! Ang ingay mo nakakaistorbo ka sa mga tao dito." saway ng kasama nito.
"Hayaan mo yan A. Alam naman natin na ganyan talaga kaingay yang si Gretch." natatawang sabi pa ng isang kasama nito.
Pumunta naman sila sa pwesto ko at naupo. Isa isa naman nila akong niyakap.
"Hi guys! Namiss ko kayo!" bati ko sa mga ito.
"Masyado ka kasing busy. Madalas ka naming niyayaya lumabas pero ayaw mo. Himala nga at nakalabas ka ng ospital ngayon eh." sabi sa akin ni Ate Fille.
"Ang grabe niyo naman sakin. Parang isang buwan lang akong hindi sumama sa inyo eh." sagot ko na lang dito.
"Kahit na! Isang buwan din yun noh!" sabi ni Ate Dzi na may kasamang paghampas sa braso ko.
"Ano Ate Dzi sa loob ng isang buwan mapanakit ka na?" natatawang sabi ko naman dito at hinaplos ang braso ko. Masakit kaya humampas tong babaeng to.
"Talaga namang mapanakit yan eh. Hindi lang physically pati emotionally." natatawang sabi naman ni Ate A.
"Yan tayo eh. Laging humuhugot eh." sabi ni Ella na kagagaling ng counter. Dala dala nito yung kape naming dalawa. "Wala pa ba yung iba?" dugtong nito.
"Parating na daw. Ginawa kasi nilang driver si Beadel alam mo naman yung mga yun." sagot naman ni ate Jem.
"So ano to mumunting reunion?" natatawang sabi ko sa kanila.
"Oo noh! Nung sinabi ni Ella na magkikita kayo tinawagan namin lahat." sabi naman ni ate Gretch.
"Namiss niyo talaga ako noh? Haha. Anyway kamusta ka naman na mommy Fille? At buti pinayagan ka lumabas?" nakangiting tanong ko. Kakapanganak lang din kasi ni ate Fille. Panganay nila ni direk Lino.
"Eto okay naman na. Oo iniwan ko muna saglit si Ino sa lola niya." sagot naman nito.
"Eh ikaw ate Gretch? Kamusta ka naman after ng break-up ni Kuya Robi?" sabat naman ni Ella at may pagtaas baba pa ng kilay.
"Hoy de Jesus umayos ayos ka ng tanong mo ah." binatukan naman nito si Ella.
"Mapanakit na din ate Gretch?" sagot ni Ella at humawak sa ulo nito.
"Kung ano ano kasi sinasabi mo. Pero sige sasagutin ko yang tanong mo." sabi ni ate Gretch at tumingin kay ate Fille.You can see through her eyes the pain and sorrow that she is feeling. Kasama na din ang guilt.
"O-k-a-y lang ako. Okay na okay. You guys knew the story behind me and Robi right?" sabi pa nito at pabagsak na sumandal sa inuupuan niya.
"Ang bagal bagal mo kasi eh." sabi ni ate Fille kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. Nginitian lang kami nito.
"That is why! Haha. Ang nagiisang Gretchen Ho ay mabagal pagdating sa pag-ibig." sigaw naman ni Ella.
"Kasi naman kung hindi naglaro ng taguan edi sana may happily ever after kayo." dagdag naman ni ate Jem.
"Tama na yan napipikon na si Gretch oh." sabi ni ate Dzi.
"Hindi noh! Haha." sagot ni ate Gretch habang tumatawa.
"Pero Den kapag nakita ko ulit siya sasabihan kong huwag mabagal para magkaroon din kayo ng happy ending katulad nitong sila Dzi at A." sabi sakin ni ate Gretch at kinindatan ako.
Natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni ate Gretch. Buti na lang at biglang dumating sila Bea. Kasama nito sila Mich,Jia,Marge,Jho,Amy at ang Tan sisters.
"Hey guys miss me?" sabi ni Amy.
"We just had dinner last week Amy so tell us how can we miss you?" pataray na sagot naman ni Ella.
"Don't make a fool out of me Ella baby. I know that you miss me." kinindatan naman nito si Ella. Namula naman ang mukha ni Ella. Nagtawanan naman kaming lahat.
"Kamatis besh?" sabi ko dito.
"Oh guys shut up. Especially you Lazaro!" sabi naman nito na pulang pula pa din ang mukha. Tawa pa din kami ng tawa sa reaksyon ni Ella nang biglang magsalita si Bea Tan.
"Guys. Si Ly ba yun?"
_____________________________________________
A/N:
Good morning people 😁
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanficMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...