Chapter 13

4.4K 88 0
                                    

Dennise POV

"Ate Den." tawag ng kung sino. Tinatapik tapik pa ang balikat ko.

"Hmmm" yan lang ang sagot ko. Inaantok pa ako eh. Ngayon lang ako nakatikim ng mahabang tulog eh.

"Gising ka na daw po sabi ni ate Fille. We are going to have our dinner na po kasi." sabi pa ulit nito.

"Pwede bang hindi na ako magdinner? I really want to sleep." sagot ko dito.

"Hindi po pwede ate. Sabi pa ni ate Ly sa akin na kapag hindi daw kita kasama pagbalik ko doon lulunurin daw niya ako aa dagat bukas. Kaya ate sige na tumayo ka na diyan. Mahal ko pa buhay ko." pagmamakaawa nito. Dinilat ko naman ang mga mata ko. Si Mich pala ang nanggigising sa akin.

"Fine. Tatayo na. Pasalamat ka ayokong mag CPR kung sakaling malunod ka nga bukas. Haha."

"Ang grabe niyo sa akin ah. Mahal niyo ako eh noh?" nakapout na sabi nito. Hinila naman niya ako patayo kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Lumabas naman na kami ng kwarto at dumiretso sa dining area. Parang kulang naman yung mga nakaupo sa lamesa.

"Kung may hinahanap ka, wala pa siya. Sabi niya magpapahangin lang daw."

"Ay palaka! Ano ba yan ate Gretch. Makapangulat ah. Tsaka hinahanap ka diyan. Wala akong hinahanap noh."

"Parehas na kayong magugulatin ngayon ah haha." sabi nito at tinulak ako papaupo sa lamesa. Teka kung wala siya dito ano yung sinabi ni Mich? Tinignan ko naman si Mich.

"Sorry ate. Napagutusan lang. Yun lang daw po makakapagpatayo sayo eh. Haha." sabi nito at nagpeace sign sa akin. Inirapan ko na lang ito.

"Ate Ly!" sabi ni Jia. Pagkarinig ko pa lang ng pangalan nito ay may kung ano na naman naggagalawan sa sikmura ko. Bakit ba ganito ang epekto niya sakin? Gosh!

"I'm back baby Ji. Haha. Namiss niyo naman ako agad." sabi nito at lumapit sa pwesto namin.

"Mind if I take the seat beside you?" sabi ni Alyssa.

"Hoy besh! Tinatanong ka ni besh Ly oh." ay ako pala ang kausap. Pasensya nag space out na naman.

"Ha? Ah. O-oo. Si-ge." utal utal na sabi ko. Kinakabahan ako bakit ganito? Naranasan ko naman magreport ng case ng patiente sa mga respetadong doktor sa ospital pero hindi ako naging ganito ka kabado. Ano ba talaga ang ginawa mo sa sistema ko?

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na din kami sa pagkain. Tahimik ang lahat parang seryosong seryoso sa pagkain eh. Tanging ang nagkakalampagang kutsara at tinidor lang kasi ang maririnig mo.

"Girls, bonfire tayo after this." pambasag ni ate Fille sa katahimikan.

"Yes! Simulan natin ang week-long vacation natin with a bang! Haha. Let's drink!" excited na sabi ni ate Jem.

"Tama! Haha. Let's celebrate na din ang pagbabalik ni Baldo!" sabi naman ni ate Gretch.

"Yes!" sabi nila except me and Aly.

Naunang tumayo ang fab5 dahil sila daw ang magaayos ng bonfire at pinasunod nila agad si Aly. We finished our dinner and decided to go outside. Pinaiwan na lang naman din kasi ni ate Fille yung pinagkainan namin kasi may magaayos naman daw nun. Pag dating namin sa bonfire place eh nagkanya kanya na kami ng upo paikot sa bonfire syempre.

"Oh nasaan na sila ate A?" tanong ko naman.

"Si ate A po ba talaga ang hanap mo?" sabi naman ni Beadel at pataas taas pa ang kilay.

Maybe This Time (AlyDen) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon