(A/N: Background lang po to para may ideya na kayo sa mundo ng Lakserf.)
Noong unang panahon, may isang dakilang wizard na naghangad magkaroon ng isang mapayapa't tahimik na mundo dahil nabuhay siya sa isang mundong punong puno ng pighati, giyera, kasakiman at poot. Nang dahil dito, sinubukan niyang maghagilap ng mga kakaiba't natatanging mahika, umaasa na balang araw, ay makakahanap siya ng isang mahika tungo sa kanyang pangarap. Hanggang isang araw, na patuloy pa rin siyang nag-aaral ng mga mahika, nakamit niya ang lebel ng pagiging tunay na wizard. Kaakibat nito ang kapangyarihang tawagin ang pitong haligi ng mahika. Wala mang ideya kung ano ang kayang gawin ng bagong kapangyarihan, agad niyang inilabas nang buong pwersa ang enerhiyang taglay ng pitong haligi ng mahika gamit ang lahat ng kanyang makakaya. Habang nagiging isa ang pitong haligi ng mahika, laking gulat nito nang unti-unting nagsimula itong lumikha ng isang mundo sa gitna ng kawalan. Isang mundong puno ng misteryo, puno ng kagandahan, at puno ng mahika. Nagsimula nang matapos ang pagkakagawa ng mundo, at nagsimula na rin unti-unti ang katapusan ng kanyang buhay. Punong puno ng pag-asa ang wizard na itong mundong handa niyang alayan ng buhay, ang magtutupad ng kanyang mga pangarap. Isang mundo ng kapayapaan na ngayo'y tinatawag ng, Lakserf.
Namuhay ang mga taong gumagalaw sa mundo ng Laxserf na mayroong katiting na kapangyarihan mula sa pitong haligi ng mahika. May kaniya-kaniyang espesyal na abilidad na naging parte na ng kanilang buhay sa pangaraw-araw. Hindi naglaon, ay nakaisip sila na magtayo ng paaralan na tutulong sa mga kabataang nais hasain ang kanilang taglay na kakayanan. Lubos silang inalalayan at tinuruan upang sa pagdating ng kanilang henerasyon, sila na mismo ang magtuturo sa mga panibagong kabataan. Ginamit nila ang mga taglay na mahika upang mapanatili ang balanse at kaayusan sa Lakserf. May iilan rin na minabuting mamuhay ng normal, hindi kailanman ginamit ang angking abilidad.
Ngunit ang mundong inakala ng dakilang wizard na magpapatupad ng kanyang pangarap ay malayo sa kanyang inaasahan. Sa kabila ng kagandahan at kabuuan ng Lakserf, may roon ding panganib na namumutawi rito. Dark magic. Iyan ang tawag sa mga mahikang ipinagbawal sa kadahilanang ang angking lakas nito, ay maaaring maging dahilan upang masira ang pinagkakaingatang mundo. May mga taong patuloy itong ginagamit upang isagawa ang kanilang maiitim na balak, krimen. Mga taong uhaw sa kapangyarihan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa mga nakabasa na po nung Laxerf, yes, pareho po sila ng pinagsimulan. Marami lang po akong binago dito para mas madali niyong maintindihan. Unlike dun sa story ko na kailangan niyong basahin hanggang dulo para malaman niyo yung main plot. So bali, magkaiba po ng storya ito and yung Laxerf :)
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...