A/N: Eto na! Ang special chapter ng Lakserf! xD Nag-agree naman ata lahat dito sa plano kong 'to. Sana lang hindi kayo madisappoint.
Babala: Wala po itong kinalaman sa plot, medyo lang, pero hindi naman po ito makakaapekto doon. Huwag po seseryosohin, puro kalokohan lang ito xD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*Ean
Hay nako, nakakatamad na naman. Kanina pa kaming walang ginagawa. Higit 2 oras na kaming nakatunganga dito sa classroom, ngunit hanggang ngayon wala pa rin ang aming guro. Nakasandal lang ang aking baba sa armchair ko habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong may sari-sariling mundo.
"Ang tagal!" bulalas ko at iniangat ang aking mukha at umayos ng upo. Tumingin ako sa aking katabi na kasalukuyang nag-guguhit lamang. "Aqueo, uy!"
"Mmh?"
"Uy!" tawag kong muli
"Mmh?!"
"Wala akong magawa," sambit ko.
"Huwag ka magulo!" suway nito.
"Walang kuwenta talaga 'to. Puro nalang drawing," bulong ko sa aking sarili at nilibot nalamang ang aking tingin sa aking mga kaklase. Napaisip ako, sino kaya pwedeng pagtripan dito? Hmmm...
Si Martha? Ayoko diyan, malaki mata niyan, pandidilatan lang ako niyan. Si Cedric? Ayoko din, masisilaw ako sa bunbunan niyan. Si Junjun? Naku, sa lapad ng nguso niyan, baka mahalikan lang ako ng hindi oras. Nang mapabaling ang aking tingin sa grupo ng mga babae, napaisip muli ako. Si CJ? Pwede naman, kaso pagnagalit iyan baka ma-Aqueo ako, iyung masampal ng hapet ba? Si Jedi? Mehehehe. Pwede pwede.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kanila. "Jedi!"
Nilingon ako nito, "What can I help you with, Ean?" tanong niya.
"Ehrr... You... Y-you... Ano... Going... Ober der?"
"Excuse me?" takang tanong nito. Anak ng- wala pa akong ginagawa, mukhang kinarma na ako. Maling desisyon ang pagtripan si Jedi, sheesh.
Tumingin naman ako sa babaeng katabi nito. Gumuhit agad ang ngisi sa aking mga labi. Umupo ako sa katabing upuan nito.
"Ano na naman ba ginagawa mo dito, Ean!?" bulyaw nito.
"Aba, umupo lang ako dito. Bawal ba?" reklamo ko.
"Hoy, alam kong may binabalak ka na naman! Please, lubayan mo na ako," litanya niya.
"Naku naku, kunwari ka pa! Gustong-gusto mo naman ako katabi!" asar ko dito.
"Ang hangin, Ean. Ang hangin!"
Rinig ko ang tawanan ng mga kasama niyang si CJ at Jedi. Kunwari pa kasi itong si Angel, pakipot pa. Sa gwapo kong 'to?
"Bumalik ka na doon please!" mataray nitong tugon.
"Tutulungan lang naman kita," depensa ko sa aking sarili na ikinakunot ng noo nito. Hindi pa rin kasi ako nakakamove on sa sagot nito noong may Math game kami.
"Tulungan saan?"
"Sa pagbilang mo ng isang daa't tatlompung mansanas," sagot ko at dali-daling tumayo at kumaripas ng takbo pabalik sa aking upuan.
"Bwiset ka talaga, Ean!" sigaw niya na nanggagalaiti. Nakakatawa, mehehehe.
Laking gulat ko nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aming guro. Sa wakas! Nilapag nito ang kanyang gamit sa ibabaw ng teacher's table. Tumikhim ito bago magsalita, "Class, I'm sorry na-"
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...