Chapter 27

888 42 87
                                    

A/N: Yowh guys! Ayos ba kung gagawa pa akong book 2? Para masaya Lol! Hindi pa rin ako sure eh. Bahala na! Puro satsat, eto na! xD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*CJ

Noong mapag-alaman kong kabilang si Rake sa grupong umaatake ngayon sa Orthil ay hindi na ako mapakali sa kung ano ang aking mararamdaman. Maawa dahil sa sinapit at pinagdaanan niya nang dahil lang sa pagmamahal niya sa akin. Maiinis dahil hindi ko maisip kung bakit kailangan niya pang gawin iyon na halos ipamukha niya sa akin na ganoon siyang nasaktan. O malulungkot dahil ang dati kong matalik na kaibigan, ay ngayo'y nais na kaming patayin.

Titig na titig lang ako sa kanyang mukha at mataman ko siyang pinagmamasdan. Ang pananamit niya, itsura at kilos ay gaya pa rin ng dati. Tanging ang mga mata niya lang ang nagbago. Sa aking pagsulyap doo'y naramdaman ko ang pighati niya't lungkot at kasama nito ang galit.

Sinabi sa akin ni Jedi noong nakasugapa nila si Rake sa harap ng aming bahay ay nagawa daw nitong tangkaing saktan siya. Noong una ay hindi ako makapaniwala. Maangas mang tignan si Rake ay hindi nito magagawang makapanakit ng tao. Ngunit base sa lahat ng sinabi ni Shion at Jedi sa akin, totoong nagbago na nga siya. Naandito ba siya upang maghiganti sa akin? Sa sakit na ibinigay ko sa kanya, ito na ba ang magiging kapalit ng lahat ng iyon?

"CJ, siya ba ang sinasabi mo sa akin kanina?" napalingon ako sa aking kaliwa nang magsalita si Aqueo. Hindi ito nakatingin sa akin at tanging sa lalakeng kaharap lang namin nakatuon ang kanyang mga mata. Isang tango lang ang ibinigay ko dito.

"Aqueo, sa wakas ay nakaharap na kita," sambit ni Rake na kapansin pansin ang panlilisik sa mga abong mata nito. "Ngayon alam ko na kung bakit dito ako nilugar ng aming lider."

"Lider?" ulit ni Aqueo sa sinabi niya sa gitna ng kanyang paghagikgik. "Kung ganun, utusan ka lang pala?"

Kumunot ang aking noo at agad tinitigan ng masama si Aqueo. Ano'ng ginagawa niya? Sa aming sitwasyon ay wala siya sa lugar para asarin pa si Rake gayong pareho na kaming pagod matapos ang pakikipaglaban namin sa libu-libong Shadows. Bahagya man kaming napalakas ni Rinoa ay alam kong hindi iyon sapat. Alam ko ang buong kalayahan ni Rake, malakas siya't mapanglinlang.

Bakas sa mukha ni Rake ang pagtitimpi nito sa pag-angat ng kanyang ulo. "Ikinalulungkot ko ang pagkabigo ni Fate na tapusin ang buhay mo noong pina-atake ko kayo."

"Ano?!" bulalas ko sa aking gulat. "I-ikaw ang dahilan kung bakit muntik na silang mamatay?"

Nilipat nito sa akin ang kanuanv tingin. "CJ, naaalala mo ba ang sinabi ko sa'yo noon bago ako umalis?" tanong niya.

Malalim akong nag-isip, pilit binabalik tanaw ang araw na tanggihan ko ang pagmamahal niya. Nasa East Lilac garden kami noon dahil doon ako nagpalipas ng oras. Mabigat ang loob ko noon dahil sa mga problema ko sa buhay. Tinabihan niya ako, dinamayan. Ipinakita niya sa akin na sa kabila ng mga problema ko'y may kaibigan akong masasandalan. Ngunit hindi ko naman inakala, na sa oras ding iyon ay natapos ang pagkakaibigan namin.

"Tss, marahil ay nalimutan mo na iyon. Kung hahayaan mo ako, ipapaalala ko ang sinabi ko. C-"

"CJ, eto ang tatandaan mo. Nasa malayo man ako, patuloy pa rin kitang poprtotektahan at titignan. Hinding-hindi ako makakapayag na may manakit sa'yo," pagpapatuloy ko sa kanyang sasabihin. "Oo, tandang tanda ko pa."

"Saglit, ano ba'ng ginawa namin ng tropa ko kay CJ para gawin mo iyon?" galit na saad ni Aqueo.

"Tss, ikaw lang ang nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Malas lang ng mga kaibigan mo na kasama ka nila noong mga panahon na iyon. Sa kasamaang palad, isa sa kaibigan mo lang ang napatay ni Fate," paliwanag ni Rake.

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon