Chapter 25

879 41 52
                                    

A/N: At dahil na-late po ako ng UD sa previous chap, late din to! Hahahah! xD Eh kasi nga walang wifi! 7 chaps to go! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*

Malalakas na pagsabog, maiingay na hiyawan at sigawan, nakakapanlumong mga iyak at mga tunog mula sa bawat pagtama ng mga espada ng magkabilang pwersa. Humahagis ang mga bato, kumikislap ang mga kuryente, rumaragasa ang tubig, umiihip ang hangin at nagliliyab ang mga apoy sa paligid. Ang bawat lakas ay nagpapayanig sa malawak na patag kung saan ginaganap ang nakakatakot na giyera.

"Para sa Orthil mga kaibagan!" sigaw ng isang lalake na namumuno sa isang batalyon ng manlalaban. Sa pag-angat ng kanyang kamay ay sumulong sila tungo sa kanilang kalaban.

Nang magbangga ang dalawang panig ay muling narinig ang halos walang katapusan na paghihinagpis ng mga tao. Sa grupo ng mga taong nakasuot ng purong itim na damit ay makikita ang panlilisik ng mga mata nito sa kanilang kalaban na pawang sabik na sabik sa pagtagas ng mga dugo mula sa kanilang kalaban. Ang grupo naman ng lalake ay halata mong takot ito sa maaaring mangyari sa kanila. Ang tanging nagbibigay lamang sa kanila ng lakas ng loob ay ang mga ala-ala nila sa kanilang ipinaglalaban.

"Hindi pa ba handa ang strategist natin?!" pasigaw na tanong ng lalake sa kanyang kasamahan habang patuloy lang sa pakikipaglaban.

"Sir, kanina lang po ay sinabing malapit na po siya dito," sagot ng kaibigan nito.

"Ang kailangan lang nating gawin ay ang bigyan sila ng tamang panahon, magpatuloy lang tayo sa pakikipaglaban!" bulalas ng lalake.

Patuloy lang ang mga mandirigma sa pakikipaglaban. Buong tapang silang tumatayo upang mapantayan lang ang kakaibang lakas at mahika ng kabilang pwersa. Dama man nila ang dark magic mula dito ay hindi iyon naging dahilan upang mawalan sila ng pag-asa sa tulong na rin ng kanilang pinuno.

Matapos ang halos kalahating araw ng pakikipaglaban ay natahimik na rin ang kapaligiran. Tanging mga pagaspas lang ng hangin ang naririnig. Ngunit sa kabila ng katahimikan na iyon ay hindi nito natago ang lungkot na namumutawi mula doon. Libo-libong mga duguang katawan ang nakahandusay sa patag na halos maging bundok na ito sa dami ng mga patay. Maging ang kalangitan ay wari ay nagdadalamhati sa kanyang nasaksihan, ang dapat ay kulay bughaw na kalangitan ay naging kulay abo dahil na rin sa makakapal na usok galing sa giyera.

Tanging dalawa na lamang ang nakikitang nakatayo doon, ang lalakeng pinuno ng mga kawal at ang binatang kasama nito. Nagpakawala ng malalim na hininga ang lalake at tumingala upang tignan ang kalangitan, "Dark magic. Bakit pa ito naihilera sa pitong haligi ng mga mahika kung ang tanging dulot lang naman nito ay ang walang humpay na patayan, kasakiman? Ang naging dahilan ng giyera na ito na kumitil sa mga buhay ng karamihan na maging ang mga inosente ay nadamay."

Tahimik lamang nakikinig ang kasamahan nito na bakas sa kanyang mukha ang pagod. "Bakit kailangan pa nilang maging uhaw sa kapangyarihan kung ang bawat isa sa atin ay nagtataglay na ng mahika? Mismong si amang Laksen ang naghati nito para sa atin. Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan ang mga taong gaya nila."

Laking gulat na lang ng kaibigan nito nang sa kabila ng litanya ng kanyang lider ay nakatanggap ito ng mensahe mula sa loob ng kanyang isip. Nabalisa ito sa kanyang nalaman at panandaliang napahinto. "S-sir..."

Dahan-dahang nilingon ito ng lalake na walang kahit anong emosyon. "Ang grupo daw na kasama ng strategist, ang dahilan ng kanilang hindi pagsulpot, ay dahil sa isang ambush."

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon