A/N: Uuy, 3 chaps na lang! Hahay salamat! xD Sa wakas eh makakatapos na ako ng libro, hindi yung puro sa umpisa lang magaling hahaha!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*Rake
Ang natatanging lason ni Sarah, nararamdaman kong mabilis itong kumakalat sa loob ng aking katawan. Inaatake nito ang iba't ibang parte ng aking katawan mula sa loob at dama ko ang pagkirot nito kung saan saan. Tanging si Sarah lang ang may kakayahang maglabas ng kakaibang lasong iyon. Ito ang malimit naming ginagamit sa tuwing pumapatay kami noong isa pa ako sa kanila. Hindi ko inaasahan ay isa pala ako sa mabibiktima ng lasong ito.
Si amang Laksen. Marahil ay siya ang nagpamatyag sa akin dahil nakita niyang mangyayari ito. Delikado na ako ngayon lalo na't alam niya na ang pagkakatiwalag ko sa grupo. At alam ko ring wala na akong kawala sa inilagay ni Sarah sa akin.
"Rake!" rinig kong sigaw ni CJ habang nanghihina't nanginginig pa rin akong nakadapa dito sa sahig.
Gayunpaman ay pinilit kong inangat ang aking ulo upang lingunin siya. Nakita kong papalapit na ito sa akin kaya nama'y agad ko siyang pinigilan, "H-huwag kang lalapit, CJ."
"CJ?" ulit ni Sarah sa aking huling binanggit. "Siya pala ang babaeng sinasabi mo. Pasensiya na Rake, mukhang ako na mismo ang tatapos sa babaeng mahal mo."
Lumakad na siya tungo sa naistatwang katawan ni CJ. Bakas sa mukha niya ang pagkatakot habang unti-unti ay naglalakad na papalapit sa kanya si Sarah. Pinipilit na ring tumayo ni Aqueo mula sa atakeng natamo niya mula sa akin. Gustuhin ko man na ako mismo ang maglayo sa kanya mula kay Sarah ay hindi ko magawa. Lalo lamang lumalakas ang pangangatog ng aking katawan nang dahil sa lason na ito. "Tss, dalian mo Aqueo!" bulong ko sa aking sarili.
"CJ!" sigaw ni Aqueo nang tuluyan na siyang makatayo at dali-daling tumakbo sa harapan ni CJ. Hinanda na ni Sarah ang kanyang kamay upang hawakan na siya ngunit humarang ang likod ni Aqueo dahilan para siya ang maapektohan ng lason. "Gaahh!"
"Aqueo!" alala ni CJ at tila agad nanglambot ang katawan ni Aqueo at bumagsak sa sahig.
Marahang tumawa si Sarah sa kanyang nasaksihan habang inaalalayan ni CJ ang ngayong nangangatog na ring katawan ni Aqueo. Tsk, bakit kasi sa dinami dami ng maaaring dumating dito ay bakit si Sarah pa? Tanging si Fate lang ang nakakatalo sa kanya sa tuwing nakikipagduwelo kami sa isa't isa na ipinaguutos ni amang Laksen. Paano namin siya matatalo lalo na ngayon ay pareho na kaming nahawakan si Sarah?
"Ikaw naman," imik ni Sarah at akmang hahawakan na rin si CJ nang makarinig kami ng sigaw sa hindi kalayuan at kasabay nito ay ang pagtalsik ng purong spirit magic tungo kay Sarah. Maagap siyang sumirko papalayo upang mailagan ang atakeng iyon.
Isang grupo ang lumapit at tumulong kina CJ at Aqueo na ikinaluwag ng aking paghinga. Tila nabuhayan ng loob si CJ at binati na sila, "Buti't nandito na kayo, Lexie."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Lexie
Pumuwesto ako sa tabi nila CJ at Aqueo. "Ace, paki-check na ang lagay ni Aqueo," utos ko na hindi pa rin inaalis ang titig sa kaharap kong babae.
"Opo!" sagot nito at agad nagpakawala ng kulay lilang enerhiya upang magamot na si Aqueo.
Ang babaeng kaharap ko ngayon, kung hindi ako nagkakamali ay sa kanya nanggaling ang lason na pumatay kay Mr. Seig base sa nakalap na impormasyon nila Char. Hindi na magkandamayaw ang aking isip dahil sa sunod sunod na nangyayari. Kanina lang ay agad kaming umalis sa park dahil nakaramdam ako ng kakaibang mahikang naiipon doon. Buti na lang ay nagawa naming lisanin ito agad dahil makalipas lang ang ilang minuto ay nagkaroon ng malakas na pagsabog sa park. Kung hindi kami kumilos agad, marahil ay patay na kami.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...