*Elsa
Masasabi kong isa ngang fullproof plan ang ginawa ni Bash. Buong akala ko'y mataas na ang expectations ko sa kanya, ngunit sa ginawa niya ay nalagpasan niya pa iyon. Bawat detalye ng impormasyon na nakalap niya ay hindi niya pinalagpas, at sa ganoong kaikli na oras ay nagawa niyang makabuo ng ganitong klase ng plano. Hanga ako sa talino ng batang iyon. Alam kong balang araw ay magiging asset siya para sa mga manlalaban dito sa Orthil.
Nang makapaghanda ang lahat ay hindi na kami nagpaligoy ligoy pa at agad naming nilisan ang silid na nilikha ko upang isagawa na ang dapat naming gawin. Umalis kami ng puno ng pag-iingat gayong alam namin na nagkalat ang mga Shadows dito sa lungsod. Tila nasa amin ang swerte nang ni isa sa mga ito ay hindi nagpakita habang tumutungo kami sa Valin. Ang mga estudyanteng kasama ko naman ay hindi naging problema at agad naming narating ang matataas na pader na binabakuran ang campus ng Valin.
Ginamit namin ang mga pader na iyon upang makapagtago sa mga Shadows na namumutawi sa harapan ng main building. Tama nga si Ash, madami sila. Napapalibutan ng mga Shadows ang buong laki ng fountain, ang sakop ng harapan ng Valin. Nag-isip ako kung paano kami makakapasok sa main building habang isinasagawa na namin ang plano.
"Ma'am," mahinang tawag sa akin ng lalake mula sa aking likod. "Kukunin ko po ang atensyon nilang lahat mula sa fountain. Hahanap po tayo ng tiyempo para lumusob."
Tinanguan ko lang si Aqueo at siya na ang pumuwesto sa dulo ng pader. Sumulyap ito doon at kita kong nagpakawala ito ng asul na enerhiya sa kanyang kamay habang pilit na itinatago ang kanyang sarili. "Ma'am, handa na po ba ang lahat?"
Nilingon ko ang malaking grupo sa likod ko na abang na abang sa mga mangyayari. Mula sa kanilang mg mata, nakita ko na handa na silang sumabak sa aming laban. Binigyan ko ng isang tango si Aqueo at agad nitong binaling muli ang kanyang tingin sa fountain. Minanipula nito ang tubig doon at nagmistula itong latigo at hinampas ang isang Shadows dahilan para tumili ito at kunin nito ang atensyon ng lahat ng Shadows doon.
"Tara na!" sigaw ko at agad naming nilantad ang aming sarili. Patuloy lang sa pagmanipula si Aqueo ng tubig doon habang isa isang nilalatigo ang mga Shadows. Tinulungan ito ni CJ at lumikha ito ng isang malaking alon mula sa tubig sa fountain at pinatama sa mga ito. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang sunod sunod na paglitaw ng mga berdeng enerhiya at kasabay nito ay ang paglabas ng mga nilalang mula sa Monskerth.
"Ako na po ang bahala sa kanila, kami na rin ang bahala sa back entrance," sambit ni Rufire at humiwalay na siya ng takbo kasama sila Star at MJ na nakasakay na sa kanilang mga alaga.
Sasagutin ko na sana siya nang may sumulpot na Shadows sa aking harapan dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo ngunit agad itong naglaho nang isang mabigat na kalasag ang humambalos dito. "Ayos lang po ba kayo, ma'am?" alala ni Scarlet.
Tinanguan ko lang ito at pinagpatuloy namin ang pagtakbo tungo sa main entrance. Nilahad ko ang aking kamay at inasinta ang isang halimaw at lumikha ako ng matutulis na yelo at pinatalsik iyon. Nang tumama ay umibik ito at naglaho. Sari-sariling atake ang ginawa ng mga estudyante ko sa mga nagtatankang humadlang sa kanila. Nagtatalsikan ang mga apoy mula kay Reigh at Yrah. Umiihip ang hangin sa paligid ni Jedi. Kinukuryente ni Ean ang mga umaatake sa kanya habang nananatiling nasa likod nito si Angel. Si Yusha nama'y ginagamit ang kanyang espada kasama ang pag-atake ni Aya. Sila Adrian at Char naman ay ganoon din ang ginagawa.
Hanggang sa makalagpas na kami sa fountain kung saan nagpaiwan na sila CJ at Aqueo habang pareho silang nakatayo sa harapan ng fountain at dinedepensahan ang sarili sa halos hindi maubos na Shadows. "Mag-iingat kayo. Aqueo, ikaw na ang bahala kay CJ."
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...