Chapter 28

919 43 103
                                    

A/N: Woah, 4 chaps to go? Yes! Matatapos na rin kalbaryo ko! Haahahaha! Diyan lang kayo, steady lang, I'm sure na magugustuhan niyo ang last chapter. Kung hindi, oh edi wala na akong sinabi. Hahahahah!

Oh and bago magsimula, silip kayo sa multimedia. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Char

Ilang beses ko na sinubukang paganahin ang charm na ibinigay sa akin ni kuya Bash upang magpadala na ng mensahe ngunit kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko ito mapagana. Maaari kayang sinadya ito ni kuya Bash dahil may nagaganap sa park? Kung hindi, ay marahil... Huwag naman sana. Ang naiisip ko. Bukod sa pagsasadya niya na pahintuin ang charm na ito, iisa lang ang naiisip ko pang dahilan. Ito ay marahil patay na siya.

Ngunit paano? Sila kuya Dark at kuya Shion ay kasalukuyang nagbabantay sa kanila doon. Kaya hindi maaaring maging totoo ang aking hinala. Kailangan ko na ng tulong lalo na ngayon na may kasama akong traydor dito sa computer room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon na lamang nabago ng kapangyarihan si kuya Adrian. Ramdam ko pa rin ang pagpintog ng sakit sa aking sikmura. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon sa akin.

"Naman, eh!" bulalas ko habang nagpapakawala ng berdeng enerhiya sa aking kamay na hawak hawak ang isang charm. Bakit ba ayaw nito gumana?

Bumukas ang pinto dahilan para lingunin ko ito. Tila agad gumaan ang aking pakiramdam na sa wakas ay nakakita rin ako ng mga kakampi. "Ate Yusha, ate Aya!" bati ko sa kanila sabay takbo papalapit.

"Oh, bakit Char? Ano'ng nangyari?" takang tanong ni ate Yusha.

Nang makalapit na ako sa kanya ay saka ko lang sinagot ang kanyang tanong. "Si kuya Adrian, ate. Pinagta- ate Yusha ano iyan?!" gulat kong sambit nang makita ko ang mga dugo sa kanyang damit. Nagkalat ito doon lalo na sa balikat nito. Ang narinig kong putok ng baril kanina, iyon ba ang dahilan?

"Huwag ka na mag-alala sa akin, Char. Napagaling na ako ni Rinoa kanina lang," paliwanag niya na ikinaluwag ng aking paghinga. "Ano nga ba ang sasabihin mo?"

"Si kuya Adrian," simula ko at panandalian akong napahinto nang tignan ko si ate Aya na may nagtatakang mata. Alam kong dati silang matalik na magkaibigan. Magiging masakit ito kung sasabihin ko sa kanya, ngunit kailangan niya itong malaman. "Pinagtangkaan niya akong patayin."

"Ano?!" sigaw ni ate Aya na may bahid ng pagkagulantang. "Teka, nasaan ba siya?"

Upang sagutin ito ay tumingin lang ako sa dereksyon kung saan nakahandusay ang katawan ni kuya Adrian. Mabilis siyang nagtungo roon na sinabayan na lang namin ni ate Yusha. Natunghayan niya ang halos sunog na kamay nito, nakahiga lamang sa sahig at walang malay.

"T-totoo ba 'to? Char?" mangiyak-ngiyak niyang sabi na aking tinanguan.

Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Mula sa unang sinabi ni kuya Adrian. Ang tunay na pakay niya at ang paggamit nito sa kanya. Napakahaba ng araw na ito para kay ate Aya. Ngayong araw na ito ay marami siyang rebelasyon na natanggap. Dinamayan naman siya ni ate Yusha habang hinihimas ang kanyang likod. Nagsimula na siyang humagulgol, marahil ay sa sakit na nararamdaman niya.

Makalipas ang ilang minuto ay tumahan na siya at bumalik na sa dati. Kailangan niya daw magpakatatag ngayon lalo na't may gulo pa ring nangyayari dito sa Orthil. Pansamantala niya na muna itong isasantabi at dumako na daw kami sa kailangan naming gawin.

Bumalik kami sa harapan ng kontrol ng MOL at laking gulat ko nang makita ko ang kaganapan ngayon sa palapag ng Lilac. Sira-sira ang mga pader doon habang nagliliyab ang apoy sa paligid. Ngunit ang nakakuha sa aming atensyon, ay ang lagay ni ate Angel at kuya Ean. Nakahiga lang ang ulo ni kuya Ean na may duguang katawan sa hita ni ate Angel at kapansin pansin sa kanya ang pagdadadalamhati. Patay na si kuya Ean?

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon