A/N: Mukhang ang dami pong nag-aabang kung ano mangyayari kay Angel at Fate... hahahha! Kaso, I'm sorry, ngayon pa lang sasabihin ko na sa inyo na wala pa sila dito. Pakita ko muna sa inyo ang mga nangyayari sa iba. Enjoy!
Ay, bago ang lahat, AQUEO! May nais lang iparating si CJ sayo... Kapag daw may nangyaring masama sa kanya, asahan mo na daw death scene mo! hahahahaha! xD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Aqueo
Sumasabay sa bawat galaw ng aking kamay ang mga tubig na aking minamanipula. Inangat ko ang aking kamay at madiing binaba ito at kasabay nito ay ang malakas na pagbagsak ng galon-galon na tubig sa mga Shadows sa aming harapan. Marami ang natamaan nito at agad silang naglaho. Ngunit tila hindi pa rin nagbabago ang numero nila, gaya ng dati ay makapal pa rin ang mga Shadows dito. Halos hindi sila maubos. Tantiya ko ay marami na kaming napaslang ni CJ. Pero bakit tila walang nangyayari, bagkus ay parang lalo lang silang dumadami?
Sa kaliwa ko'y nakita ko ang bughaw na enerhiya na lumalabas kay CJ at ang mga tubig na pumapaligid sa kanya na tila pinoprotektahan siya. Sa bawat paglapit ng mga itim na nilalang ay hinahampas ng tubig ang mga ito dahilan para mawala sila.
Umabante ang pinakamalapit na Shadows sa akin at agad akong naglabas ng tubig sa aking mga kamay at kinuyom ito. Inilagan ko ang pagkalmot niya at dali-dali itong sinuntok. Nang tumama ang suntok ko ay sumabog ang tubig na bumabalot sa aking kamay na nagmistulang mga sibat at tinuhog ang mga kalapit na halimaw. Doo'y nakita ko na marami ang aking natamaan.
Pasimula na sanang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi ngunit nakarinig ako ng ungol mula sa aking kasama. Agad akong lumingon dito at nakita kong napaluhod ito sa sahig. Nabasa siya ng tubig na kanina niyang minamanipula sa kanyang paligid dahil sa pagbagsak nito.
"CJ!" bulalas ko at mabilis na lumuhod sa tabi niya. Inalalayan ko siya mula sa kanyang likod at braso, "Ayos ka lang ba?"
Hinahabol nito ang kanyang hininga. Tila pagod na sa pakikipaglaban sa mga nilalang na wari ay hindi nauubos. "Napapagod na ako... nanghihina na rin ako. Mukhang... nasobrahan ata ako sa paglabas ng enerhiya," sagot nito sa gitna ng kanyang mga hingal.
"Kakayanin natin ito, CJ. Kailangan nating kayanin," sambit ko. Pinapalakas ko ang kanyang loob. Nangako ako kay Bash at Ms. Elsa na ako ang bahala sa kanya. Hindi ako basta basta nagbibitiw ng mga pangako, gagawin at gagawin ko ito.
Tanging sa kanya lamang nakatuon ang aking atensyon kaya nama'y nagulat ako nang sa pag-angat niya ng kanyang ulo ay sumigaw ito, "Aqueo!"
Dali-dali akong tumingin sa aming harap at namataan ko ang isang Shadows na tumalon upang sakmalin kami. Kaagad kong tinutok sa kanya ang kaliwa kong kamay at nagpakawala ng bughaw na mahika. Isang dangkal na lang ang lapit nito sa aking palad ngunit rumagasa ang mga tubig mula sa aking palad dahilan para tumalsik ito at mawala.
Ramdam ko ang takot mula sa aking katabi. Mga hingal nito na pawang nauubusan na ng pag-asa't lakas. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at hinawakan ko ang magkabila niyang braso at pinaharap sa akin. "Makinig ka sa akin, CJ," panimula ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa aking ginawa. "Walang susuko sa atin at mas lalong walang bibitiw. Malalagpasan natin 'to. Sabay tayong lumaban sa kanila at sabay rin natin silang uubusin."
Pansin kong napalunok ito at yumuko, tila napaisip sa mga binitawan kong salita. Kinailangan kong ipamukha sa kanya na magiging kasangga niya ako sa laban na ito. Tumingala ito ngunit sa dereksyon ng mga Shadows ito tumingin at kasabay nito ay ang pag-angat niya ng kanyang kamay at paglatigo sa isa sa kanila gamit ang mga tumagas na tubig sa sahig. Tumango ito at tumayo na agad kong sinundan, "Pasensiya ka na, Aqueo. Salamat na rin sa 'words of wisdom' mo," pang-aasar nito at diniin pa ang katagang iyon.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...