Chapter 26

880 46 117
                                    

A/N: 6 chaps to go! Wahh! xD Yun lang.... hehehehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Angel

"Ean..." bulong ko nang mapagtanto kong siya pala ang nagligtas sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang namatay na ako sa atakeng iyon ni Fate. Ramdam ko ang mabibilis niyang hingal, bakas sa mukha nito ang pagod habang buhat-buhat pa rin niya ako. Pero teka, bakit siya nandito? Hindi ba dapat katulong siya nila Ms. Elsa sa laban?

"Aray!" bulalas niya nang paluin ko siya sa kanyang braso. "Bakit ba?!"

"Bakit ka nandito?! Iniwan mo sila Ms. Elsa?! Pasaway ka talaga kahit kailan!" pangangaral ko sa kanya.

"Alam mo, sa lahat naman ng nililigtas, ikaw pa ang may ganang mamalo. Pagkasakit, eh!" katwiran niya.

"Hindi mo naman sinagot tanong ko, eh!" reklamo ko.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Eh di malamang para tulungan ka!" sagot nito.

"Hindi ko na naman kailangan ng tulong! Bakit mo pa ako binalik-"

"Hindi daw kailangan ng tulong, eh muntik ka nang mapisa!" sigaw niya.

"Ewan sa'yo! Makakatakas naman kaya ako, hindi ko lang nagawa kasi-"

"Waaahhhh!!!" sigaw niya na aking ikinataranta, nasabayan ko siya ng sigaw at kusang gumalaw ang aking mga kamay at napayapos sa kanya. Tumakbo siya at doo'y nakita ko ang paglipad ng isang malaking bato sa kinalulugaran namin kanina. "Muntik na tayo doon! Ingay ingay mo kasi!"

"Eh, bakit ako sinisisi mo? Sino ba'ng may sabing balikan ako at-"

"Aisht! Tumahimik ka na nga!" utos niya na ikinatigil ko. Bwiset talaga itong lalakeng ito.

Nilingon ko na lang ang aming kalaban at mabilis na kumabog muli ang aking dibdib sa takot. Ang mga titig niya na nakakagimbal, nakakapangilabot ang aking nakita. Mga matang wala kang makikita kung hindi kadiliman. Kadiliman na ang hatid lang sa akin ay takot. "E-ean... P-paano natin siya lalabanan?"

"Anong lalabanan?" sambit niya na agad kong pinagtaka at tinignan ko siya ulit. "Ayoko ngang labanan 'yan! Mamatay pa ako ulit! Ikaw na lang!"

"Bwiset!" iritadong bulalas ko. "Eh, ano balak mo?!"

"Oh, bwiset na naman daw ako! Ano ba problema mo?" depensa niya sa kanyang sarili.

"Heh! Ikaw ang problema ko!" sagot ko. "Ano na nga balak mo?"

"Tatakasan natin siya," sabi niya. Sa mukhang suot nito ngayon ay alam kong seryoso na siya. "Kapit ka lang sa akin maigi, kapag nakakuha ako ng tiyempo, haharurot ako ng takbo."

Sa pagkakataong ito ay natahimik na ako, nabagabag ng kung ano ang maaaring mangyari sa amin. May tiwala ako sa kanya lalo na't ni minsan ay hindi niya pa ako nabibigo sa oras na seryosohin niya ang mga bagay. Hinigpitan ko ang pagkakayapos ko sa kanya at kasabay nito ay ang paghahanda ni Ean sa susunod na galaw ni Fate.

Nang tumingin ako kay Fate ay natunghayan ko kung paano nito minanipula ang mga bumagsak na bato, at sa pag-unat niya ng kanyang kamay ay lumipad ito tungo sa amin. Kumiskis ang mga kuryente mula sa paa ni Ean at walang kahirap hirap niyang nailagan ang atakeng iyon sa pagtakbo niya. Nag-umpisa na siyang tumakbo tungo sa nakabukas na pinto at nilagpasan niya si Fate.

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon