(A/N: Yes! Eto na ang pinakahihintay ko, ang POV na to! Ang POV ni.... DIB! Bakit po ako excited? Wala lang... trip ko lang po kasi name niya, Dibidi! hahahaha! Ok, here goes...)
*Dib
Pasukan na naman at tulad ng dati, bawat Lunes ay dumederetso kami ng aking mga kaklase sa field upang ipakita sa aming guro ang aming improvements. Exams week man ng nakaraang linggo ay ganoon pa rin ang gustong mangyari ng aming guro.
Sariwang-sariwa parin sa aking isip ang nangyari sa amin noong umagang bigla nalang kami inatake ng isang misteryosong tao. Alam kong ginawa naming lahat ang aming makakaya ngunit hindi ito naging sapat para magalusan man lang siya. Naiinis nga ako sa aking sarili, halos wala akong nagawa noong mga panahon na iyon. Kahit ang aking alagang Aspidan na kilala bilang mabangis at malakas ay walang nagawa. Pakiramdam ko naging pabigat ako. Hindi ko man lubos kilala ang mga kasama ko noon, ay kailangan kong ipakita na malakas ako, na hindi ako papatalo sa angkin nilang mahika.
"Mr. Guinugundo, nakikinig ka ba?" bumalik ako sa aking ulirat nang kunin ng aming guro ang aking atensiyon.
"O-opo!" sagot ko at itinaas ang aking kamay.
Ngayo'y nakatayo lamang kami sa field habang ang guro namin ay nakatayo sa aming harapan, tunghay ko ang lawak ng field at lasap ko ang masarap na hanging dumadampi sa akin.
"Tulad ng dati, magtatawag ako ng pares na magdu-duel dito sa harapan. Magsimula na tayo," saad nito at pinatabi kami sa gilid ng field. "First pair, Butterfly Star and Caetus Dan."
Dali-dali ay pumuwesta ang mga tinawag sa gitna ng field. Kaklase ko man sila ay hindi ko sila binibigyan ng pansin. Wala akong pake sakanila. Basta ang alam ko lang ay mas malakas ako sa kanila. Totoo naman iyon. Ngayong taon palang ako pumapasok, at dapat ay nasa unang baitang palang ako. Ngunit nabigla sila nang nagawa ko nang magpalabas ng isang mabangis na nilalang mula sa dimensyon ng Monskerth kahit hindi pa ako napasok. Kalimitan daw ay maliit at pipitsuging nilalang lang ang nakakayang palabasin ng mga unang pasok. Naiba ako sa kanilang lahat. Kaya minabuti na nila na ipasok ako sa ikalimang baitang.
Tumayo sa kanan ang kilala ko bilang si Star, na malimit kong naririnig na inaasar bilang tomboy. Wala kasing kaarte-arte ito sa katawan, simple lang. Maton man sa labas, ay alam kong babae pa rin ito. Sa kaliwa naman ay ang isang lalake na hindi ko talaga alam kung sino. Bahala siya doon.
"Ok, release your creatures," utos ng aming guro na umaaktong referee sa gitna.
Naunang magpalabas ng kulay berdeng enerhiya ang lalake mula sa kanyang palad na nasa kanyang harapan at sa harap nito ay lumabas ang isang nilalang na malapit sa itsura ng lobo. Mahahaba at matutulis ang kuko nito, mahaba ang mukha at may mabalahibong buhok sa kanyang leeg. Crouger ang tawag dito.
Sinundan naman ito ni Star sa pagpapakawala ng kulay berdeng enerhiya at lumabas sa kanyang harapan ang mistulang sanggol na oso, para itong stuff toy na teddy bear sa liit at ka-cutean. Arcsus naman ang tawag dito.
Tumawa ako ng malakas nang makita ko iyon dahilan para makuha ko ang atensiyon nilang lahat. May iba ring nakitawa sa akin, kahit si Star ay napangiti sa akin. Ilang beses ko na naman itong nakikita, ngunit hindi parin nito nabibigong patawanin ako.
"Both sides, handa na ba?" tanong ng aming guro na tinanguan lang nila. "You may begin."
Yumuko si Star at hinimas ang maliit na Arcsus, ginalaw galaw nito ang kanyang ulo na tila ba ay nasasarapan. At sa pag-tapik ni Star dito, ay unti-unti itong lumalaki, habang lumolobo ang katawan nito'y tumatayo ito sa dalawang paa at ngayon ay sa tingin ko nasa sampung talampakan na. Ang mukha'y dahan-dahang nagpapalit, mula sa isang cute at sanggol na oso, naging isang nakakatakot at galit na oso ito na tila uhaw sa dugo ng kaharap na Crouger. Umangil ito bilang senyales na tapos na ang pagpapalit anyo nito.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...