*Reigh
Doomsday - 8:40 PMMalalakas na katok ang aking narinig sa pinto dahilan para maiwaksi ko ang aking ginagawang pagliligpit ng aking mga gamit. Naglakad ako papalapit dito at pinihit ang doorknob upang mabuksan ito. Agad na may gumuhit na nakakalokong ngiti sa akin nang makita ko ang taong kumatok, nilingon ko si Angel at tinawag ito, "Angel, mukhang may susundo sa'yo."
Sandali itong napahinto sa pag-aayos ng kanyang gamit. "Susundo? Huwag mong sabihing-"
"Dalian mo na diyan, Angel!" utos ng lalake habang nakasandal ang braso nito sa gilid ng pintuan. "Ang kupad, oh!"
"Susko, Ean! Pagod ako, tumigil ka," sambit ni Angel na kinatawa ko ng marahan.
"Hintay lang, Ean. Tapos na rin naman kaming mag-training," singit ko at isinabit na ang bag sa aking kanang balikat at kasabay non ay ang pagsuklay ko ng aking buhok gamit ang aking kamay.
Natapos na rin naman si Angel at tumabi na ito sa akin, "Tara na," at lumabas na kami sa simulation room at isinara ang pinto.
"Bakit ka na naman ba nandito?" walang ganang tanong ni Angel kay Ean.
"Wala lang, masama ba?" depensa nito sa sarili.
"Hay, nako. Ewan ko sa'yo!" bulyaw ni Angel at pinabilis nito ang kanyang paglalakad.
Hinabol naman ito agad ni Ean, "Teka lang!"
Grabe talaga itong dalawang ito kung magbangayan. Kalimitan sa mga nakaraan naming pagsasanay ni Angel ay umeentra si Ean tuwing papauwi na kami. Wala naman itong ginawa kung hindi ang asarin at lokohin si Angel. Hindi ko naman ito pinapansin dahil tapos na naman kaming magsanay ni Angel sa tuwing umeentra nito, wala ng dahilan upang pagbawalan ko pa siya. Tinanong ko na din naman siya kung bakit malimit ay sumusulpot ito, ang dahilan niya lagi ay nababagot lang daw siya. Ang sagot naman sa kanya lagi ni Angel ay gusto lang nito ang mang-asar. Minsan ay naisip kong nakakaloka lang talaga sila kapag sila ay magkasama.
Bago pa kami makalabas ng main building ay natanaw ko ang tatlong tao na nakatayo malapit sa malaking fountain ng Valin. Sila Aqueo, CJ at Char. Doo'y nag-uusap lamang sila na tila ay may hinihintay.
"CJ!" tawag ni Angel dito at tumakbo papalapit sa kanya. "Bakit kayo nandito?"
"Gusto daw nilang kumain sa labas," sagot nito at tinuro si Ean at Aqueo. "Nakapag-hapunan na ba kayo? Reigh?"
Sabay kaming umiling ni Angel.
"Oh, edi ayos! Tara kain tayo," masayang sambit ni Aqueo.
"Oo nga tara na, kanina pa ako nagugutom," reklamo ni Char na parang lumong-lumo na.
"Mukhang matindi nga ang gutom mo, Char," kantiyaw pa ni Angel na ikinatawa ng lahat. "Bakit nga ba hindi pa kayo nakain? Late na ah."
"Sisihin mo si kuya E-" naputol ang sasabihin ni Char nang takpan ni Ean ang bibig nito.
"Daldal mo," sabi nito kay Char at binaling muli ang tingin kay Angel. "Ikaw naman, dami-dami mong tinatanong, kumain na lang tayo!"
"Nagtatanong lang eh, masama ba?" pagtataray na naman ni Angel.
"Tumigil na nga kayong dalawa, kaloka," singit ni CJ na humahagikgik.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...