*Aya
Doomsday - 8:48 PM
Hanggang ngayo'y sariwa pa rin sa aking isip ang mga nakalap naming impormasyon nila Adrian at Char noong araw na iyon. Hindi ko pa rin maialis sa aking isip na kaya pala ng isang grupo na may roon lamang kakaunting miyembro ng masasamang loob na nagtataglay ng dark magic atakihin ang isang baryo. Sa bagay, kung ibabase ko ang galing nila sa lakas ng isang miyembro nila na si Fate ay paniniwalaan ko ang lahat ng iyon. Kung tutuusin ay dalawa na ang kanyang napapatay. Isang bes ko na ring naisip, paano kung isang araw ay atakihin nila nang sabay-sabay ang lungsod ng Orthil? Magagawa kaya naming depensahan ang aming sarili laban sa kanila?
Iwinaksi ko na lang ang naiisip kong iyon. Total ay ngayong gabi ay umaasa akong malaman na ang tanong na ilang taon ko na ring hinahagilap. Ang hustisya sa pagkamatay ng aking mga magulang. Marami na akong napagtanungan, mga pribadong imbestigador na sa huli ay nabibigo lamang ako. Isama mo pa ang inalay na tulong ni Adrian na sa huli rin ay iniwan ako sa ere. Kahit kailan ay hindi niya maiintindihan kung bakit ginugugol ko ang aking mga oras para dito.
Pumasok ako sa isang makitid na eskinita upang tumungo sa tagong bar kung saan piniling makipagtagpo ng hired investigator. Hindi alintana kung ano man ang pwedeng mangyari sa akin dito sa nakakatakot na lugar at dilim na bumabalot ngayong gabi. Pinadalhan niya kasi ako ng mensahe kanina lang umaga na malapit niya na daw malaman ang buong kwento sa likod ng pagpatay sa aking mga magulang at ngayon nga'y napagtagpi-tagpi niya na ang lahat.
Bago pa ako makarating sa dulo ng eskinita ay agad kong natanaw ang isang lalake na may malaking katawan na nakatayo sa tabi ng pinto ng tinurang bar. Ito marahil ang gwardiya nito. Patuloy lang ako sa paglakad nang may biglang humawak sa aking braso dahilan para lingunin ko ito.
"What do you think you're doing, Aya?" sambit ng lalakeng pumigil sa akin. Marahil ay nasundan ako nito kanina.
Inirapan ko ito, "Hindi mo na kailangan pang malaman."
"Really?" sarkastikong sabi nito. "Aya, delikado ang lugar na 'to for you."
"Bitawan mo ko, Adrian. Kailangan ko nang umalis," malamig kong tugon at pinagpag ang aking braso upang mapabitiw ito.
Nagsimula ulit akong maglakad papunta sa pinto ng bar ngunit hinarangan ako ng gwardiya. "Hindi pwede ang bata dito."
Dumukot ako ng mga papel sa aking bulsa at inabot ito sa kanya. Walang anu-ano'y, binigyan ako nito ng daan at pinapasok ako. Rinig ko namang pinagsabihan nito si Adrian. Siguro'y gusto niya rin sumunod, hindi ko na lang ito binigyang pansin.
Bumungad sa akin ang nakakasulasok na amoy ng mga alak at sigarilyo na ikinasimangot ko. Pinalibot ko ang aking mata. Napako ang aking tingin sa isang lalakeng nasa mid-30's ang edad, maitim, may makapal na balbas at buhok na maayos na nakaupo sa tapat ng counter habang umiinom. Dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan nito at umupo sa tabi nito na hindi man lang ito nililingon.
Rinig kong humagikgik ito at lumagok muli ng inom. "Iba talaga nagagawa ng pera. Kahit na bata ka pa'y pinapasok ka dito."
"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang pumili ng lugar kung saan tayo magkikita," sabi ko at umiling nang tanungin ako ng bartender kung ano raw ang aking gusto. Wala akong balak uminom at isa pa ay hindi talaga ako umiinom. "Ano na ang nakalap mo?"
Huminga ito ng malalim bago nagsimula, "Matapos ang pag-iimbestiga ko nang ilang linggo, marami akong nalaman tungkol sa nakaraan ng pamilya mo, ang magulang mo."
"At?" wika ko.
"Doo'y napag-alaman ko na may kaibigan silang mag-asawa. Matagal na rin silang magkakilala at nagkasama. Ilang beses na rin silang nagsama sa iisang misyon noon. Ngunit isang araw..." pinutol nito ang kanyang sasabihin nang uminom muli ito. Napalingon ako sa kanya at nakita kong inilapit nito sa mesang nasa harap ko ang isang folder.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...