Chapter 3

3.5K 107 96
                                    

*Scarlet

Buti nalang ay isa ako sa mga naabsuwelto sa parusa ni Ms. Elsa. Kahit hindi ko alam ang parusang iyon, ay alam kong mahirap iyon dahil si Ms. Elsa ang nagbigay. Hanggang ngayo'y inis parin ako sa mga kaibigan ni Ean at dahil sa kanila'y nadamay pa ako sa kalokohan nila. Bilang wala namang pasok ngayon, ay minabuti ko nalang na puntahan ang mga kaibigan ko para hindi naman ako mabagot.

Nag-iisa nalang kasi ako sa bahay. Wala na akong magulang, patay na sila.

Noong musmus pa ako'y nagpaalam sila dahil may misyon daw silang gagawin at wala daw akong dapat ikabahala dahil simple lamang iyon. Sabi nila'y hindi daw lalagpas ng dalawang araw ay makakauwi rin sila. Matagal akong naghintay sa kanilang pagbabalik. Sa halos buong apat na araw kong paghihintay ay ni anino nila'y hindi ko naramdaman. Pinilit ko ang aking sarili noong mga oras na iyon na huwag mag-isip ng kung ano, pero hindi ko ito mapigilan.

Hanggang sa may kumatok mula sa pinto ng aking bahay at agad na binuksan iyon na may malalaki't puno ng sayang ngiti. Sa aking dismaya, ang nakita ko lang ay ang mga lalakeng nakapormal na suot. Sinabi nila sa akin na hindi daw agad makakauwi ang aking magulang, doo'y agad ko nang nakuha ang gusto nilang iparating. Bata pa man ako noo'y alam matanda na akong mag-isip. Simula noon ay kahit saan ako magpunta, pakiramdam ko'y hindi ako ligtas.

Tumigil ako sa tapat ng isang hindi kalakihang bahay at kumatok. May narinig akong mga yabag ng paa at kasunod nun ay ang pagbukas ng pinto.

"Scarlet, ano'ng sadya mo?" tanong sa akin ng isang babae na may makinis na balat at brown na mga mata matapos nito buksan ang pinto.

"May ginagawa ka ba?" sinagot ko siya ng tanong.

Ngumiti ito at nakuha na ang nais kong sabihin. Bigla namang may lalake at babae na naglakad mula sa loob papunta samin. "Yusha anak, mukhang niyayaya ka ng kaibigan mo," nakangiting tugon ng nanay ni Yusha.

"Ah, opo, alis kang po ako," ngumiti naman ng maluwag si Yusha at agad na lumabas ng bahay at tinabihan ako.

"Basta mamayang lunch ay nandito ka na," pagpapaalala ng kanyang ama na tinunguan niya lang.

Matagal ko ng kaibigan si Yusha kahit na mas matanda ito ng isang taon sa akin. Dapat ay graduated na siya ngunit lumipat siya ng Zoidiac mula sa Magicus. Noong unang pasok ko ay siya ang unang bumati sa akin, mahinhin siya't palangiti kaya naging madali sa akin na kaibiganin siya kahit na hindi ako gaanong umiimik. Nabanggit niya na rin sa akin na wala daw siyang maalala sa kanyang nakaraan at ang tanging natatandaan niya ay ang paggising niya sa isang puting kwarto at doo'y may nagpakilalang babae at lalake bilang magulang niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ay maniwala rito. Naging mabait din naman ang magulang niya sa kanya.

"Tara na, Scar- Oh, andito din pala si Aya!" sabi niya nang mapansin sa likod ko si Aya.

Tumingin lang sa amin si Aya, nagbuntong hininga at binawi ang tingin. Meron siyang morenang balat, itim at mahaba ang buhok, kung titignan ay maganda siya. Ngunit palagi nalamang siyang tahimik at napakamisteryosa. Lagi nalang kasi itong naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa pagkamatay ng kanyang magulang na minsan na naming tinulungan ni Yusha. Ngunit tila palaisipan kung sino talaga ang pumatay sa kanila.

"Oo, sinama ko na rin," sagot ko.

Nakita ko si Aya kanina sa daan nang papunta ako kay Yusha. Ilang taon ang tanda namin dito ngunit minsan na rin namin itong nakasama kaya niyaya ko na rin.

Tumango lang si Yusha at ngumiti sa aming dalawa, "Tara na." Agad naman kaming naglakad papalayo sa kanilang bahay.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Yusha.

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon