A/N: Natatakot na ako magUD... Baka mabugbog ako dito't lagi daw ako nangbibitin! Hahahaha! Bawi ako soon, promise po. Lol!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Bash
Bago ako gumawa ng isang plano ay kailangan kong malaman ang kaganapan sa Valin. Mabigat ang obligasyong ipinatong sa akin ni Ms. Elsa. Sa akin nakasalalay ang kaligtasan at kinabukasan ng Orthil, ang mga mamamayan nito't mga kaibigan ko. Hindi ako maaaring magkamali, ang kaunting pagkakamali ay maaring makapahamak sa mga kasamahan ko. Ngayo'y inaasahan nila akong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Hinding-hindi ko sila bibiguin.
Para malaman ang mga nangyayari sa Valin ay kailangan may isa sa amin na pumunta at lumibot doon. Ngunit kung sino man iyon ay dapat magawa ito ng walang nakakakita o hindi kaya nama'y makakapanakit sa kanya. Isang tao lang ang naiisip ko na kayang gawin iyon.
"Ash," tawag ko sa kanya na kasalukuyang nasa gilid lamang at agad naman ako nitong hinarap. "Kailangan muna nating malaman ang lagay ng Valin. Inuutusan kitang pumunta doon gamit ang spirit magic mo."
Sumunod naman ito agad at naupo na sa gilid habang nakasandal siya sa yelong pader. Walang pag-aalinlangan ay lumabas ang kaluluwa niya mula sa kanyang katawan. Lumingon ako at hinanap ang isang babae. "Lexie, habang ginagawa ni Ash ang paglilibot, kailangan mong i-link ang isip mo sa isip niya. Ikaw ang magsisilbing speaker ni Ash sa lahat ng nakikita niya. At lahat ng itatanong ko kay Ash ay iparating mo sa kanya."
Tumango siya at dali-daling lumuhod sa tabi ng katawan ni Ash. Ipinatong niya sa ulo ni Ash ang kanyang palad, doon ay lumabas ang puting enerhiya. "Linked."
Tumingin muli ako sa lumulutang na kaluluwa ni Ash at sa aking pagtango ay lumipad na ito papalayo at tumagos sa yelong pader. Lahat ng kasamahan ko'y nanatiling tahimik habang inaabangan ang magiging resulta ng una naming hakbang.
Inaamin ko, kinakabahan at natatakot ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Buti na lang ay maagap si Rinoa kanina noong sumabog ang itim na usok at lumikha agad ito ng barrier sa paligid namin. Dahil doon ay naligtas kami, pati na rin ang mga estudyante ng Monskerth na aming nakasalubong kanina.
"Bash," tawag sa akin ni Lexie na ngayo'y nakapikit na, tila nakapokus lamang sa mahikang ginagamit. "Tanaw na ni Ash ang main building."
"Ano na ang nakikita niya?" tanong ko.
"M-maraming Shadows sa entrance. Para silang nagtitipon lahat doon," sagot niya.
Maraming Shadows sa Valin? Mas lalo lang nito pinalaki ang tiyansa na sa Valin nga mismo nanggaling ang lahat. Ngunit kailangan kong makasiguro. "Papuntahin mo siya sa back entrance at tignan ang lagay doon."
Isang senyas lang ang ibinigay nito sa akin. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay muling nagsalita si Lexie. "Ganun din ang field sa likod ng Valin, napupuno din ito ng Shadows."
"Copy. Sabihin mo kay Ash na pumasok na sa main building at tignan kung ano ang meron doon," sabi ko.
Hindi ko maiwasang isipin na sinadya ang paglagay at pagipon ng mga Shadows sa magkabilang entrance ng Valin. Sa tingin ko'y nilagay sila doon upang hadlangan ang kung sino man ang magtangkang pumasok sa main building. Kung iisipin ay marahil nasa pinakamahirap puntahan na lugar sila nananatili. Hindi kaya-
"Bash," naputol ang aking pag-iisip sa pagtawag ni Lexie. "May mga Shadows din sa loob, ngunit hindi na sila ganoon karami."
"Sa rooftop, Lexie. Papuntahin mo si Ash doon," utos ko.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...