Chapter 16

1K 54 83
                                    

A/N: Gusto ko lang po ulit magpasalamat sa patuloy niyong pagtangkilik sa story na ito. Nakanaks! Kata! xD Ano, favor naman, pa-vote naman po ng mga fellow Lakserfians? niyo. AHAHHAAH! Doon po sa external link. Cosplay po 'yun dito sa watty. Salamat :D Tama na'ng dada, eto na!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Yusha

Minuto din ang itinagal bago tuluyang maglaho ang itim na itim na usok sa loob ng aming bahay. Kanina pa ako hindi magkandamayaw sa kung ano na ang nangyari sa aking magulang. Kahit na alam kong hindi sila ang tunay kong magulang ay alam ko sa aking sarili na mahal ko sila. Sila pa rin ang nagpalaki't nagpakain sa akin, at doo'y malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanila.

At ngayon nga ay nakikita ko na ang paligid, ang gulo gulo nito na wari ay dinaanan ng isang malakas na bagyo. Mga nagkalat na papel, piraso ng mga nabaleng kahoy, basag na salamin, ang mga gamit namin na dati ay maayos ang pagkakasalansan at ngayo'y nagsitumbahan at sira sira na. Napadako ang aking tingin sa dalawang katawan na nakabulagta na sa sahig.

"Ma! Pa!" sigaw ko habang pilit na binabangga ang aking katawan sa nakaharang na force field. Nakarinig ako ng isang click mula sa device na gumagawa ng barrier at biglang nawala ito. Nilapitan ko sila at kinapa ang leeg nilang pareho upang matignan ang kanilang pulso. Buhay pa sila. Ni galos o sugat ay wala rin akong makita sa kanilang katawan.

Imbis na makampante ako'y lalo lamang akong natakot. Sabi na, isa itong dark magic na sa oras na pumasok sa katawan mo'y unti-unti nitong kakainin ang naninirahang mahika sa katawan mo. Mahika pa naman ang nagbibigay buhay sa aming lahat at sa oras na tuluyang mawala ito ay maaari naming ikamatay. Sa lakas at tindi ng pagsabog ng usok na iyon ay marahil mabilis na kumalat ito sa bawat sulok ng Orthil, marahil ay lahat nabiktima nito.

Si Aya. Tumayo ako agad nang maalala kong naiwan ko sila ni Scarlet sa park kasama si Adrian. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba ang lagay nila, kung nagawa ba nilang maka-survive sa nangyari. Nag-aalala ako para sa kaligtasan nila, lalo na ngayo'y alam ko na kapatid ko siya. Pinapangako ko, babalikan ko ang kinilala kong magulang upang maisalba sila. Ngunit ang importante ngayon ay ang malaman ko na kung buhay pa ba si Aya.

Nagdesisyon na akong pumunta sa park at naglakad na papalabas ng aming bahay. Agad akong napahinto nang mamataan ko ang mga kakaibang nilalang sa labas at mabilis na nilapat ang aking likod sa pader upang makapagtago. Mula sa aking kinalalagyan ay mataman ko silang pinagmamasdan. Napapaligiran ng mga halimaw ang buong kalsada. Itim lang ito na parang anino, may mga dilaw at nanlilisik na mata, matatalas na kuko sa kanilang kamay. Mga nilalang ito na nalikha sa dark magic, mga Shadows. Ito ang pinagkaiiwasan ni Mr. Seig na mangyari kung bakit niya pilit na pinawawala ang mga nabubuong dark magic dito. Alam niya na bubuhayin nito ang mga ganitong halimaw.

Tulad ng aking inaasahan, naging tila abandunadong kalsada na ang aking nakikita, tanging Shadows na lang ang aking nakikita. Kinalkula ko ang dapat kong gawin, kung maaari ay dapat maiwasan kong kunin ang kanilang mga atensyon. Dahan dahan at taimtim akong naglakad papalabas at agad yumuko nang makalapit ako sa mga talahib. Ramdam ko ang bilis at kabog ng aking dibdib, kinakabahan ako. Ngunit kailangan ko itong gawin. Nakayuko akong umabante upang hindi nila ako makita. Laking gulat ko na lang ng makarinig ako ng isang tili mula sa kanila. Napatigil ako't tinignan ang mga gumagalang Shadows.

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong ni isa sa kanila ay hindi ako nakita. Pinagpatuloy ko ang aking tahimik na paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo ng mga talahib. Sinilip ko ang aking dadaanan, ngunit wala na akong mapagtataguan. Isang plain na daan na lang iyon. Mula dito ay kailangan kong kumaripas ng takbo sa daan papunta sa park. Bahagya kong inangat ang aking kamay at nagpakawala ng puting enerhiya at kasabay nito ay ang paglitaw ng isang espada. Wala akong magagawa. Alam kong mapapalaban ako habang tumatakbo ako.

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon