A/N: Hehehe, hindi na nawala ang A/N kada simula na lang hahaha! xD Ano lang, 9 chapters na lang bago ang epilogue :O Bilis no?! Panu'y walang humpay sa pagUD ang author hahaha! Eto po ang chapter na hindi niyo dapat palagpasin. Ge, yun lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*Reigh
Noong balitaan kami ni Ash na may labanan daw sa park ay agad namin itong ikinabahala. Lubos kaming nag-alala sa mga naiwanan naming kasamahan kahit pa alam naming nandoon si Dark at Shion upang bantayan sila. Hindi namin alam kung bakit may ideya sila kung saan dapat umatake. Maaaring nagkataon lang ito, ngunit imposible. Sa lawak at dami ng lugar dito sa Orthil ay bakit doon sila napadpad? Para bang may mga mata sila sa lahat ng nangyayari.
Sa oras na ding iyon ay hindi na namin napigilan si Ean nang walang sabi sabi ay mabilis itong tumakbo pabalik. Alam namin kung saan siya tutungo dahil napansin namin ang labis na pag-aalala nito nang marinig niya ang balita. Minabuti naman ni Ms. Elsa na hayaan na lang siya upang matulungan na rin si Angel. Kasabay nito ay ang pag-aalinlangan naming umusad pa sa rooftop dahil nabawasan na kami ng lakas.
"Reigh sa likod mo!" bulalas ni Yrah at maagap na nagpalabas ng apoy sa aking direksyon dahilan para yumuko ako. Tumili ang Shadows sa aking likuran at agad itong naglaho.
"Salamat, Yrah," pasasalamat ko at bumalik muli sa pakikipaglaban.
Kahit unti-unti ay napapansin ko ang pagbaba ng numero nila. Si Ms. Elsa, lumilikha ito ng malawakang ice spikes na kumikitil sa karamihan ng Shadows. Kami naman ni Yrah ay patuloy lang sa pagbato ng mga lumiliyab na apoy sa tuwing may lalapit sa amin. Minsan pa'y pinapalakas at pinapalawak ni Jedi ang aming apoy gamit ang minamanipula nitong hangin dahil sa malawak naman ang pasilyo. Nagmimistulang tiga protekta namin si Scarlet gamit ang makakapal na kasuotan nito na yari sa bakal at ang kalasag nito na sa laki't bigat pa lang nito ay halos kaya na kami nitong sanggahan sa kahit anong atake.
Mainit na enerhiya ang lumabas sa aking palad, doo'y bumusilak ang maliit na bola ng apoy. Akmang susugod na ang grupo ng itim na nilalang ngunit ibinato ko ito sa kanila at nang tumama ay lumikha ito ng malakas na pagsabog.
Nakaramdam ako ng pagsandal sa aking likuran at kasabay nito ay ang pagsalita ng babae, "Their numbers are gradually decreasing. If we keep doing this, I think we could finally break our way through the corridor that leads to the rooftop."
"Pansin ko rin iyan, ngunit ngayon ay dapat wala tayong itira sa kanila. Umatake lang tayo ng umatake hanggang sa maglaho na ang kahulihulihan sa kanila," pahayag ko.
"Agreed," sang ayon nito at ramdam kong lumakas ang hangin at kasunod nito ay ang pag-ibik ng mga Shadows.
Sa hindi kalayuan ay hindi ko napansin na nagpalit na pala ulit ng armor si Scarlet at kasalukuyan nang nakikipaglaban gamit ang mga kamao nitong nakasuot ng metal. Bawat itim na nilalang na nagtatangkang sakmalin siya ay sinusuntok lang nito ng sinusuntok, sa dinami nila ay wala ni isa sa kanila ang nakagalos dito.
Sigaw mula sa aking harapan ang aking narinig at kasabay nito ay ang pagdampi sa akin ng malamig na simoy ng hangin. "Reigh, Yrah, lumapit lang kayo sa akin at bigyan ninyo ng init ang mga kasamahan natin. Kailangan na natin ito tapusin," utos ni Ms. Elsa.
Walang pag-aalinlangan ay nagkumpulan kami sa gitna at sabay kami ni Yrah nagpalabas ng kaunting apoy sa aming katawan habang patuloy lang sa paglabas ng napakalamig na hangin si Ms. Elsa. Sa kabila ng init ng apoy sa pareho naming gawi ni Yrah ay nararamdaman ko pa rin ang lamig. Pinalibot ko ang aking tingin at natunghayan ko ang mabilis na pamumuo ng yelo sa buong paligid ng pasilyo. Huminto ang mga itim na nilalang at napansin kong mula sa kanilang kinatatayuan ay umaakyat ang yelo hanggang sa lamunin na sila nito.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...