Chapter 14

1.1K 49 110
                                    

A/N: Hahay, sorry po sa mga nabitin sa last UD. Ang dami po eh xD Pero eto na! Bilang excited na rin po ako isulat ang susunod na mangyayari, lalo na sa chap 17. Lol!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Young Yrah

"Ikaw muna pumasok, dali!" pagpupumilit ko habang tinutulak tulak pa ang aking kasama.

"Aray naman, teh! Masakit, ah! Ikaw kaya muna ang gumora?" reklamo nito na tinawanan ko lang habang hindi ko pa rin siya tinitigilang itulak papasok sa aming silid aralan. Unang araw ng pasok ko dito sa Valin, eh. Nakakahiya.

"Dali na! Ililibre kita mamaya, promise!" saad ko at inangat pa ang aking kanang kamay upang makumbinsi ko siya.

"Sinabi mo 'yan! Sige, rarampa na aketch," sabi nito at dali-daling binuksan ang pinto. "We're sorry, ma'am, late kami," pagpapaumanhin nito na tinanguan lang ng aming guro.

Pagkapasok namin ay pinagtinginan kami ng aming mga kaklase. Hanggang sa nakaupo na kami ay ilang pares pa rin ng mga mata ang sumusunod sa amin. Marahil ay nakikilala nila ako o kaya nama'y dahil lang sa huli kaming pumasok. Hindi ko naman iyon pinansin. "Mamayang break, ililibre talaga kita," bulong ko sa aking katabi.

"Excited much na me!" bulalas niya habang marahan itong pumapalakpak.

Nakakatuwa talaga itong kaibigan ko, kahit kailan ay maaasahan talaga. Bata pa ako nang makilala ko si Arbhie, magkalapit lang kasi ang aming bahay at lagi ko siyang nakikitang nasa labas at nakikipaglaro. Noong una ay nakatingin lang ako sa kanila habang naglalaro sila, ngunit nang mapadako ang kanyang tingin sa akin ay inaya ako nito. Siya lang ang bukod tanging hindi na-intimidate sa pangalang dinadala ko. Kaya siguro siya lang rin ang naging kaibigan ko.

Simula noong araw na iyon ay madali akong naka-adjust sa tulong niya. Hindi kasi talaga ako palakaibigan at palakibo, dahil siguro ito sa srtriktong pamilya na aking kinagisnan. Lahat ng bagay ay dapat magawa ko ng tama. Kung sakaling magkakamali ang aking mga kaklase, ay agad ko silang pinagsasabihan, malamang ay madadamay ako doon at ako ang mapapagalitan sa amin. Hindi kasi ako dapat magkamali.

Dapat ganito, dapat ganyan, ang magkamali o ang mabigo ay tiyak na magiging kahihiyan sa pamilyang Derfin. Ganyang buhay ang kinamulatan ko. Minsa'y hindi ko maiwasang hindi mangarap na sana ay sa ibang pamilya na lang ako nabuhay. Hindi naman sa ayaw ko sa pamilya ko, mahal ko sila, ngunit minsan ay nakakasakal na.

"Teh," tawag sa akin ni Arbhie sabay kalbit nang tumabi ito sa akin at tinanaw ang magandang tanawin mula dito sa rooftop ng Valin. "Problema na naman ba sa bahay 'yan?"

Marahan ko lang tinanguan ang kanyang tanong.

"Kaloka naman 'yan, numero unong estudyante ka na nga ngayon ng freshmen, hindi pa ba sila masaya?" madiing sabi nito na wari ay nagagalit din. Alam niya din kasi ang pinagdadaanan ko sa araw-araw.

"Sabi kasi ni daddy, mas maganda daw kung mas nahigitan ko pa ang marka ko. Isang malaki-"

"Ay, mababa pa ba sa kanila ang 98? Naku, teh! Ang sakit sa bangs!" reklamo nito sabay irap. Nagawa naman ako nitong pangitian sa kanyang tinuran.

"Oo nga, eh," segunda ko at binaling na rin ang tingin sa magandang tanawin. "Pero, Arbhie, huh, 'yung grades mo, ang tataas na din. Baka magulat na lang ako, nalagpasan mo na rin ako."

LakserfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon