A/N: Dahil sa tinamad ako, yung mga nakaalam nung plano, obviously, naudlot. hahahah! But don't worry, purong aksyon lang ang mangyayari dito and hopefully, hindi kayo mabitin xD Ge!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Aya
Bakas sa mukha ng aking kasama ang pagkagulantang nang makita namin ang pinanggalingan ng putok na iyon. Divine Grace, kabilang siya sa grupong aming nalaman noon sa paggamit namin ng MOL. Tanda ko pa ang ibang bagay tungkol sa kanya, na ilan na rin ang nabibiktima niya gamit ang mga baril niya. Ang aking ipinagtaka ay kung bakit siya naririto. Balak kaya niyang gamitin din ang MOL na kasalukuyan nang ginagamit ni Char at Adrian?
Iyon pa ang isa sa aking ikinababahala. May kung anong masama akong nararamdaman sa malakas na lagabog mula sa loob ng computer room. Hindi ko maiwasan ang mag-alala kay Char, pati na rin kay Adrian. Ano ba ang nangyari? Masyadong malakas iyon kaya nama'y lubos akong nag-aalala.
"Tsk," naputol ang aking pag-iisip sa ginawa niya. "Bakit hindi niya sinabi sa akin na may bantay pala dito."
Niya? Sino ang tinutukoy niya? Kung sino man iyon ay isa lang ang sigurado ako, tama nga ang aking hinala. Balak nilang gamitin ang MOL. Marahil ay gagamitin nila ang mga impormasyon na may roon ito sa Valin o hindi naman kaya'y sa Orthil.
Sa kaliwa ko'y nakita ko ang puting enerhiya na pinalabas ng kasama ko at kasabay nito ay ang paglabas ng espada mula sa kanyang kanang kamay. "Diyan ka lang, huwag kang lalapit," saad ni Yusha na halata ko sa kanyang boses na pinipilit niyang maging matapang.
"Teka, sigurado ba kayong dalawa na hindi niyo ako pararaanin?" tanong nito na nakapameywang. Ramdam ko sa titig nito ang pagbabanta.
Nanatili lang kaming tahimik ni Yusha habang nakapako lang sa kanya ang aming mga mata. Alerto sa magiging una niyang galaw. "Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyo, hindi niyo gugustuhin na hadlangan ako," pananakot nito.
Napayuko ako at doon ay nakaramdam ako ng katiting na pagdadalawang isip. Pilit ko itong nilalabanan, inilalagay ko sa aking utak na kailangan ko'ng patibayin ang aking loob. Hindi ako ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Valin. Kailangan kong magtiwala sa aking sarili.
"Aya," mahinang tugon ni Yusha. "Huwag kang mag-alala, ako ang bahala-"
"Hindi mo ako kailangang alalahanin, kaya ko ang sarili ko," iritado kong sabi.
Hanggang ngayon ay inaamin kong hindi ko pa rin tanggap ang lahat. Hindi pa gaanong pumapasok sa utak ko ang mga rebelasyon na iyon. Marahil ay dahil ito sa mapait kong naranasan noon na humantong na sa pagiging mailap ko sa mga bagay na naging dahilan ng lahat. Kaya nama'y hindi ko maiwasan ang magalit.
"Aya, ipagpaliban muna natin ang problema natin," sambit nito.
"Pwede ba? Huwag mo akong pinagsasabihan," suway ko sa kanya.
Pansin ko mula sa gilid ng aking mata ay nilingon ako nito na may kunot sa kanyang noo. "Please, Aya, huwag ngayo-"
"Ano ba?!" bulyaw ko at tinignan na din siya habang nakasimangot. "Alam ko na, hindi mo na kailangang ulitin, pssh!"
"Kung magbabangayan lang kayo sa harap ko, mas mabuti na ang tapusin ko na 'to!" bulalas ng aming kalaban sabay tutok sa amin ng magkabilang baril at pinaputok ito.
Kusang yumuko ang aking katawan at laking pasasalamat ko nang mailagan ko iyon. Ganun din ang ginawa ni Yusha. Muli nitong kinalabit ang baril ngunit tumayo sa aking harapan ang aking kasama. Gamit ang espada niya'y pinalihis niya ang mga balang sa akin dapat tatama. Biglang nag-init ang aking ulo sa ginawa nito at hindi ko namalayan ay tinabig ko siya, kasabay nito ay ang paglabas ko ng berdeng enerhiya sa aking kamay at tinutok iyon kay Divine. Lumabas ang mga flying discs at lumipad tungo sa kanya. Sunod sunod na pagbaril ang ginawa nito at walang kahirap hirap nitong binasag ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...