A/N: Yowh guys! Dahil mapilit si white cat (LOL!) gusto niya daw magpahabol ng antagonist. Gusto niya daw kasing magpahirap ng tao dito hahaha. Ayun, may new antagonist na ulit.
At dahil nakaka 10 chap na ito at hindi pa rin kayo bumibitiw, wag nga sana hehehe, naisip ko pong gumawa ng special chap soon. Hindi ko kasi bibigyan ng POV char ko dito, so I guess pwede naman sa special chap nalang diba? Light lang po yon and laptrip lang xD So I'm asking you, ok lang ba? Comment nalang kayo sa baba. Enjoy! :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Adrian
Everyone in the city of Orthil mourned nang malaman nila na wala na si Mr. Seig. Nalaman ko lang iyon ngayong umaga since they suspended the class due to the incident last night. I was shocked and couldn't believe that he's gone. Isang malaking kawalan iyon sa Valin. Alam kong malaki at magiging mahirap ang adjustments para sa aming lahat. It was unexpected. No one had ever wished that a teacher like Mr. Seigfrid Sandford would experience such a cruel death.
Ngunit may kung anong bagay ang gumugulo sa aking isip and I just couldn't help it. A part of me was telling me to go to Valin and that I should mourn with my schoolmates, maging malungkot lang at makiramay sa mga nawalan, especially for the kingdom of Ruffdale. But a part of me was telling me na gumawa ako ng isang hakbang na alam kong maaaring makakaiwas sa ganitong klaseng pangyayari.
"Come on, Adrian, think!" I exclaimed at sumalampak sa higaan ko. I couldn't made up my mind whether to just proceed to the school or do what I think I have to do bago pa maging huli ang lahat.
Heaving a sigh, I suddenly thought of Aya again. Is she ok? Pumunta kaya siya sa Valin? Is she crying? Yeah, right. Knowing her, malaki ang chance na nasa bahay lang siya. Yes, she could be sad, but I doubt na makikiramay pa siya sa Valin.
Agad akong nagkaroon ng ideya. Mabilis akong bumangon at lumabas na sa bahay ampunang tinitirhan ko. Binaybay ko ang daan tungo sa kanilang bahay. There wasn't much people around. Maybe a lot of them went to Valin. Hindi man ako sure na papayag si Aya dahil sa nangyari noon, susubukan ko parin. Hindi rin naglaon ay natunton ko na ang harap ng bahay nila.
Kumatok ako sa pinto nila, ngunit walang nagbukas nito. Muli, ay kumatok ako. Still nothing. Baka pumunta nga siya sa Valin? Maybe Scarlet and Yusha asked her to. I still have to make sure.
"Aya!" sigaw ko habang kumakatok pa rin. Then I heard footsteps from the inside and a click on the doorknob.
"Sino iya- Adrian?" kunot noong tanong nito nang makita ko. "Ano'ng ginagawa mo dito?" she coldly asked.
As expected, hindi nga siya pumunta sa Valin. I cleared my throat before speaking, "Busy ka ba?"
"Ano?!" gulat na tanong nito. "Ano na naman ba 'to?"
"I'm just asking if you're busy or not?" I said.
"Ano ba ang kailangan mo?"
"Laksen, Aya, just answer my question!"
"Hindi! Bakit ba?" mataray nitong tugon.
"Then come with me," mahina kong sabi. Walang anu-ano'y hinablot ko ang kamay niya at hinila siya.
"Adrian, a-ano ba!?" bulyaw niya habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ng aking kamay sa paghampas hampas nito. "Binabalaan kita, itigil mo na 'to!"
"Aya, can you not?" sabi ko at tumigil nang lumingon ako sa kanya na nakasimangot. "Nakakahiya sa mga tao."
She roamed her eyes at nakita niya ang kakaunting tao na nakatitig na sa amin. Nang kumalma na siya ay umiling ako't hinila siyang muli. Hindi na siya umimik matapos non, sumunod na lang siya sa akin papuntang Valin.
BINABASA MO ANG
Lakserf
FantasyNaisip mo na ba na paano kung naging normal na ang mga mahika sa mundong tinitirhan mo? Naisip mo na ba paano kung may taglay kang mahika at may paraan, para ito'y iyong hasain? Bibigyan kita ng pagkakataong maranasan iyan. Dahil dito sa mundo ng La...