I. Kuya (Kathryn)

53.7K 690 108
                                    

"Kuya, naaawa ako kay Miles."

"Ilang months ba tinagal nila?"

"Tatlong buwan na sana sila bukas."

"Okay na rin siguro iyon. Kasi... kapag mas tumagal ang relasyon nila, mas maraming alaala, mas masakit. Oo, nasasaktan ngayon si Miles pero malay mo may darating na bago. Basta sabihin mo sa kanya na kapag may dumating na bago, wag magpadalos-dalos." saad ni kuya. Napangiti ako. Ibang-iba talaga si kuya sa kabataan ngayon. Napakamature niya mag-isip at hindi puro kalokohan ang laman ng isip niya pero minsan may kapilyuhan siya. Wahahahaha! "Bunso, wag ka ring magpapadalos-dalos ah? Wag ka munang pumasok sa isang relasyon. Baka kasi dumating ang araw na iiyak ka rin. Ayaw kong makikita kang masasaktan."

"Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay, kuya. Teka-, ba't ba tayo nagdadrama? Sinabi ko lang naman na naaawa ako kay Miles, eh!" nakangisi kong sabi kay kuya.

Ginulo niya ang buhok ko at kinurot ang ilong ko.

"Basag trip ka naman, bunso. Bad trip!" bulyaw ni kuya sa akin.

*tenenen, tenenen, tenenenen*

"Hala! Kuya, may ice cream sa labas!!!!" sigaw ko kay kuya habang pinagpapalo ang braso niya. Nagform ng hearts ang mata ko at sumisigaw ng 'ice cream' ang puso ko.

"Wa-la a-kong pe-ra." poker face na sabi ni kuya.

Pinagpapalo ko ulit ang braso niya. "Ala, kuya. Libre mo na ako, please? Kahit tatlo lang? O kahit dalawa lang? Gusto ko ng ice cream!!!!!" sigaw ko.

"A-yaw ko." madiin na sabi ni kuya.

"Ayaw mo? Edi maghahanap nalang ako ng boyfriend!" sabi ko kay kuya at akmang aalis pero hinawakan niya ang braso ko upang pigilan ako.

May kakaibang kaguluhan ang nangyayari sa puso ko.

Shemay, ano na naman ba 'tong nararamdaman ko?

Kailangan ko na atang magpacheck up sa doktor, baka malala na 'to.

O baka isa lang ito sa mga senyales na lumalakas ang lukso ng dugo namin ni kuya!

"Nanakot pa! Oo na, bibilhan ka na ng ice cream. Ang takaw-takaw mo talaga!" sigaw ni kuya at padabog na lumabas ng bahay at nilapitan ang nagtitinda ng ice cream.

Mwahahahaha! Kailangan ko lang pala takutin si kuya para ilibre ako.

Nakasilip lang ako kay kuya mula dito sa terrace. Bumili siya ng tatlong Cornetto at babalik na sana siya sa loob ng bahay pero may lumapit na babae sa kanya, si Gela, ang kapitbahay naming adik na adik kay kuya. Hindi ko marinig kung ano ang pinaguusapan nila pero tumatawa-tawa si kuya. Pagkatapos ng usapan nila ay pumasok na si kuya sa loob.

"O, ice cream mo!" sigaw niya sabay bato sa akin ng plastic na may lamang tatlong Cornetto. Tss, binato-bato pa! Nawalan ako ng gana.

Binato ko ulit kay kuya ang plastic at nasalo naman niya ito. "Tunaw na! Ilagay mo nalang sa freezer. Nawalan ako ng gana." mataray kong sabi kay kuya.

"Tunaw agad?" sabi ni kuya at ramdam ko na naiinis na siya.

Tse, siya pa ang naiinis ha!

"Anong agad? Ang tagal-tagal mong nakipagusap kay Gela. May patawa-tawa ka pa. Para kayong mga baliw." mataray kong sabi at sinamaan ng tingin si kuya.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon