@kitkath
"Hello, Summer! ♥"
"Tao ba ang Summer? Bakit ka naghe-hello sa kanya?" seryosong tanong sa akin ni kuya (as usual, inagaw na naman niya ang cellphone ko). "Kung ano-anong pinagsasabi mo. Pati ang walang kamalay-malay na Summer, dinamay mo pa."
"Tss. Basag trip ka rin eh no? Wag ka ngang pakialamero! Akin na 'yang cellphone ko!" sigaw ko sa kanya habang inaabot ang cellphone ko. Argh, bad trip. Bakit kasi ang tangkad ni kuya? Sa sobrang tangkad niya, ako ang napagkaitan ng height T________T
"O." Inabot niya sa akin 'yung cellphone ko. "Ang pandak mo kasi, kawawa ka naman." nakangising sabi ni kuya. Tss!
*beep beep*
"Tse!! Maganda naman ako." Sumilip ako sa bintana. "Andiyan na si Mang Pio. Dahil inasar mo ko, ikaw magbuhat ng mga gamit ko." Sabi ko kay kuya sabay karipas ng takbo papunta kay Mang Pio. Hanep, bago na naman ang porma ni Mang Pio.
"Hi, iha." bati sa akin ni Mang Pio at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Good evening, Mang Pio. Astig ng porma ah!" sabi ko kay Mang Pio.
"Ganun talaga kapag gwapo." saad ni Mang Pio. Ang lakas talaga ng self-confidence ni Mang Pio kahit 57 na siya. Ang bagets pa rin. Wahahaha.
"Sige ho, push niyo lang po yan." sabi ko kay Mang Pio at sumakay na.
Sobrang naeexcite na talaga ako. Ang ganda kaya ng resort ni lola. Para kang nasa paraiso. Ang peaceful kasi ng place tapos ang dami pang pwedeng gawin katulad ng jetski at super marami pang iba. Eeeehhhh naeexcite na ako!!
"Good morning, iho." Bumalik ako sa tamang wisyo (wow, ang deep) ng magsalita si Mang Pio. Dala-dala ni kuya ang mga gamit ko, pati ang gamit niya. Mwahahaha!
"Yow, Mang Pio. San ko po pala ilalagay 'tong mga gamit?" tanong ni kuya.
"Ang pogi na ang bahala diyan." nakangiting saad ni Mang Pio.
"Ah, so ako na po pala ang bahala, dito?" sabi ni kuya. Napapalo nalang ako sa noo ko. Nagsama ang dalawang lalakeng may mataas na kumpiyansa sa sarili.
Patay tayo diyan >______________<
"Iho, kapag sinabing gwapo, ako na agad ang kasunod niyan. Kaya ako ng bahala diyan at pumasok ka na sa loob." nakangising saad ni Mang Pio.
"Sige lang, Mang Pio. Suportahan nalang kita." sabi ni kuya. "Libre lang naman po mangarap, diba? Kaya hahayaan ko nalang po kayong mangarap."
"Bastos ka ah!" pabirong sabi ni Mang Pio at akmang papaluin si kuya pero tumakbo si kuya papasok sa kotse at tumabi sa akin.