XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)

20.9K 282 38
                                    

(Kathryn)

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

Nasa bus na kami ngayon ni Daniel papunta kay lola. Kanina pa niya ako kinukulit. At kanina pa rin masakit ang ulo ko. Hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Bukod sa nangyayari sa amin ngayon ni Daniel, patuloy pa ring nagtetext 'yung wirdong tao at kung ano-anong sinasabi. Keso miss na daw niya ako at malapit na niya akong makita. Ang creepy, sa totoo lang. Sabi naman ni Nanay Melinda baka prank text lang daw. Sana nga.

Hindi ko pinansin si Daniel at ipinikit ang aking mata. Mahaba-habang byahe rin ang aming tatahakin papunta kanila lola. Lalong sumasakit ang ulo ko. Tila ba tumitibok ito. Ang labo. Ulo, tumitibok? Ang ibig kong sabihin, parang sasabog ito sa sakit.

Pusang gala, ang sakit talaga.

"Kathryn, namumutla ka." Aniya Daniel.

May kinuha siya sa dala-dala niyang bag. Biogesic. "O-okay lang ako, Daniel. Malamig lang siguro kaya ako namumutla." Mahina kong saad.

Hininaan ni Daniel ang aircon sa tapat namin. Chineck ni Daniel ang temperatura ko sa pamamagitan ng paglagay niya ng kamay niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat. Puyat ka ba?"

"Ma...masakit lang ang ulo ko. Wala akong lagnat." 

"Ito, inumin mo ito." Inabot ni Daniel sa akin ang Biogesic at ang water bottle na dala niya. Kung hindi lang masakit ang ulo ko, matatawa ako kay Daniel. Dinaig pa ang boy scout sa pagiging handa. Tiningnan ko si Daniel habang inaayos ang temperatura ng aircon.

Parang...nanlalambing.

Siguro, nagising sa katotohanan, na mali siya.

Sana nga marealize ni Daniel na para maging malakas ang relasyon namin, kailangan namin ng pagkakaintindihan. Kailangan pareho kaming gumagalaw para magwork out ang isang relasyon. Hindi ako galit kay Daniel. Hindi ko kaya. Ang sa akin lang, sana marealize niya.

Para mas lumakas at tumibay ang relasyon namin.

Makalipas ang ilang oras, naramdaman kong may kumukulbit sa akin. Binuksan ko ang mata ko at narating na pala namin ang probinsya ni lola. Nakatulog ako sapagkat sobrang sakit ng ulo ko. Buti na lamang at may gamot si Daniel at medyo nabawasan ito.

"Ang ganda-ganda mo talaga." Saad ni Daniel. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya upang kunin ang mga gamit namin na nasa taas.

Pusang gala. Bakit ganito maglambing si Daniel?

Dapat pala palagi akong nagtatampo para masabihan akong maganda.

---------------------xx

"Kathryn, ako ng bahala sa mga gamit natin. Hanapin mo nalang muna si lola baka kung ano ng nangyari sa kanya." Saad ni Daniel. Tumango ako at pumasok na sa loob ng bahay ni lola.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon