XXII. Papa (Kathryn & Daniel)

22.8K 286 47
                                    

(Kathryn)
Mag-isa akong naglalakad patungo sa school. Hindi naman nagtext si Daniel na sabay kami ngayon. Ayaw ko namang magbike kasi hindi pa ako masyadong maalam. At sa kabilang banda, feeling ko may masamang nilalang ang sumusunod  sa akin. I can feel it! "Ain't about the chendong, chendong." Shemay! Feeling ko baliw ang sumusunod sa akin.

Slowly (but surely) akong lumingon sa likod ko. At humaygash, tama nga ang hula ko. Isang baliw ang sumusunod sa akin at ang pangalan niya ay... Khalil.

"Stalker ka talaga no? Ba't mo ba ako sinusundan?" Saad ko sa kanya.

Nagchuckle siya at inakbayan ako. Dali-dali ko naman tinanggal ang pagkaakbay niya sa akin. "Ayan ka na naman mareng Chendong! Ang feeler mo talaga. Sinabihan lang ako ni pareng Daniel na sabayan ka." Ha? Ba't ba parang close sila ni Daniel.

Tsaka kaya ko naman mag-isa, eh.

"Teka, bakit ba Chendong ang tawag mo sa akin? Kahapon, Katol. Ang feeling close mo talaga! Kahapon pa nga lang tayo naging magkaibigan, eh. Tsaka ba't ba close kayo ni Daniel?" 

"Daming tanong!" Sabi ni Khalil sabay kamot ng batok.

"Eh sagutin mo nalang kasi."

"Chendong kasi... gusto ko lang. Kasi ang pangalan mo ay Kathryn Chandria. Tapos, Chandria. Ay basta! Ang hirap i-explain. Tsaka hindi ako feeling close ah! Ganito nga kasi talaga ako kapag kumportable ako sa isang tao. And, hindi naman kami sobrang close ni Daniel. Sakto lang. Naglaro kami ng basketball." Sagot ni Khalil.

Nang dumaan kami ni Khalil sa garden ng school, nakita ko si Daniel at si Rina na nag-uusap. Lagi nalang sila nag-uusap, ah. Simula noong makita ko sila sa ospital, parang di na sila mapaghiwalay. Galing! Parang sila ang magsyota, eh.

Teka... hindi nga rin pala ako ang syota.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Khalil. Mukhang hindi kami napansin nila Daniel. Para kasi silang may sariling mundo. Argh, Kathryn... intindihin mo si Daniel. Baka may rason siya.

"Sino ba talaga syota ni Daniel? Akala ko ikaw." Saad pa ni Khalil habang naglalakad kami.

"Wala siyang girlfriend." Mahina kong saad.


--------------------xx
Nandito ako ngayon sa comfort room. Inom kasi ako nang inom ng tubig. Kaya ayan! Pagkalabas ko ng cubicle ay naghugas ako ng kamay. At biglang pumasok si Rina.

"Hello, Kath!!" Sabi niya sabay ngiti.

Hay, ang ganda talaga ni Rina.

"Hello." Ahhh ba't bigla akong nainsecure?

"Namiss kita. Buti nalang at dito na ako pinagaral ni mama!" Saad niya. 

"Ah, bakit ka nga pala lumipat dito?" 

"Hmm... my lolo died. Kaya si mama na ang nagmamanage ng business ni lola. Kaya napalipat kami dito." Nakangiti niyang saad pero makikita mo sa mata niya na malungkot siya.

Nang makita ko silang magkayakap ni Daniel... kaya pala.

Argh! Naguiguilty ako. Dapat di ako nagselos.

"Sorry... Rina."

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin."Pa-hug, ah? Tsaka hindi mo naman kailangang magsorry. Medyo umo-okay na rin ako. Osige, hinihintay na ako nila EJ!"

Sila EJ at Jane ang iba pang kaibigan ni Rina.

Super bait niya na kahit bago pa lang siya dito ay may kaibigan na siya.

Pumunta na ako sa table kung saan nakaupo ang barkada. Napansin kong kumakain na ang lahat maliban kay Daniel. Hinihintay ba niya ako? Ugh, maisip ko lang ang thought na 'yun ay nagbablush na ako. Di ko mapigilan!

"Hala, Chendong! Namumula ka!" Agh! Khalil!!

Ang daldal mo >////////<

Sinamaan ko lang ng tingin si Khalil at tumabi kay Daniel. Dapat nga hindi ako nagconclude. Naguiguilty tuloy ako. Pinag-isipan ko ng masama si Daniel tsaka si Rina. Tapos may rason naman pala ang lahat. Nagduda pa ako kay Daniel, sabi naman niya mahal niya ako. Dapat 'yun yung paniwalaan ko. Hay. Nakakaguilty.

--------------------xx
Nandito ako ngayon sa playground ng school. May kailangan kasing ipasa si Daniel sa teacher namin sa English. Sabi niya, sabay daw kami uuwi kaya hintayin ko muna siya. Nandito ako sa swing nakaupo nang biglang may lalakeng (late 40's) ang lumapit sa akin.

Pamilyar ang mukha niya.

"Are you Kathryn? Kathryn Ber- Uh, I mean Perez." Sabi nung lalake.

Napatayo ako at dahan-dahang tumango. "Ako nga po 'yun. Bakit po?" 

Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. Yakapin ka ng lalakeng hindi mo kilala... sino bang hindi magugulat? Pero may kakaiba sa yakap niya. Parang... si papa. Parang yakap ng isang tatay. Ngunit mas nagulat ako sa sinabi niya. "Anak."

Sumasakit ang ulo ko at unti-unting dumidilim ang paningin ko.

 (Daniel)
Napasa ko na sa teacher namin sa English 'yung hinihingi niyang research paper. Sabay kaming uuwi ni Kathryn ngayon. Namiss ko ng sobra ang babaeng 'yon. Sabi niya doon na lang siya mag-iintay sa playground. Nang malapit na ako sa playground, may nakita akong babaeng nakahiga. Bigla akong kinabahan. 

"Kath..." 

Nakahiga si Kathryn sa sahig. Wala namang kahit anong bakas ng dugo. Binuhat ko si Kathryn at inuwi sa kanila. Tinulungan ako ni Aling Melinda sa pag-asikaso kay Kathryn. Ihiniga ko siya sa kanyang kama.

"Naku! Ano kaya ang nangyari kay Kathryn? Kukuha muna ako ng bimpo." sabi ni Aling Melinda.

Biglang hinawakan ni Kathryn ang kamay ko. "Papa..." sabi niya.

Naguguluhan ako. Papa? Ba't akong tinawag na papa ni Kathryn? O ako ba ang tinatawag niya? Ay ang labo! 

END OF CHAPTER TWENTY TWO    
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon