(Kathryn)
Siyam na araw na lang at Pasko na. Ang bilis ng panahon! Salamat sa Diyos at wala pa akong hinaharap na mabibigat na problema. Si mama at si papa, bumalik na sa States para ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Nagkakausap pa rin naman kami minsan. At medyo nasanay na rin ako sa bago kong bahay, sa bago kong pamilya. Tinutulungan ko minsan si ate Sarah sa shop niya. Ang cool nga! May pastry shop siya. Hekhek. Iyon ba ang tawag sa shop na nagbebenta ng cafe? Basta! Sobra akong blessed na maayos na ang lahat.
Sana magtuloy-tuloy na ito.
"Shemay naman, Khalil. Sino bang babae sa atin?!"
"Malamang, ikaw! Pero mas mukha pa akong babae sayo!" Sigaw ni Khalil. Pusang gala naman! "Joke lang, friend! May ice cream sa ref kumain ka nalang muna doon at mag-aayos pa ako ng buhok!" Nakangiting saad ni Khalil. At dahil isang oras ko ng hinihintay si Khalil, napagdesisyunan kong pumunta sa kusina nila Khalil. Hekhek. Ang totoo kasi, gusto ko ng ice cream. Wala ngayon ang magulang ni Khalil. Kaya niyaya ko siyang mag-mall pero shemay! Shemay lang talaga. Ang tagal ni Khalil kumilos. Daig pa ako na isang BABAE.
Nakapagtataka talaga ang gender ni Khalil.
Hmmm, strawberry ice cream. After 30 minutes, bumaba na rin si Khalil. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Grabe, I love it! "Ano ka ba, Cheber! Sabi ko kumain ka ng ice cream. Wala naman akong sinabing ubusin mo!" Bulyaw niya sa akin.
Sinimangutan ko lang siya. "Ikaw! Bading ka ba? Ba't ang tagal-tagal mong mag-ayos? Umamin ka na sa akin. Hindi ko naman ipagkakalat!"
Hinampas ako ni Khalil. Pusang gala! In-denial pa ang loko. "Hindi naman porket matagal mag-ayos, bading na. Gusto ko lang maging presentable. Malay mo, ngayon ko na pala mami-meet ang magiging asawa ko." Aniya Khalil.
"Asawa agad? Wala ka pa ngang girlfriend, eh!"
"Basta! Tsaka, bakit ako pa sinama mo sa mall? Pwede namang si Julia o si Miles o 'yung boyfriend mo!" Sigaw ni Khalil. Bakit ba sumisigaw 'tong lalakeng 'to? Magkalapit lang naman kami. Ibinalik ko na ang ice cream sa freezer at hinugasan ang spoon na ginamit ko.
"Nakabili na kasi ako ng regalo ko sayo. Si Daniel naman, hindi daw siya pwede. Si Miles at si Julia naman... hindi pa ako nakakabili ng regalo sa kanila. Nine days nalang at Christmas na kaya kailangan ko na silang bilhan!" Aniya ko.
Ngumiti si Khalil at inakbayan ako. "Aww, may gift na sa akin si bestfriend!"
Tinulak ko palayo si Khalil. "Wag ka nga!"
"Ayan ka na naman! Tara na nga sa mall."
Nagcommute kami ni Khalil papunta sa mall. Ang swabe niya nga ngayon. Nilibre niya ako ng pamasahe. Yes naman! Makalipas ang labinlimang minuto ay narating na namin ang mall. Dumeretso kami sa department store at nagtingin-tingin. Pumunta kami sa may accessories banda and... nakakita na rin ang ako ng ireregalo ko kanila Miles at Julia.