XXXII. Over My Head (Kathryn)

18.9K 215 35
                                    

"Nanay Melinda, pupunta po muna ako sa mall."

"Mag-iingat ka, hija." Saad ni nanay Melinda.

Kakauwi lang namin ni Daniel galing sa probinsya. Nasa bahay na si Daniel sapagkat may sasabihin daw sa kanya ang nanay niya. Para ngang bad trip si Daniel. Kaya ayaw ko muna siyang guluhin ngayon. Tsaka gusto ko rin mapagisa. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Para bang may bumabagabag sa akin. Parang may masamang mangyari na darating. Hindi ko maipaliwanag pero sana wala. At hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa magulang ko. Ni hindi ko nga alam kung nandito na ba sila. Hindi naman nila ako nirereplyan.

Bumyahe ako papunta sa mall.

Nang makarating sa mall, dali-dali akong pumunta sa paborito kong parte ng mall. Ice cream!! Kaunti lang ang tao. Buti na lang!

"Bubblegum flavor po." sabi ko dun sa nagtitinda. 

Nagbayad na ako at umupo sa isang table. Hmmm, ang sarap-sarap talaga ng ice cream. Parang lahat ng worries mo nawawala. Shemay. Ang OA ko naman!

"Pwede bang umupo dito?"

Nagtataka ako sapagkat marami pa namang vacant seat. Tiningnan ko ang babae at shemay! Siya 'yung nakita kong umiiyak dati. Buti nalang at hindi na siya umiiyak ngayon.

Hekhek!

"Ah, okay po." Nakangiti kong sagot. "Kayo po 'yung babae sa park, diba?"

Ngumiti siya at tumango. "Ako nga."

"Ako po pala si Kathryn. Ano pong pangalan niyo?" Sabi ko. Feeling ko tuloy ang friendly ko dahil ako ang nauuna sa conversation namin. Hekhekhek.

"Sarah Bernardo." Saad niya. "Tandaan mo ang apilyedo ko." Dagdag pa niya at umalis na sa aking harapan. Ano naman kaya ang ibig sabihin niya?

Ba't ba ang hilig magpasakit ng ulo ang mga tao?

Pero pamilyar sa akin ang apilyedong Bernardo. Sa aking pagkakaalam, marami silang business. May nagsabi sa akin tungkol sa mga Bernardo, eh. 

Baka naman pinagmamayabang lang ng babaeng iyon ang apilyedo niya! 

Pagkatapos kong kumain ng ice cream ay naglibot-libot ako sa mall. Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura ng babaeng 'yun. Si ate Sarah. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niyang sabihin iyon. Ay, ang labo!

"Cheber?!"

"Shemay, Khalil! Long time, no see!!" 

Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Khalil. Kahit nila Miles at Julia. Masyado kasing malalim ang iniisip ko at busy din ata sila kaya hindi kami nagkikita.

"Anong nangyari sa pagmumukha mo? Ba't lalo kang pumangit?"

Pusang gala 'tong si Khalil. Ngayon na nga lang ulit nagkita, nang-asar pa! Pero infairness, nakakamiss ang mga hirit ng lalakeng 'to.

"Eh, ba't ikaw? Sa tingin mo, gwapo ka?!" Aniya ko.

"Oo! Gwapo ako! Ang yabang mo naman. Akala m-," Napatigil si Khalil sa kanyang sinasabi kasi binatukan ko siya. Hekhek. Nakakamiss batukan si Khalil.

"Kalma, Khalil! Nagbibiro lang naman ako." Inakbayan ko siya. "Namiss lang kita. Labyu kaibigan!" Nakita kong namutla ang loko.

Pinandidirian ako ng loko!

"What the heck?! I ha-hate you!"

"Ililibre nalang kita ng Zagu. Bigla akong nagcrave." Sabi ko kay Khalil at hinila siya papunta sa bilihan ng Zagu. Ang takaw ko ata ngayon. Kanina, ice cream. Ngayon naman, Zagu.

Pagkatapos naming makuha ang Zagu namin ay umupo muna kami. 

"Khalil, namiss talaga kita." 

"Eeew, ang clingy mo!" Saad ni Khalil.

Wahahaha! Ang arte talaga ng lalakeng 'to. Kiniliti ko si Khalil at pinaghahampas naman niya ang kamay ko. Para talagang bading 'tong lalakeng 'to.

"Ang ingay niyo!"

Pusang gala!

END OF CHAPTER THIRTY TWO 
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon