XXI. Khalil (Kathryn)

23.3K 325 52
                                    

"Big nose!!"

Kanina pa may sumisigaw ng big nose sa may likod ko. Ang nakakairita, parang sinusundan ako. Eh hindi naman kaya malaki ang ilong ko. Proud nga ako sa ilong ko kasi maganda ito. Tsaka lang naman 'to malaki kapag naiinis ako. Isa pa talaga, pepektusan ko na 'to.

"Miss big nose!!"

That's it. Pepektusan ko na talaga 'to!

"Ano bang big no-" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko na naman ang lalakeng nanghila sa akin sa mall. "Antipatikong freak! Stalker ka ba? Ba't ka nandito? Tsaka bakit ba big nose ka ng big nose diyan? Ha?" Sigaw ko sa kanya at nilakihan siya ng mata.

"Ayan. Lumalaki na naman ilong mo. Ang dami mong tanong. Pero dahil gwapo ako, sasagutin ko lahat 'yan. Unang-una sa lahat, hindi ako stalker. Feeler ka lang talaga. Kasalanan ko bang dito ako inenroll ng magulang ko? Nandito ako kasi dito na ako mag-aaral. At big nose kasi ang laki ng ilong mo noong nagkita tayo sa mall. Medyo natakot nga ako kasi akala ko hihigupin ako ng big nose mo." Nakangiti niyang saad sa akin. 

"Antipatikong freak na bading." bulong ko sa sarili. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom. Pero anak ng!

Ayaw ata akong tantanan.

"Ba't ka ba sunod nang sunod?" Sigaw ko.

"Ay, feeler nga! Eto classroom ko oh." Sabi niya sabay pasok sa classroom... namin. Anak ng!!! Sino ba 'tong lalakeng 'to? Argh! Ayaw ko malaman pangalan niya! Ayaw ko rin siyang maging kaklase!!! Bakit ba kasi tumatanggap pa ng new students? 

ARGH!!!!

Pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom, nakita ko si Rina katabi si Daniel. Ano ba namang tadahana 'yan?! Ang daming new students! At bakit kailangan pang si Rina?

Pakiramdam ko scripted 'tong buhay ko, eh. Parang teleserye. Kung kailan okay na ang lahat, kung kailan masaya na ang lahat, tsaka may e-epal. Argh! Saklap.

"Uy, big nose! Magkaklase pala tayo. Kaya ka pala medyo feeler kanina." Saad ni antipatikong freak na lalake. Ang lakas talaga ng loob niyang mangasar. Hindi naman kami magkakilala.

Hindi ko na pinansin si antipatikong freak kasi nanghihina ako. Hindi manlang pinansin ni Daniel ang presensya ko. Parang busying-busy siya kausap si Rina.

"Uy, galit ka na?" Naramdaman kong may nagpoke sa balikat ko. Si antipatikong freak. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Napabuntong hininga siya at ngumiti. "Sorry na. Sayo lang ako kumportable, eh. Ganito lang talaga ako sa mga taong gusto ko maging kaibigan. Friends?" 

Tiningnan ko lang ang kamay niya. "Ayaw ko."

"Sorry na nga. Hindi na kita tatawaging big nose. Ano ba kasing pangalan mo? Hindi ko naman alam tatawagin ko sayo." Sabi niya at napakamot sa kanyang batok.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon