"Kailan mo ba sila kakausapin?"
Nandito kami ngayon ni Daniel sa cafe malapit sa bahay ng mga Bernardo. Ikinwento ko sa kanya ang lahat. Pati na ang hindi ko pagkausap kanila mama at papa. "Hindi ko alam. Natatakot ako."
"Ganyan din ako noon, Kathryn. Pero mali. Oo, nagkamali sila. Pero lahat naman tayo, diba? Kaya lang naman nila nagawa ang bagay na 'yon kasi mahal ka nila." Uminom si Daniel ng kape at tiningnan ako sa mata. "Sigurado akong sobrang malungkot si mama. Mahal na mahal ka niya, eh. Kaya sana kausapin mo na sila." Dagdag ni Daniel.
"Pero-,"
"Tanda mo ba ang sinabi sa atin ni mama dati? May mga dahilan ang lahat ng tao. Kailangan nating pakinggan ang mga ito bago tayo manghusga. Si mama? Si papa? Hindi mo ba sila kayang bigyan ng pagkakataon? Sila ang nagpamulat sayo sa mundong ito. Sila ang nagbigay sayo ng mga bagay na kailangan mo upang mabuhay. Sila ang nagmahal at nag-aruga sayo. Sila... sila ang mga taong tinanggap ka ng buong-buo kahit hindi ka kanila."
Hinampas ko si Daniel sa braso. "Pinapaguilty mo naman ako, eh!"
Tumawa si Daniel. "Kakausapin mo na ba sila?"
"Oo--" saad ko. "--pupunta ako mamaya sa bahay."
"Ang lakas talaga ng girlfriend ko. Pakasal na tayo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hahaha! Joke lang. Hihintayin natin ang tamang panahon."
"Ano ka ba?! Nagulat tuloy ako." Aniya ko.
"Tara na--" hinila ni Daniel ang kamay ko kaya napatayo ako. "--ihahatid na kita kanila mama. Kailangan niyo ng mag-usap para maayos na ang lahat."
Nang nasa tapat na kami ng dati kong bahay, hinalikan ni Daniel ang noo ko.
"Daniel-,"
"Kaya mo 'yan, Kathryn. Balitaan mo ako, ha?" Aniya Daniel at hinalikan ako sa noo. Tinulak niya na ako papasok ng bahay at umalis.
Nakita kong umiiyak si mama sa sofa samantalang nasa tabi naman niya si papa. Hindi ko kayang magsalita. Ano ba ang sasabihin ko?
Ano ba ang dapat kong sabihin?
"Ka-kathryn..." Saad ni mama.
"Kailangan ko kayong makausap." Walang emosyon kong saad sa kanila. Umupo ako sa harapan nila. Paano ko ba sisimulan 'to. "Kailangan... kailangan niyong ipaintindi sa akin kung bakit niyo nagawa 'yon. Ma, pa... nagsinungaling kayo sa akin."
"Anak... ayaw ko." Lumapit si mama sa akin at lumuhod. "Ayaw kong mawala ka. Nawala na sa amin si Daniel. Ayaw naming mawalan ng isa pang anak."
"Paano niyo ba ako nakita?" tanong ko.
"Nakita ka ng mama mo sa kalye. Dali-dali ka niyang kinuha at dinala sa ospital. Tinawagan niya ako at pinapunta doon. Dala-dala ko pa noon si Daniel. Naga-agaw buhay ka. Pero parang isang milagro. Nabuhay ka. Napakalakas mong bata. Tinanong kami ng doktor kung kami ba ang magulang mo.. at um-oo kami." Salaysay ni papa.
"Nabasa namin sa newspaper na hinahanap ka ng tunay mong pamilya pero hindi ka namin binalik. Hindi namin kayang magkaroon ng anak ng papa mo. Kaya itinuring ka naming anak. Hulog ka sa amin ng langit. Meron na kaming lalake at isa pang babae." Aniya mama.
"Hindi po ba ang babaw? Nabasa niyo na may naghahanap sa akin! Bakit hindi niyo ko binalik?! Hindi niyo manlang po ba inisip na naga-alala na sa akin ang tunay kong pamilya?!" Sigaw ko. Hindi ko na mapigilan ang aking damdamin. Kailangan nilang ipaintindi sa akin.
"Kasi napamahal ka na sa amin..." Aniya mama.
Naririnig ko ang mahihinang hikbi ni mama. Sumasakit pa rin ang puso ko kapag naririnig ko ang kanyang pag-iyak. Pinatayo ko si mama at niyakap.
"Patawarin mo ako, Kathryn..." Saad pa niya.
"Opo, nagalit po ako sa inyo. Kasi buong buhay ko, puro pala kasinungalingan. Nabubuhay ako sa kasinungalingan. Kung hindi po siguro kayo nakita ng tunay kong pamilya, hindi niyo po sasabihin sa akin ang totoo. Pero... magulang ko pa rin po kayo. Minahal niyo pa rin po ako kahit na hindi niyo ako kadugo. Ipinaramdam niyo pa rin po sa akin na mahal niyo ako." Saad ko.
Lumapit si papa para yakapin kami.
"Pero... kailangan ko na pong bumalik sa tunay kong pamilya."
"Naiintindihan namin, Kathryn." saad ni papa.
"Pero pwede mo pa rin ba kaming ituring na magulang?" Tanong ni mama.
"Opo. Magulang ko pa rin po kayo."
"Maraming salamat, anak."
Pagkatapos ng eksenang iyon, napagdesisyunan kong pumunta sa sementeryo kung saan inilibing ang tunay kong nanay. Masakit malaman na ang tunay mong nanay ay wala na.
Hindi ko manlang siya nakausap.
Hindi ko manlang nakita ang mukha niya.
"Ma? Mommy? Nanay?" Tumawa ako ng mahina. "Pasensya na po. Hindi ko po kasi alam kung anong sasabihin ko. Kaya po ako pumunta dito para sabihing maayos na po ang lahat. Sayang po kasi hindi ko na kayo naabutan. Gusto ko po kayong yakapin. Namatay kayong iniligtas ako. Maraming salamat po." Lumakas ang hangin sa aking paligid at naramdaman kong may yumayakap sa akin. Dahil dito, nakaramdam ako ng kapayapaan. "Kahit hindi ko po kayo nakita, mahal ko po kayo, nanay. Marami pong salamat."
Sana... manatiling maayos ang lahat.
Sobra na ang pinagdaanan ko.
Timeout muna ako sa mga problema.
END OF CHAPTER THIRTY FIVE
Thank you po sa pagbabasa!