"Kathryn, siya ang tunay mong nanay."
Dinala ako ni mama sa sementeryo. Kaharap ko ang isang lapida ng babaeng nagngangalang "Mina Bernardo". Bernardo... Siya ba ang tunay kong nanay? Ano bang pinagsasabi ni mama? Ampon ba ako? Bakit ganun? Lahat ng sinasabi ni mama, hindi pumapasok sa utak ko. Para bang ayaw tanggapin ng utak ko ang katotohanan.
Naramdaman kong tumulo ang aking luha.
Nahihilo ako. Ano na naman ba 'tong nangyayari?
Sa labing anim na taon ko dito sa mundo... nabubuhay lang pala ako sa kasinungalingan. Ganito din kaya ang naramdaman ni Daniel? Masakit nga malaman ang katotohanan. Ang sakit-sakit. Niloko ako... ng mga taong minahal at nirespeto ko ng sobra.
Buong buhay ko, akala ko totoo ko silang pamilya.
Tiningnan ko ang 'mama' ko. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Ang hirap harapin ng pagsubok na ito mag-isa. "Nasaan ang tunay kong pamilya? Hindi ba nila ako hinanap?" Tanong ko sa kanya at tiningnan siya sa mata ngunit umiiwas lang siya.
"Hi-hinanap ka nila. Pero...ipinagkait ka namin, anak."
Ipinagkait? Hinanap ako ng tunay kong pamilya pero hindi nila ako ibinigay? Sana naman sinabi nila sa akin. Sana naman pinaalam nila sa akin. Hindi 'yung parang bobo akong naniwala na sila ang tunay kong magulang. Patay na ang tunay kong nanay. Tae, sino bang di masasaktan?
"Hi-hindi m-mo ako... a-anak."
"Kathryn." Tumingin ako sa lalakeng tumawag sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko. Nahihilo na ako. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang mga nangyayari. Takte naman! Bakit ganito? Bakit sobrang complicated? Ang gulo! Ang gulo-gulo! Nakakabaliw!
"Anak..."
Hindi ko na kaya.
------------------xx
Napahawak ako sa ulo ko. Masakit pa rin ito.
Panaginip lang ba ang lahat?
Sana.
Nasan ba ako? Iminulat ko ang aking mata. Hindi pamilyar ang kwartong ito. Ngayon ko lang ito nakita. Tiningnan ko ang mga taong nasa harapan ko.
Hindi ito panaginip.
Sila... sila ang tunay kong pamilya.
"A-anak, ayos ka na ba?" Tanong ng matandang lalake. Tiningnan ko ang kanyang mata. Mukhang kakaiyak niya lang. At siya, siya ang tatay ko.
Wala akong lakas para magsalita kaya tumango nalang ako. Wala pa rin ako sa tamang wisyo. Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari sa akin ngayon.