XIII. Treehouse (Daniel)

26.5K 400 43
                                    

Ang bilis ng panahon. August na bukas. At sabi ni papa, bukas ko na rin makikilala ang tunay kong mga magulang. Ano pa bang ibig sabihin ng sinabi ni papa? Bukas, bukas ko na rin lilisanin ang bahay na ito. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kathryn? Baka hindi niya kayanin, at hindi ko rin kakayanin. Napakagulo ng buhay ko simula ng malaman ko ang katotohanan. Maraming gumugulo sa isipan ko at halos lahat ng ito ay tungkol kay Kathryn.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa hinaharap.

Pero isa lang ang sinasabi ng puso at isipan ko, hinding-hindi ko iiwan si Kathryn.

"Kuya, kuya! Tulala ka na naman." Bumalik ako sa realidad at nakitang nakangiti si Kathryn. Gusto kong makita palagi ang ngiti niya. Para bang kapag ngumiti siya, umaayos na ang lahat. Nawawala ang mga problema sa mundo at gumagaan ang pakiramdam ko. 

Nginitian ko siya. "Wala, wala. Sina mama?"

 

"As usual, umalis. Buti nga at nandito ka, kuya! Palagi nalang sila umaalis at ang lungkot kaya kapag mag-isa." sabi ni Kathryn at tinabihan ako.

Ayaw kong iwan si Kathryn. Pero, pero kailangan kong kilalanin ang tunay kong pamilya. Ang tunay kong pamilyang iniwanan ako. Kailangan kong alamin ang dahilan kung bakit nila ako pinaampon, kung bakit hindi nila ako binalikan.

Tiningnan ko si Kathryn at hawak-hawak na naman niya ang cellphone niya. Hindi siya nagtiTwitter. Parang may katext ata. "Ba! Busying-busy ka sa pagtetext ah!" sabi ko sa kanya. 

Ngumiti lang siya sa akin at pinakita yung phone niya. Hindi ko naman mabasa kung anong nakalagay kasi ang lapit masyado. "Kuya, oh! I love you." Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog sa sobrang bilis. "Sabi ni Julia, sabihin ko raw sayo!" At parang bang binagsakan ako ng kung anong mabigat na bagay. Ba't ba ganito ang nararamdaman ko?

Ang labo.

Hindi na ako nagsalita pa at hindi na rin nagsalita si Kath. Text pa rin siya nang text kaya pinikit ko nalang ang mata ko. Nakakapagod din palang mag-isip. Ang hirap ng ganito. 'Yung ang dami mong iniisip at para bang sasabog na ang ulo. Ang dami kong tanong pero hindi ko mahanap ang kasagutan. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Isa na dito ay si Kathryn.

May kakaiba akong nararamdaman kapag kasama ko siya. Nagsimula ito noong nag-usap kami tungkol kay Miles. Habang nakita kong umiiyak si Miles, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaang umiyak si Kathryn dahil sa isang lalake. Dahil doon, parang bigla akong natauhan na kailangan ko siyang protektahan, sa pag-ibig. Na hindi ko maisip na may kasamang ibang lalake si Kathryn. Na dapat ako lang, ako lang ang makakasama niya.

Noong hindi ko pa alam ang katotohanan, alam kong kahibangan itong nararamdaman ko. Pero nang malaman ko na ampon ako at hindi ko kapatid si Kathryn, mas tumindi ang pakiramdam ko na kailangan ko siyang alagaan. Na akin siya.

Pero may isa pang gumugulo sa isip ko.

Pinangako ko sa kanya na ako ang kuya niya, habambuhay.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon