X. Who You Love (Kathryn)

28.6K 382 36
                                    

From: Miles
Nakasalubong ko si ex kanina, girl. Binati nga niya ako and binigay ko sa kanya ang WINNER smile ko. Aba! Akala siguro niya bitter pa rin ako. Hindi siya kawalan!

To: Miles
Fighting lang, girl! See you later! :*

From: Miles
Thanks, girl! See you! :*

Natatawa ako sa inaasta ni Miles ngayon. Parang kailan lang, sobrang bitter niya kay Marco, sa ex niya. Araw-araw umiiyak, eh. Tapos ngayon, akala mo walang nangyari. Akala mo hindi nasaktan. Siguro, narealize niya na hindi niya dapat sinasayang ang oras niya sa taong sinaktan lang siya.

At ako... naiiyak ako.

KASI PASUKAN NA NAMAN!!!!

"Ma, aalis na po kami ni kuya!" sabi ko kay mama. Hay. First day of school na naman. Nakakatamad. Sobrang nakakabitin ang Summer. Ang sarap ipaextend. Pero sa kabilang banda, pag-aaral din ang solusyon para umunlad ang isang tao. "Osige, mag-ingat kayo. Enjoy!" sabi ni mama at hinalikan ako sa pisngi. Tinap naman niya ang likod ni kuya.

Pagkalabas namin ng bahay, nakaready na ang mga bike namin. Super cute talaga ng bike ko! Color pink tapos may basket sa unahan. 'Yung kay kuya naman, mountain bike na color black. Nagbabike lang kasi kami papunta sa school kasi malapit lang naman ito tsaka safe naman. Kaysa sa magkotse pa kami... dagdag polusyon, kawawa si Mother Earth!

"Tara na, Kathryn. Dahan-dahan ka lang, ah?" sabi ni kuya.

"Okay, kuya!" nakangiting kong saad at sumakay sa bike.

After 15 minutes, narating na namin ang school. Ang daming tao, parang magkakaroon ng stampede, eh. Pinark na namin ni kuya ang bike namin. Meron kasing parking na para sa mga bike talaga. Cool nga ng school namin, eh.

Biglang hinawakan ni kuya ang kamay ko. 

"Kapit ka lang. Daming tao, eh. Baka mapano ka." sabi ni kuya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Pumunta kami sa lobby para tingnan ang section namin. Hmmm. YES! Magkaklase pa rin kami ni kuya!!!! Tsaka ni Miles! Yipee!

"Kuya, kuya, classmates tayo! Lagot ka sa akin." pakanta kong saad kay kuya.

"Lul, punta na tayo sa room." sabi ni kuya.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni kuya, may yumakap bigla sa akin. Kilala ko na kung sino 'to!!!! SI MILES, MY LABS!!!!!!

"Uwaaaa, Kathryn, namiss kita!!!"

"Uwaaaa, Miles, di na ako makahinga!!" 

Bigla namang bumitaw si Miles sa pagkayakap sa akin at tumawa kami ng malakas. Shemay, namiss ko talaga 'tong bruhang 'to.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon