XII. Scared (Kathryn)

26.2K 356 72
                                    

"Good morning, Kathryn." 

Pagkamulat ko, nasa tabi ko na si kuya. Nginitian ko siya pero hindi ako nagsalita. Kakagising ko lang at kapag nagsalita ako, siguradong lalaitin na naman niya ang amoy ng hininga ko. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos, bumalik ako sa kama at tinabihan ulit si kuya. Malaya na akong makakapagsalita. Mwahahaha!

"Haha! Toothbrush agad, ah? Natrauma na?" nakangising saad ni kuya.

Hinampas ko siya sa braso at hahampasin ko sana ulit siya pero pinigilan niya ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit. "Uy, si kuya. Ang lambing." 

"Wag kang makulit. Matutulog si kuya." mahinang sabi ni kuya.

Hindi ako gumalaw. Hinayaan kong yakapin ako ni kuya. Hindi ko maipaliwanag pero parang tama. Parang tama na yakapin niya ako. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Ang gaan sa pakiramdam, parang... ang saya. Alam kong malabo pero ang sarap sa pakiramdam.

"Kuya... nasan si mama at papa?"

"Umalis sila, eh. May pupuntahan ata." Minulat ni kuya ang kanyang mata at tiningnan ako. "Punta tayo sa kusina. Di ka pa naga-almusal, eh." sabi ni kuya at kinurot ang ilong ko.

Pinaupo ako ni kuya at nagluto siya ng pancake. Pinanuod ko si kuya habang nagluluto siya. Sobrang swerte ng magiging girlfriend ni kuya. Sobrang maalaga. Sobra kung magmahal. At syempre ako, kasi kuya ko siya.

Nilapag ni kuya sa lamesa ang pancake at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami. Nakakapanibago- parang dati lang ang ingay-ingay namin kapag kumakain. Pero ngayon, parang ang daming nagbago. Ang lungkot, ang lungkot kapag tahimik.

Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta si kuyang maghugas. Habang tinutulungan ko siyang magligpit, may nagdoorbell. "Ako na." Saad ko. Pagkabukas ko ng gate, may matandang babae sa labas at may dala-dalang paperbag. 

"Magandang araw sa iyo, iha." sabi ng matanda.

Ngumiti ako. "Ano pong kailangan?"

"Ah, pakibigay nalang 'to sa mga magulang mo. Kaibigan ko ang lola mo, si Bambi, pinapabigay niya 'yan." nakangiting saad ng matanda habang inabot sa akin ang paperbag.

"Ah, pasok po muna kayo. Parating na rin po siguro si mama at papa." alok ko sa matanda. "Ano nga po palang pangalan niyo?" Tanong ko sa kanya habang ginagabayan ko siya papasok sa bahay namin. Nilapag ko ang paperbag sa sofa at pinaupo ko rin doon ang matanda.

"Melinda." nakangiting saad ni Aling Melinda.

Tiningnan niya ang photo album na naglalaman ng pictures naming apat ni mama, papa, kuya at ako. Iniwan ko muna doon si Aling Melinda at pumunta sa kusina kung saan naghuhugas pa rin si kuya ng mga pinagkainan namin kanina.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon