XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)

16.3K 220 36
                                    

(Daniel)

"Daniel, Daniel, ano bang gusto mong isuot sa kasal?"

"Ikaw ng bahala." Saad ko at lumabas na sa shop na iyon.

Apat na taon na ang nakakalipas. Para akong patay. Living dead nga ang tawag sa akin ni Lia. Hindi ko manlang nakausap si Kathryn sa apat na taon na iyon. Kahit ang mga kaibigan namin, hindi ko kinausap. Alam kong galit na galit sila sa akin. Kaya ko lang naman nagawa 'to para sa kaligtasan ni Kathryn. Ayaw ko siyang masaktan. Kahit alam kong nagawa ko na.

Lintek na pera 'yan!

Sumandal ako sa kotse ko habang hinihintay si Lia. Alam ko namang ayaw ni Lia magpakasal sa akin. Masyado pa kaming bata. At tsaka, hindi namin mahal ang isa't isa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw ni Lia na kausapin ang magulang niya. Baka makinig sa kanya. Pero ang palagi niyang sinasabi ay masasayang lang daw ang oras niya.

"Da-Daniel?!" Lumingon ako sa tumawag sa aking pangalan.

"Khalil..." Lumapit sa akin si Khalil at sinuntok ako.

"Bobo ka pare! Para kang bubbles na bigla nalang pumutok. Bigla ka nalang nawala. Pagkagising ni Kathryn, sobra siyang nasaktan. Mas doble pa sa pagkabaril sa kanya. Siraulo ka talaga! Nangako ka pa na siya lang ang babaeng papakasalan mo!" Tiningnan ako ni Khalil at tumingin siya sa loob ng shop. "Nakng! Pero iba pa rin ang papakasalan mo! May oras ka pa, Daniel. May oras pa para baguhin mo ang lahat. Kung ayaw mong masaktan si Kathryn, mali ka. Kasi sa ginagawa mo para mo na rin siyang pinapatay."

"Lalo siyang masasaktan kung hindi ko sinunod ang gusto ng mga magulang namin." Saad ko kay Khalil. Tinapik niya ang balikat ko.

"Ayusin mo ang dapat ayusin." Saad niya at naglakad na palayo.

Paano ko aayusin? 

Hindi na kayang ayusin.

Bumalik ako sa realidad nang may pumitik sa noo ko. "Hindi ba't nanalo si Kathryn sa isang pageant? Subukan mo kaya siyang puntahan!" Saad niya.

Oo, nanalo si Kathryn sa isang beauty pageant sa unibersidad na pinapasukan niya. At katulad ko, nakagraduate na rin si Kathryn. Nakikibalita pa rin ako kay Kathryn. Palagi ko siyang sinusundan. Palagi kong inaalam kung maayos ba siya. Sobrang mahal ko si Kathryn.

"Galit siya sa akin."

"Edi magsorry ka!" Nakangiting saad ni Lia.

Tiningnan ko si Lia. "Bobo ka ba? Sinaktan ko ng sobra-sobra si Kathryn. Alam kong galit na galit siya sa akin. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya."

"Mahal mo talaga, no?" Tanong niya.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon