(Kathryn)
"Kathryn, hindi ka pa ba uuwi?"
Nginitian ko si ate Sarah at umiling. "Mamaya na lang, ate. Ako nalang maglalock ng shop." Saad ko. Hawak-hawak ko pa rin ang papel na binigay sa akin ni Khalil. Hindi ko alam kung pupunta ako. Natatakot ako sa pwede kong makita. O sa pwedeng mangyari. Naduduwag ako. Natatakot ako sa pwedeng sabihin ni Daniel. Kasi ayaw ko pang bumitaw. Ayaw ko siyang bumitaw. Sa apat na taong nakalipas, mahal na mahal ko pa rin si Daniel. Siya lang naman.
Tinapik ni ate Sarah ang balikat ko. "Wag kang magsuicide dito, ah?"
"Ate naman! Hindi ko gagawin iyon!"
"Haha, sige, sige. Mauna na ako. May date kami ni Matteo. Mag-ingat ka, okay?" Tanong ni ate. Nginitian ko siya at tumango. Fiance ni ate Sarah si Matteo. Next year, magpapakasal na sila. Pagkaalis ni ate Sarah, tiningnan ko ulit ang address. Pupunta ba ako?
"Daniel...miss na miss na kita." Mahina kong saad.
"Miss na miss na rin kita, Kathryn."
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Walang iba kundi si Daniel. Ang lalakeng mahal ko simula pa lang. Ang lalakeng kinaadikan ko simula prologue. At ang lalakeng ikakasal. Pero hindi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
Bumalik sa akin lahat.
Ang sakit. Ang pangungulila.
At ang pagmamahal ko sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito? Sarado na kami." Tinago ko sa bulsa ang papel at kinuha ang bag ko. Akmang aalis na sana ako ngunit nahawakan ni Daniel ang braso ko.
Nakuryente ako. Mahal na mahal ko pa rin siya.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.
Tiningnan ko siya sa mata. "Hindi ko kaya, Daniel. Natatakot ako sa mga sasabihin mo. Noong iniwan mo ako, sobra na akong nasaktan. Ayaw kong masaktan pa lalo."
"Ikakasal na ako bukas."
"Ba-bakit kailangan mo pang sabihin sa akin? Ano ba naman, Daniel!" Sigaw ko. Ang inconsiderate naman niya! Hindi ba niya alam na mas masasaktan ako.
"Kathryn, sumama ka sa akin. Kahit ngayon lang. Please." Seryosong saad ni Daniel. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kung saan.
At ako si bobita... nagpadala.
Nasa rooftop kami ng building sa tapat ng shop. Hindi ko alam kung anong balak ni Daniel. Sobra na akong nasasaktan. Baka... mas lalo akong masaktan sa mga sasabihin niya.