XXVI. Master (Kathryn)

21.2K 279 33
                                    

"Guys, ready na ba kayo bukas? Excited na ako sa field trip natin!" 

"Ano ba, Miles?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi iyon field trip. Camping iyon. Hindi mo ba maintindihan? My gosh ha!" Maarteng kontra ni Julia kay Miles. Ang kulit kasi ni Miles. Akala niya field trip ang gagawin naming program bukas. Every year, bago magsembreak, lahat ng third at fourth year students ay mayroong camping. Three days at two nights and required siya. Project namin 'to para sa second quarter. May ipinapagawang mga activitites sa amin. 

"Whatever! Pero hindi ba kayo nae-excite?! Pagkatapos ng camping ay sembreak na. I am so happy talaga!!!" Masayang saad ni Miles habang pinaghahampas ang boyfriend niyang si CJ.

Kawawang CJ, brutal na girlfriend.

"Ang OA mo naman magreact, Miles. Akala mo naman ang haba-haba ng sembreak natin. Feeling college ka." Dagdag pa ni Khalil at binelatan si Miles.

"Wag mo namang ginaganyan girlfriend ko, pakner." Sabi ni CJ at niyakap si Miles. Shemay lang. Kapag nahuli sila ng teacher na nagpi-PDA, baka hindi sila makasama sa camping bukas. Wala akong magawa kundi makinig sa usapan nila. Nasa isip ko pa rin ang naging usapan namin namin ni Arie kahapon. Hindi pa rin maalis sa puso ko 'yung sakit ng mga salitang binitawan niya. Buti na lang at nandoon si Khalil. Pero hindi pa niya alam ang tunay na nangyari.

Si Daniel naman, nasa ospital. Sinamahan niya si Rina ngayon. Pumayag naman ako. Pagkatapos ng mga sinabi sa akin ni Arie, kailangan ko rin namang matauhan. Hindi pwedeng akin lang si Daniel. Kasi bukod sa pagiging boyfriend ko, anak din siya, kapatid at kaibigan. Ayaw kong maging madamot. Ayaw kong... ipagkait siya. Pero masakit.

Ba't nasasaktan ako ngayon?

Ang damot ko. Pusang gala, sobrang damot ko.

"Kathryn... gusto mo bang kumain tayo ng ice cream? Ililibre kita." Malambing na saad ni Khalil sa akin. Ewan ko ba, pero parang nasapian si Khalil.

Hindi niya ako inaasar at pinagtitripan.

Ngumiti ako at tumango. Kailangan ko nga ng ice cream ngayon.

"Pakners, u-una na kami ni Cheber. Magkita-kita nalang tayo bukas. Tsaka umuwi na nga kayo! Kanina pa kayo tumatambay dito, kanina pa kaya uwian." Sabi ni Khalil sa kanila.

"Susunduin daw ako ni Paolo." sabi ni Julia.

"Sasamahan nalang muna namin si Julia." sabi ni Miles. "Hoy, Kulangot, bantayan mo si Kathryn, ah? Parang wala sa sarili, eh. Osha, babye!"

Naglakad na kami palabas ng campus ni Khalil. Walang umiimik sa amin. Wala talaga akong sa mood magsalita. Hindi ko kasi mailabas-labas 'tong nasa puso ko. Pakiramdam ko sasabog na ako, anytime. Hindi ko na maipaliwanag... kung sino ba talaga ako.

"Cheber, hindi talaga ako sanay na tahimik ka." Napatigil si Khalil sa paglalakad. Tiningnan ko siya at alam kong nag-aalala siya sa akin. "Nang makita kita kahapon sa banyo... bakit ka umiiyak? Hindi ka naman baliw para umiyak ng walang dahilan, diba?"

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon