"Anak..."
"Excuse me po pero hindi po kayo ang nanay ko." Hindi ko alam kung nasan ako. Pagmulat ko ng mata ko, nasa harapan ko na ang babaeng kanina pa akong tinatawag na anak. Sa totoo lang, wala akong kaide-ideya kung sino siya. Sa pagkakaalam ko, ngayon ko lang siya nakita. At alam ko ang itsura ng nanay... hindi siya 'yon. Bakit niya kong tinatawag na anak?
"Sumama ka na sa akin." Dagdag pa niya at inabot ang kamay niya.
"KATHRYN! GISING! ANG KAPAL MO NAMAN AT DITO KA PA NATULOG SA SCHOOL!"Panaginip lang pala ang lahat. Isang panaginip. Na naman.
"Ba't ka ba sumisigaw, Miles?" Tanong ko kay Miles. Ang lakas ng boses niya na naging dahilan ng aking pagkagising. Nagunat-unat ako. Nilibot ng mga mata ko ang classroom pero wala si Daniel. Saan na naman kaya nagpupunta ang lalakeng iyon?
"Lunch na, in case na hindi mo alam." Mataray na saad ni Miles.
Ano ba 'tong babaeng 'to. Nagtataray na naman. Parang palaging meron. Sarap sabunutan. "Oo nga, Kathryn. Tinulugan mo na naman si Ma'am Maxine. Puyat ka ba? Lagi ka nalang tulog sa klase." Dagdag pa ni Julia. Nginitian ko na lang sila.
Napuyat ako kagabi kasi kapag nakakatulog ako, ang wirdo ng mga panaginip. Tapos may wirdo pang nagtetext sa akin na malapit ko na raw malaman ang katotohanan. Ang wirdo lang, seryoso. Feeling ko nasa horror film ako at haunted 'yung bahay namin! Ay basta!
"Lunch na tayo." Saad ko sa kanila.
Napatigil ako sa may pinto ng classroom kasi nakasandal doon si Khalil. Tae. Paano ba ako makakadaan, ang laking harang ng lalakeng 'to.
"Hi, Chendong." Sabi niya at ngumisi. Para bang may masama siyang balak. Ganoon 'yung ngiti niya. At sa totoo lang, nakakakilabot 'tong pagmumukha ni Khalil.
"Problema mo?"
Tinapat sa akin ni Khalil ang cellphone niya. "Tingnan mo."
"Ulol ka ba? Paano ko makikita? Ang lapit-lapit sa akin!"
"Ay, sensya na!" Nilayo niya ng kaunti ang cellphone niya sa mukha. Pusang gala! "Grabe, Chendong! Panget ka na nga tuwing gising, mas panget ka pa kapag tulog!"
"What the? Akin na 'yang cellphone mo!" Sigaw ko pero kumaripas ng takbo si Khalil. Pusang galang Khalil 'yan! Pinicturan ba naman ako habang natutulog. Ugh, kapag kumalat 'yon sa school... tae talaga! Nakakahiya 'yung itsura ko doon.
Hinabol ko si Khalil pero ang bilis niya talagang tumakbo.
"Yan, nakarma ka tuloy!" Nilapitan ko si Khalil kasi nadapa siya. Pagkatayong pagkatayo niya ay pinagpapalo ko na siya. Akala niya, ha! Nang masatisfy na ako sa pagpapalo sa kaniya ay hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang cellphone niya. Dali-dali kong binura ang picture. Antipatikong palaka talaga si Khalil. "Sa susunod na pagtripan mo ako, mas malal-,"