"Kathryn."
Bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Napaaga ako ng punta sa meeting place namin kaya nakuha ko ang upuan na malapit sa bintana. Hindi ko pa alam kung sinong katabi ko. Pero ngayon, mukhang alam ko na. Tiningnan ko ang nagsalita at nakita kong nakangiti siya sa akin. Nginitian ko siya pabalik. Sobrang na-miss ko 'tong lalakeng 'to.
Pero mas gumaan ang pakiramdam ko noong nag-usap kami ni Khalil.
May mga bagay siyang pinaintindi sa akin... para mas tumatag ang isang relasyon. Hindi kailangang puro selos lang. Dapat, may pag-iintindi rin.
"Na-miss kita. Alam mo ba 'yon?" Saad ni Daniel.
"I love you." Saad ko sa kanya at ngumiti.
Hinalikan niya ako sa noo. "I love you too, Kathryn. Sorry-,"
"Ang ingay mo naman, Daniel, eh. Matutulog muna ako, ah?" Saad ko kay Daniel at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Na-miss ko si Daniel. Na-miss kong kausapin siya. Na-miss ko lahat tungkol sa kanya. Grabe. Sobrang mahal ko 'tong lalakeng 'to.
Makalipas ang dalawang oras na byahe, narating na naman ang site kung saan kami magcacamp. Tiningnan ko ang relo ko at 4AM palang. Wala pang araw kaya malamang, madilim pa. Inassign na ang tent namin at ang magiging "tentmate" namin. Kasama ko sa tent si Julia. Kasama ni Miles 'yung isa naming kaklase. Kasama naman ni Daniel si CJ.
Inayos na namin ni Julia ang tent at mga gamit namin.
"Kathryn," Tiningnan ko si Julia. "okay na ba kayo ni Daniel?"
"Ha? Okay naman kami ni Daniel."
Hinawakan ni Julia ang kamay ko. "Ikaw bahala. Basta, nandito lang ako, ah? Magulo talagang pumasok sa isang relasyon. Masakit sa ulo. Minsan, masakit sa puso. Pero masaya."
Nginitian ko si Julia.
Buti na lang at may ganitong klaseng mga kaibigan ako.
"Osha, matutulog muna ako. Gising mo ako kapag magsisimula na ang mga activities, ah?" Sabi ni Julia sa akin at humiga na.
"Hmm, sige. Lalabas lang muna ako."
Lumabas ako ng tent namin ni Julia upang hanapin si Daniel. Pero hindi ko siya makita. Saan na naman kaya nagpupunta ang lalakeng iyon? Gusto... gusto ko sana siyang makausap.
"SHEMAY! PUSANG GALA!"
Napahawak ako sa puso ko sa sobrang gulat. Bigla nalang may humawak sa paa ko at nang tingnan ko kung sino ito, shemay, halimaw. Si Khalil! Pasalamat siya sa mga deep words niya at nagkaroon ako ng utang na loob sa kanya. "Hi, Cheber."