(Kathryn)
Naghihiwa ako ng papaya ngayon. Tinutulungan ako ni lola sa pagluto ng Tinola. Sobrang effort kasi ang ginawa ni Daniel kahapon. Kaya ngayon, ako naman. Hindi ako masyadong marunong magluto kaya kailangan ko pa rin ang gabay ni lola. Si Daniel naman, nasa kwarto pa rin niya sa taas. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa.
"Apo, tumawag na ba ang magulang mo?" tanong ni lola.
"Hindi pa po, 'la. Bakit po?"
"Tinawagan nila ako kaninang umaga. Uuwi raw sila sa Pilipinas." Seryosong saad ni lola. Nakapagtataka naman iyon. Hindi kasi madalas umuwi ang magulang ko. Maliban nalang kung may sobrang importante silang aasikasuhin.
"Sinabi po ba nila kung bakit?" Aniya ko.
Napansin kong napatigil si lola sa kanyang ginagawa. "Sinabi nila sa akin pero ayaw kong ako ang magsabi sa iyo. May mga bagay na sila dapat ang nagsasabi para mas maintindihan mo."
Natawa ako. Kakaiba ang inaasta ni lola ngayon. Ang seryoso ng aura niya at hindi ko pa siyang nakikitang naglalaro ng iPad. "Pabitin naman kayo, lola. Tsaka ang seryoso niyo po."
"Natatakot lang ako sa magiging reaksyon, apo." Tiningnan ako ni lola sa aking mga mata. "Baka... hindi na kita matawag na apo." Pagkatapos, ipinagpatuloy ni lola ang kanyang ginagawa. Ano daw? Wala na namang pumapasok sa utak ko.
Para bang... may ibig sabihin si lola.
"Takte! Kathryn, ba't putol ang daliri mo?!" Sigaw ni Daniel.
Bumalik ako sa tamang wisyo sa sigaw ni Daniel. Tiningnan ko ang aking kamay at dumudugo ito. Ang OA naman ni Daniel. Hindi putol ang aking daliri subalit napakaraming dugo ang lumalabas sa sugat. Nahiwa ko pala ito. Bakit ganito? Parang namamanhid ako?
Lumapit sa akin si Daniel at nilinis ang sugat ko.
"Lola naman! Bakit niyo po ba pinaghihiwa si Kathryn?! Nasaktan pa po tuloy ang girlfriend ko!" Muling pagsigaw ni Daniel kay lola.
Binatukan ni lola si Daniel. "Ang OA niyong magnobyo. Binibiro ko lang naman ang apo ko pero naniwala naman siya." Nakangiting saad ni lola.
Tama.
Sigurado akong nagbibiro lang si lola.
Hindi naman maaaring mangyari iyon.
(Daniel)
Umalis si lola pagkatapos naming kumain ng lunch. Ang sarap nga ng luto ni Kathryn. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Kathryn. Natutulog siya ngayon at tinitingnan ko ang kanyang napakaamong mukha. Hinding-hindi ako magsasawang tingnan si Kathryn. Napakaganda talaga ng girlfriend ko. Ipipikit ko na rin sana ang mata ko ngunit biglang nagring ang cellphone ni Kathryn.
Ayaw ko munang gisingin si Kathryn kaya ako na ang sumagot sa tawag.
"Hello? Sino 'to?"
"Kay Kathryn ba ang number na 'to?"
"Teka, sino ka ba?"
"Ako ang tatay ni Kathryn."
"Mawalang galang lang po pero nakadrugs po ba kayo? Panong kayo ang tatay ni Kathryn? Ang labo niyo po. Seryoso."
"Alam kong naguguluhan kayo. Pero malalaman niyo rin ang totoo.Naputol ang kabilang linya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng lalakeng iyon. Imposibleng totoo ang sinasabi niya. Hindi ko maipaliwanag pero napakaseryoso ng boses ng lalake. Hindi pwedeng ampon din si Kathryn. Ampon ako... hindi maaaring ampon din si Kathryn.
Sa kabila ng aking pag-iisip... tumunog ang telepono ko.
Tawag na naman? Tiningnan ko kung sino ito. Ang nanay ko.
"Hello, 'nay? Bakit po?"
Nanay talaga ang tawag ko sa tunay kong nanay. Wala naman siyang problema dito. Kahit nga sila Arie at Sue, nanay na rin ang tawag sa kanya.
"Sht naman! Ano pong pinagsasabi niyo? Hindi po ako papayag!! May girlfriend ako!! Ayaw ko po." Nagulat ako sa sinabi ng aking nanay.
Hindi maaari...
END OF CHAPTER THIRTY ONE
Thank you po sa pagbabasa!